KABANATA 20 - DADDY DEO

32.9K 690 30
                                    

KABANATA 20
DADDY DEO

Lara

Naalimpungatan ako ng maramdaman ko na may maligamgam na pumupunas sa mukha ko. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at napahawak ako sa ulo ko dahil sumakit iyon.

"Are you alright, babe? Wag ka munang bumangon." pinigil ako ni Deo sa pag-upo habang nasa tabi ko pala sya at kanina pa ata ako pinupunasan ng noo.

"Ayos lang ako. Ano bang nangyari?" tanong ko na kinahinto nya sa pagpunas.

Naramdaman ko ang paggalaw nya at maya-maya ay pinaupo na nya ako. Nagpunta sya sa likod ko at naupo, bago ako isandal sa kanya at niyakap.

"Hanggang kelan mo sasabihin sa akin?" aniya at naramdaman ko ang paglapat ng mga kamay nya sa tiyan ko. Napakagat ako ng labi. Nalaman na kaya nya?

"Ah, ano bang sinasabi mo?" sinubukan kong wag munang sabihin, gusto kong makumpirma na sya mismo ang nakaalam.

"Tsk. Bad girl." bulong nya at kinagat ang tenga ko kaya napahalakhak ako at hinawakan ang kamay nya nasa tiyan ko.

"Alam mo na pala." umayos ako ng upo at napangiti.

"Talagang wala kang balak sabihin? Paano kung napahamak ka sa mga kumuha sayo, at ang malala ay napahamak kayong dalawa ng anak natin?" inis nyang sabi. Parang lumambot ang puso ko ng banggitin nya ang 'anak' namin. Ang sarap pakinggan habang sinasabi nya iyon.

"Eh, sasabihin ko na sana sa'yo, kaso naudlot lang. Ikaw kasi, hindi mo ako sinama kaya ayun." ngumuso ako at pinaglaruan ko ang kamay nya. Humawak ang isang kamay nya sa baba ko at pinaling ang ulo ko para iharap konti sa kanya.

"Oo na, nagsisisi ako na hindi kita sinama. Damn. Iyon na ata ang grabeng takot na naramdaman ko. Ngayon lang ako natakot at dahil iyon sa'yo."

Napangiti ako at napaidtad ng sakupin nya ang labi ko. Mga limang segundo lang siguro naglapat ang labi namin ng bumitaw na sya.

"Pero masaya na ako ngayon na ligtas ka at lalong-lalo na ng malaman kong dinadala mo ang anak ko. God. Halos mag-umapaw sa saya ang puso ko, babe. Sobrang saya ko ng malaman kong buntis ka."

Napangiti ako at kinilig sa sinabi nya. Hindi ko akalain na sobra pala syang matutuwa. Ang ineexpect ko ay baka hindi sya masaya, pero kabaligtaran pala iyon.

"Deo, natatakot ako. Paano ko gagampanan ang maging isang ina kung bulag ako? Hindi ko rin makikita ang itsura ng anak natin kapag lumabas na sya."

Napabuntong-hininga sya at pinatong nya ang baba nya sa balikat ko habang niyakap pa ako ng mahigpit.

"Wag kang matakot, dahil narito ako at hindi kita papabayaan maging ang magiging anak natin. At oras na mailabas mo na ang anak natin ay sisiguraduhin kong makakakita ka na."

"Pero paano kung hindi maging successful ang operasyon?"

"Tsk.. Wag mo nga isipin 'yan, ang isipin mo ay positive lang. Alam ko na makakakita ka, sisiguraduhin ko 'yan."

Napangiti ako at inalis ko ang kamay nya sa tiyan ko kaya umalis ang pagkakapatong ng baba nya sa balikat ko. Humarap ako sa kanya at lumuhod. Kinapa ko sya at hinanap ko ang mukha nya, habang sya ay humawak sa bewang ko.

"Salamat, Deo. At kapag nakakita na ako ay ikaw ang gusto kong unang makita."

Hinapit nya ako sa bewang kaya sumubsob sya sa dibdib ko. Nakatingala ang mukha nya tila tinitignan ako.

"Gusto ko 'yan.. Tiyak akong itong gwapong mukha ko ang tangi mong makikita."

Napatawa ako at pinisil ko ang pisngi nya. Napatigil lang ako sa pagtawa ng isubsob nya ang mukha sa dibdib ko.

Deorico Alesano FORD SERIES 4 (COMPLETED) UnderEditingWhere stories live. Discover now