KABANATA 30 - HAPPY

33.5K 704 1
                                    

KABANATA 30
HAPPY

Deo

He's so curious. I'm smiling while looking at my son. Hindi nya alam kung ano ba ang pinaggagawa namin sa kanya ni Lara.

"Deo, wag na kaya, baka madapa sya." nangangamba si Lara na baka hindi pa kaya ni King ang lumakad.

"Trust me, I know my son." napanguso sya kaya napangiti ako dahil tutol na tutol sya.

"Come here, Son!" binitawan ni Lara si King kaya nanatili ang pagtayo ng anak ko tila hindi alam ang gagawin. He's one year old now.

Tila nanginig ang kamay ko ng subukan nyang humakbang. Nakaabang ako at naging alerto kung sakali mang hindi nya kayanin.

Come, son. I know you can do it.

Naging mabilis ang lahat at napabuka ang bibig ko sa tuwa at agad na hinawakan si King ng maging mabilis ang kanyang paghakbang. Agad na binuhat ko sya at inangat sa sobrang tuwa sa kanya.

"Very good, Son." natawa ako at hinagis-hagis sya sa ere na kinahagikgik nya.

"Ano ba, Deo! Tigilan mo nga iyan at baka mahilo sya." Kuntodo pigil sa akin ni Lara sa braso at pilit na inaabot si King.

"Wag kang masyadong highblood, babe. I know what I'm doing."

"Isa, Deo!" inis na sya kaya tinigilan ko na ang paghagis kay King. Agad nyang kinuha sa akin si King at umirap sya bago nagmartsa habang buhat-buhat ang anak namin.

Nakapamewang ako na napailing habang sinusundan sila ng tingin na pumasok sa loob ng bahay. Agad na sinundan ko sila at nakita ko na nakaupo sa sofa si Lara habang nakahiga si King na kuntodo tingin nya sa mga braso't binti ni King kung may galos ba.

Napailing na lumapit ako sa kanila at naupo sa tabi ni Lara. Agad na gumapang ang kamay ko sa hita nyang expose kaya agad nyang pinalo ang kamay ko na kinahalakhak ko.

"Tumigil ka, Deo."

Hindi ako natinag sa banta nya at humawak ako sa bewang nya bago dampian ng halik ang balikat nya na expose rin dahil nakaoff shoulder sya na blouse.

"Deo, ano ba!" agad na umilag sya at siniko ako na lalong kinahalakhak ko.

"Babe, amoy na amoy ko parin ang amoy ko sa'yo." bulong ko na kinatigil nya. Pero hindi, nagpatuloy sya sa ginagawa nya kay King na kinangisi ko. She's good on hiding her feelings, ha?

"Sir, tumatawag si Madam." napatingin ako sa bagong kasambahay na kinuha ko para hindi mahirapan pa si Lara sa pag-aasikaso ng bahay. Mabuti ng sa akin sya mahirapan.

Agad na inabot ko ang landline phone at tinapat sa tenga.

"Yes, Mom?"

(Anak, wala ba kayong balak na i-celebrate ang first birthday ng apo ko? Aba'y hindi pwedeng wala lang.)

"Mom, hindi pa naman nya maalala iyon. Kaya lalabas nalang kami nila Lara para kumain. Tsaka na maghanda kapag nasa hustong gulang na sya kung saan maalala nya ang mga ganung okasyon."

(So, hindi ko makikita ang apo ko sa birthday nya?)

"Mom, halos isang araw nyo nga lang ho hindi sya nakikita dahil sa dalas nyo rito. Pupunta nalang kami d'yan bukas, sa ngayon ay kami nalang muna."

Rinig ko ang pagtatampong pagbuntong-hininga nya kaya napailing ako. Masyadong malapit si Mommy kay King kaya halos walang araw na hindi sya magpunta rito. Ngayon lang hindi dahil tila may importanteng ginagawa si Daddy.

(Okay.)

Napabuntong-hininga ako ng binaba nya ang tawag. Tumingin ako kay Lara na tinayo sa kandungan nya si King. Binaba ko sa side table sa gilid ko ang landline phone at humawak ako sa braso nya.

Deorico Alesano FORD SERIES 4 (COMPLETED) UnderEditingNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ