WAKAS

52.1K 1.1K 66
                                    

WAKAS


Lara

Napangiti ako habang nakahalumbaba na nakatingin kay Deo na natutulog pa. Shirtless habang takip ang ibabang bahagi nya ng puting kumot namin.

Pinagapang ko ang daliri ko sa bridge ng ilong nya at napangiti ako ng kamutin nya ang ilong tila nakiliti sa ginawa ko.

Tumingin ako kay King na gising na at nakadapa habang tinitignan ang ginagawa ko.

"Deo, gising na.."

Umungot sya at hindi parin dumidilat tila hirap na hirap sya na gawin iyon sa sobrang antok nya. Naisipan kong bumangon at kinilik si King. Maingat na bumaba kami ng kama at naglakad palabas.

Napahinto ako ng may biglang sumulpot sa paa ko. Napababa ako ng tingin at bigla akong napangiti.

"Saver!!!"

Nagtatalon-talon si Saver sa tuwa at maging ako man ay sobrang tuwa dahil namiss ko sobra si Saver. Agad na naupo ako ng pa-squad at inupo sa isang hita ko si King.

Hinaplos ko ang balahibo nito at napahinto ng may napagtanto. Si Dad! Narito na sya!

Agad na tumayo ako at inayos ng pagkakakilik si King habang tuluyan kaming bumaba mula sa kwarto. Pagdating sa sala ay nakita ko na nakaupo doon si Dad habang nagkakape.

"Dad!" napalingon sya at napangiti bago ilapag ang tasa sa platitong nasa lamesa. Agad na lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi nya bago bumeso.

"Anak. Naku, ang laki-laki na ng apo kong mana sa akin ang kagwapuhan." kinuha nya sa akin si King kaya pinabayaan ko.

"Dad, bakit hindi kayo nagsabi na pauwi na po kayo? Sana ay nasundo namin kayo." Napanguso ako kaya natawa sya habang pinapatayo sa kandungan nya si King.

"Ano ka ba, ayos lang. Ayokong maabala pa kayo. Nandyan naman ang tita mo na syang sumundo sa akin."

Napahinga ako ng malalim at kinuha si Saver na nagpunta sa paanan ko. Niyakap ko ito dahil miss na miss ko na rin ito.

"Hindi tuloy kayo nakadalo sa party ni King."

"Ah, oo nga, pero makakalimutan ko ba ang regalo ng apo ko? Syempre hindi."

Napangiti ako dahil nakatitig si King sa lolo nya habang nagsasalita. Napangiti ito kaya nagkatinginan kami ni Dad.

"He understand you, Dad."

"I think so."

May inabot si Dad sa gilid nya na paper bag at pinakita kay King.

"Apo, I have a gift for you."

"Dad, patingin." agad na kinuha ko kay Dad ang paper bag at tinignan ang loob.

"Sa apo 'yan, hindi sa isip batang anak ko."

Natawa lang ako sa sinabi ni Dad at nilabas ang regalo nya para sa anak ko. Isang pares na sapatos at mga damit na puro polo.

"Naku, tiyak na gwapong-gwapo rito si King, Dad."

"Syempre, pipili ba ako ng hindi pa maganda sa apo ko. Nag-iisa palang ito."

Natigilan naman ako sa sinabi ni Dad, pero hindi ko pinahalata at tinapat ko kay king ang damit.

"Dad, kumain na ba kayo? Sabay-sabay na po tayong mag-breakfast."

Niligpit ko ang mga damit na regalo kay King at muli kong sinilid sa paper bag. Tatayo sana ako upang maipahanda ang breakfast namin sa lamesa ng pigilan ni Dad ang braso ko.

Deorico Alesano FORD SERIES 4 (COMPLETED) UnderEditingWhere stories live. Discover now