KABANATA 5 - DEAD THREAT

26.7K 669 33
                                    

KABANATA 5
DEAD THREAT

Deo

NILAGOK KO ANG alak habang malalim ang iniisip ko. Narito ako sa bar na palaging pinagtatambayan namin nila Cole. Mag-isa lamang ako at gusto kong mapag-isa. May gumugulo sa isip ko at iyon ay tungkol sa aksidenteng nangyari kay Kacey at Lara.

"Pre, hindi ka man lang nag-aya."

Bumaling ako sa kanan ko ng may tumapik sa balikat ko at nakita ko si Cole, Gin, at King. Napahinga ako ng malalim at tumingin sa baso ko na may lamang alak. Inalog-alog ko ang baso at hindi pinansin sila Cole.

"Deo, kumusta ang revenge mo? Napaibig mo na ba?"

Binaba ko ang baso sa counter at pinagsiklop ko ang mga daliri ko bago ko tinignan si Cole.

"Hindi pa, pero malapit na."

Ngumisi siya at tumango-tango bago kinuha ang alak na nilahad ng bartender.

"Akala namin ay ikaw ang nahuhulog sa sarili mong patibong. Tila kasi hindi lang paghihiganti ang nangyayari, tila tinototoo mo na."

Ngumisi ako at nilagok ang natitirang alak sa baso ko.

"Hindi porket kaibigan kita ay alam mo na ang lahat ng pinaplano ko, Cole. Kaya 'wag mo akong turuan sa dapat kong gawin."

Nawala ang ngisi niya kaya umalis na ako sa pagkakaupo sa high chair at iniwanan ko na sila doon. Umalis ako ng bar na malalim muli ang iniisip ko.

Kinuha ko ang ear phone at pinasak sa tenga ko.. Tinawagan ko si Dad dahil may nais akong itanong sa kanya.

"Yes, Son?"

"Dad, may number pa rin ba kayo ng private investigator niyo? Tila pulpol ang nakuha ko."

"Sino naman ang gusto mong ipahanap?"

"Ako na ang bahala 'don, Dad. Kaya ko na kaya 'wag niyo na akong tulungan."

Alam kong nakangiti ngayon si Dad. Siya mismo ang nagsabi sa amin na dapat kami na ang umayos ng sarili naming gusot. Gusto kong maging kagaya niya at ni Kuya, pero alam ko na marami pa akong kakaining bigas.

"Okay, ise-send ko sa 'yo ang number. Just call me if you want my help, Son."

"Sure, Dad. Thanks.."

Inalis ko na ang ear phone sa tenga ko at pinatong ko ang braso ko sa gilid ng bintana habang napapahaplos ako sa labi ko.

Bigla kong naalala si Lara. Alam ko na hindi dapat ako masyadong mapalapit sa kanya, pero habang tumatagal na nakikilala ko siya ay hindi ko maunawaan ang sarili ko.

Napapalo ako sa manibela ng maalala ko kung gaano ko kagusto ang labi niya. Hindi ako dapat magpa-epekto doon dahil si Kacey lamang ang nagpaparamdam sa akin ng gano'n. Pero bakit sa babaeng iyon ay hindi ko maalis sa sistema ko?

Tatlong araw na rin akong hindi nagpapakita---I mean nagpaparamdam sa kanya. Napaisip ako kung ano na kaya ang ginagawa niya ngayon?

Damn! Of course, Deo, kung ano ang ginagawa niya noon, gano'n pa rin. Hindi mababago iyon dahil lamang nakilala ka niya.

Hininto ko ang sasaktan malapit sa bahay ko. Pero hindi dahil malapit na ako, kundi dahil nakita ko na tila may hinahanap si Lara.

Agad akong bumaba at lumapit sa kanya. Umiiyak siya at sinisigaw ang pangalan ng Dad niya.

"Dad, alam kong nand'yan kayo. Bakit hindi kayo lumapit sa akin? Please, 'wag niyo po akong iwasan ng ganito!"

Napatingin ako sa lalakeng tumingin kay Lara pero nang makitang nakatingin ako ay agad siyang sumakay ng kotse. Napatingin siya kay Lara at hindi siya umalis kundi sumakay lamang ng kotse habang nakatanaw kay Lara.

Deorico Alesano FORD SERIES 4 (COMPLETED) UnderEditingWhere stories live. Discover now