"Eeee! Mahal din naman kita, Kensh! Pakurot sa banana mamaya ah?"

"Frey naman, ang bastos mo naman e. Magagalit si Dad."

I rolled my eyes. "Fine! Okay, I'll hang up na! Bye!"

Naputol ang tawag at jusme ang dibdib ko ang lakas ng kabog. Kilig na kilig talaga ako, grabe! Ganito ba ang feeling kapag mahal ka ng mahal mo? Ang heaven!

"Nakakadiri ka naman, biatch. Hindi ka man lang nahiya na kaharap mo ako habang nakikipaglandian ka sa phone kay Kenshin. My gosh, kawawa ang anak ko. Nasa tiyan ko pa, nasusubaybayan na agad niya ang kalandian mo."

Nakalimutan ko, andito pala si biatch sa harap ko. Pagdating kay Kensh, naba-blanko isip ko e.

"Grabe ka naman biatch, I'm sure super bait na bata ang magiging anak mo. So huwag mo akong i-judge! Minsan lang ako kiligin at sumaya ng ganito."

"Ewan ko sa 'yo, biatch. Sana nga maging masaya na kayo ni Kenshin. Sana alam mo na ang dapat mong gawin kay Daryl."

"Alam ko na naman, biatch. Unang una, wala namang idea si shingshangshung na alam ko ang kalagayan niya. Pangalawa, hindi rin naman ako nakipag-committment sa kaniya. At pangatlo, I just stayed at his side para lamg suportahan siya dahil alam kong mabigat sa dibdib niya iyong katotohanang may sakit siya. Hindi lang basta basta sakit kundi malubhang sakit.

"Buti nalang talaga sinampal kita. I'm so proud of myself."

Inirapan ko siya. "Gusto mo pa talagang nananakit ka e! Feeling ko talaga, pinaglilihian mo lang talaga ako."

"How I wish, ikaw ang pinaglilihian ko. Huwag sana siyang lumaking bitchesa."

"Duh, anh swerte kaya ng anak mo kapag ako talaga ang pinaglihian mo."

"Oo nalang, biatch. So, may lakad ka ba today?" Tanong niya.

Oo nga pala, may missed calls din si shingshangshung!

"I forgot. Tatawagan ko din pala siya."

I dialled his number. Nag-aalala naman ako dahil walong missed calls 'yon!

"Hello po, si sir Daryl po namumutla ang nagsusuka. Pinatawagan ka po niya sa akin pero hindi po kayo sumasagot."

Gosh! Napatayo ako saka nanlalaki ang matang tumingin kay biatch na nakatingin lang din sa akin.

"Alright, I'll be there!" Sabi ko saka ibinaba ang tawag. Mabilis akong tumayo.

"Anong nangyari?"

"Namumutla daw at nagsusuka si Daryl. Gosh, what happened to him. Kailangan ko siyang puntahan, biatch."

"Sige biatch, tandaan mo, huwag mong pairalin ang pagpi-feeling superhero mo. Okay na kayo ni Kenshin so wala na dapat na maging issue. You should tell to Kenshin that you're going to Daryl."

Tumango ako. "Sige, biatch. Magpapalit lang ako ng damit sa taas. Then I have to go. Take care here. Call me kapag may kailangan ka." Sabi ko saka mabilis na umakyat sa kwarto ko.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Kung kanina, dahil sa kilig at tuwa ang pagkabog ng tuwa ko, ngayon ay dahil sa pag-aalala na.

"CYBEL, hindi ka na dapat nag-abalang pumunta dito. Baka busy ka, baka may work ka, baka..." natigilan siya sa pagsasalita nang mapaubo siya ng bahagya.

Ang putla putla niya. He looked like he's going to faint anytime. Naaawa ako sa kaniya.

"I'm not busy. Ilang beses ko bang sasabihin na wala akong ginagawa today. Saka tingnan mo nga 'yang sarili mo."

TWO FACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon