KABANATA 28 - INSECURITIES

34.2K 722 20
                                    

KABANATA 28
INSECURITIES

Lara

Nagpatuloy ang pagrecover ko at dumaan din ako sa maraming check-up upang masigurong maayos na ang paningin ko. Kaya ngayon ay napagmamasdan ko na ang lahat ng kalsada, mga bahay, mga tao, at marami pang nakikita na ng mga mata ko.

Ngayon ay naalalagaan ko na rin si King Gunner habang si Deo ay inaasikaso ang magiging kasal namin na naudlot at maging ang negosyo nya na ngayon ko lang nalaman. Inamin nya sa akin na may negosyo sya na mga patok sa mga bata. Isang pubrika ng pagawaan ng laruan at dinala nya rin ako doon minsan.

Kaya ngayon ay busy sya sa pagiging CEO, habang pag-uwi ay busy din sya sa amin upang bigyan kami ng time.

At dahil wala sya ngayon ay naisipan kong gumala muna. Kahit nakakakita na ako ay ayaw parin nya ako palabasin. Tumindi ang pagseselos nya lalo na kapag may nakikita akong gwapo. Napapangiti nalang ako dahil wala naman syang dapat na ikaselos dahil sya parin ang pinakagwapo sa paningin ko. Humahanga lang ako sa gwapo na mabait at lalo na yung nakakatulong sa akin, katulad ni Andrew.

"Baby ko, lalayas muna tayo.. Wala naman si Daddy mo."

Humagikgik sya tila nauunawaan ang sinabi ko kaya napangiti ako at hinalikan sya sa labi. Nakabihis ako ng simpleng white fitted T-shirt  na pinaragan sa maong na palda na hanggang tuhod ko ang haba.. Nakawhite rubber shoes din ako habang nakamessy buns ang pagkakaipit sa buhok ko.

Sinukbit ko sa balikat ko ang shoulder bag na dala ko na naglalaman ng ilang gamit ko at gamit ni King. Kinilik ko ang anak ko na nakaporma din.

Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko si Ate Lourdes na may kapenpal. Hindi na ako lumapit dahil busy sya at tila hindi naman kami napansin. Si Manang ay tiyak na nagshe-siesta ngayon kaya hindi ko na rin iistorbohin, at maganda na rin iyon dahil tiyak na hindi ako papayagan dahil mas pinapanigan no'n si Deo.

Paglabas ng bahay ay nakita ko ang isang kotse ni Deo. Umiling ako dahil hindi ko na nais na magmaneho; ayoko ng maulit muli ang nangyari kaya mabuti pang mamasahe nalang kami.

Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa isang mall. Pagdating doon ay nagbayad ako at bumaba habang inaayos ko ng kilik si King. Pumasok ako ng mall at hinanap kung saan ba ang meeting place.

Umakyat ako sa second floor at nakita ko na ang studio kaya lumakad ako patungo doon.

"Good morning, Mam."

"Good morning. Ako yung nagpamember."

"Ah, kayo po si Miss Lara Evangelista?" tumango ako at ngumiti, "Kung ganon po ay pumasok na po kayo at nandoon na po ang ilang member."

"Salamat." ngumiti sya at tumango.

Naglakad na ako at tumingin sa paligid ng studio. Maraming mga baby inspired item na mga gamit sa loob nitong studio. Napangiti ako dahil ang cute ng baby walkers.

Pumasok ako sa isang bukas na pinto at pagpasok ko ay nakita ko na ang mga member, maging ang instruktor namin.

"Oh, Miss Lara, come here!" aya sa akin ni Mrs. Zenaida. Ngumiti ako at tumango. Napatingin sa akin ang mga kananay ko na dala rin nila ang kanilang baby.

"Hello.." ngumiti sila sa bati ko kaya lalo akong napangiti. Nagtungo ako kay Mrs. Zenaida at hinarap nya ako sa mga kananay.

"This is Ms. Lara Evangelista. She's our new member."

Pumalakpak ang ilan at ang ilan ay napangiti. Sinenyasan ako ni Mrs. Zenaida na maupo sa bakanteng upuan sa unahan kaya lumapit ako doon at naupo. Binaba ko ang bag sa sahig at inayos ko ng pagkakakilik si King sa bisig ko at kandungan ko.

Deorico Alesano FORD SERIES 4 (COMPLETED) UnderEditingΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα