KABANATA 4 - I LIKE YOU

27.2K 694 14
                                    

KABANATA 4
I LIKE YOU

Lara

"GUSTO MONG MAMASYAL sa ibang lugar?"

Matapos kong mag-emote sa pagtugtog gamit si Sexy ay biglang nagsalita si Deo na hindi ko namalayan na nakikinig pala siya.

"Huh?"

Napahalakhak siya kaya binaba ko si Sexy sa kinauupuan ko at tumayo ako. Lumakad ako palapit sa harang ng veranda at tinukod ko ang braso ko sa pasimano.

"Hmmm, gusto mo bang mamasyal sa ibang lugar?"

"Sa ibang lugar? Saan naman 'yun?"

"Basta.. Ano, sama ka?"

Napaisip ako. Baka hanapin ako ni Ate Lourdes at sabihin pa niya kay Tita Pia kung sakali.

"'Wag kang mag-alala, saglit lang tayo."

Dahil sa pamimilit niya ay napasama ako. Inabangan niya ako sa harap ng gate ng bahay ko. Nais ko sanang isama si Saver, pero sabi niya ay 'wag na daw dahil baka mahirapan lang daw ako.

Kaya inalalayan niya ako dahil sasakay daw ako sa kotse niya. Naupo ako ng makapasok ako sa loob ng kotse niya at naramdaman ko ang pagsara ng pinto sa side ko. Pinakiramdaman ko ang paligid at maya-maya ay narinig ko muli ang pagbukas ng kotse at naramdaman ko ang presensya ni Deo na sumakay. Sinara niya ang pinto at pagkatapos ay napaidtad pa ako ng maramdaman ko ang paglapit ng katawan niya sa akin.

"Seat belt." bulong niya at nang makabit niya ang seat belt ay lumayo na siya na kinahinga ko ng maluwag, "'wag ka nang mailang sa akin, Lara."

Agad akong umiling at humarap ako ng upo kung saan alam kong nasaan siya.

"H-hindi ako naiilang. Nabigla lang ako."

"Akala ko ay naiilang ka pa rin. Mabuti naman at hindi na, para mas lalo tayong magkakilala."

Tumango ako at ngumiti sa kanya. Umayos ako ng upo ng maramdaman ko ang pagbuhay ng kotse. Maya-maya pa ay umandar na ang kotse.

Dahil nakakailang ang katahimikan kaya naglakas-loob ako na mag-umpisa ng usapan.

"Deo..."

"Hmmm?"

Napahawak ako sa seat belt at hindi ko alam kung dapat ko bang itanong ito. Nakakahiya.

"Ano... Gusto ko lang itanong ang lahat sa 'yo. Parang getting to know each other ba.."

Hindi siya nakatugon agad sa akin kaya kinabahan ako at nahiya dahil baka masyado naman akong makatanong.

"Ah.... Okay lang kung hindi mo sagutin."

"Hindi, sasabihin ko sa 'yo para naman hindi ka magduda sa akin." Sagot niya.

Napalunok ako at tumango. Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil hindi siya nagalit.

"Twenty-two years old na ako."

"Oh, kaedaran pala kita." natutuwa kong bulalas. Napaasik siya kaya tumikom ang bibig ko.

"Ang pamilya ko ay nakatira sa isang isla. Graduate na rin ako sa kursong business management."

"Hmmm, wala ka bang asawa o girlfriend? Kinakabahan tuloy ako ngayon baka magalit ang girlfriend mo dahil kasama mo ako." biro ko.

"I...don't have."

Nakahinga ako ng maluwag at napangiti dahil wala naman pala akong dapat na ipangamba na baka may susugod na lang sa akin bigla. Pero grabe ang bagal niyang tumugon. Parang hindi siya sure.

Deorico Alesano FORD SERIES 4 (COMPLETED) UnderEditingWhere stories live. Discover now