KABANATA 18 - DEO's WAY

29.3K 646 3
                                    

KABANATA 18
DEO's WAY

Lara

Mahigit dalawang linggo na rin ang nakalipas mula ng kasal ng Kuya ni Deo. At masaya ako dahil sobra kong nakilala ang pamilya ni Deo. Naisipan ni Deo na sa isang bakasyunan na bahay rito rin sa BF Island kami tumira. Ayoko sana dahil nakakahiya sa parents nya na gustong manatili nalang kami sa bahay ng mga ito, pero si Deo ang makulit at gusto na may iba pa kaming titirahan dahil para daw walang istorbo. Hindi ko pa nagets nung una pero kalaunan ay naisip ko na kapilyuhan na naman ang nasa isip nya.

"Babe, bangon na." ungot nya habang hinahalikan ang balikat ko.. Nakapikit parin ako habang nakahiga patagilid. Ang sama kasi ng pakiramdam ko. Hindi ko rin gusto na bumangon dahil tinatamad ako.

"Mamaya na, matutulog lang muna ako."

"Palagi kang antukin. Ano bang nangyayari sa'yo, ha?"

Hindi ko sya pinansin at napapingot ako ng ilong ko dahil ang baho ni Deo.

"Lumayo ka nga, ang baho mo." irita kong sabi sa kanya at hinawi ko sya.

"What the! Ako mabaho? ...Hindi naman, ah?"

Naramdaman ko ang paglapit muli nya sa akin at yumakap sya habang nakapatong ang baba sa balikat ko. Napaupo ako at napatakip ng bibig ko.

"Hey, are you okay?"

Umiling-iling ako at inalis ko ang kamay ko sa bibig ko. Huminga ako ng malalim habang nakahawak sa dibdib ko.

"Ang baho mo talaga Deo, nasusuka ako."

"Ganun ba.. Teka, magshoshower agad ako. Gusto mo bang uminom ng gamot?"

"Ayoko.. Matutulog nalang ulit ako."

Napahinga sya ng malalim at naramdaman ko ang pag-alis nya sa kama.. Nahiga akong muli at agad din akong tinangay ng antok..

"Babe.." nagising muli ako dahil naririnig ko ang boses ni Deo at nakikiliti ang leeg ko dahil may humahalik doon.

"Ano ba!" inis kong hinawi ang mukha nya at sumubsob ako sa unan..

"Babe, bangon na.. May surprise ako sa'yo." ungot nya at napaungol lang ako habang hindi parin ako dumidilat.

Siguro ay naalimpungatan lang ako ng makatulog ako ng sapat. Nanlalata na bumangon ako sa kama at kinapa-kapa ko si Deo sa tabi ko, ngunit wala akong makapa.

"Deo?"

Walang sumasagot kaya kinapa ko ang stick ko at nang mahawakan ko ito ay binaba ko ang paa ko sa sahig at tumayo ako.

"Deo, nasaan ka!?"

Napakuno't-noo ako dahil hindi parin sya sumasagot. Marahang lumalakad ako habang gamit ang stick ay kinakapa ko ang dinadaraanan ko.

Nang makapa ko ang pinto ay humakbang ako ng isa at kinapa ko ang seradura. Nang mahawakan ko iyon ay pinihit ko ito at binuksan ko ang pinto. Gamit muli ang stick ay lumakad ako palabas habang maingat ako sa mga steps ko.

"Deo?"

Nasaan kaya sya? Bakit hindi man lang sya sumasagot sa tawag ko?

Nang alam ko na nasa sala na ako ay pinakiramdaman ko ang paligid.

"Oh, mabuti at gising ka na."

Napabaling ang ulo ko kung saan ko narinig ang tinig ni Deo.

"Saan ka ba galing at hindi ka sumasagot?"

Naramdaman ko ang paggapang ng kamay nya sa bewang ko at pinagsiklop nya ang nga daliri nya para ikulong ang bewang ko sa mga kamay nya.

"Nagpunta lang ako kela Mom dahil tulog ka naman. Mula kaninang umaga ka pa tulog, tapos ngayong gabi ka lang nagising." aniya at hinapit ako palapit kaya napahawak ako sa dibdib nya.

Deorico Alesano FORD SERIES 4 (COMPLETED) UnderEditingWhere stories live. Discover now