KABANATA 26 - SELOSAN

28.9K 630 3
                                    

KABANATA 26
SELOSAN

Lara

Kilik-kilik ko si King habang nakaupo kami rito sa upuan sa clinic ng Doctor na nagpaanak sa akin. Chinecheck-up ni Doc si King habang kilik ko ito. Nasa tabi naman namin si Deo na nakaakbay sa akin.

"Malusog si baby, pero dapat sa susunod na buwan ay dalhin nyo sya rito para sa bakuna at ilang vitamins nya na ipapainom nyo para hindi sya madapuan ng ano mang sakit."

"Sige Doc, tatandaan namin 'yan.. Salamat."

Inalalayan ako ni Deo sa pagtayo habang bitbit nya ang bag na naglalaman ng gamit ni King.

"Deo, wala ba rito sa hospital na ito ang kaibigan ni Drake?"

"Wala, nakabase sya sa maynila.. At uuwi na tayo para naman maayos natin ang kwarto ni King."

Tumango ako na naupo ng alalayan nya akong pumasok at maupo sa front seat ng kotseng dala namin. Dederetso na pala kami sa port dahil hindi naman maaaring magchopper kami dahil baka malula at maingayan si King sa tunog ng chopper.

Narinig ko ang pagpasok rin nya at pagbuhay ng makina.

"Seat belt, babe." naramdaman ko ang paglapit nya at nilagyan nya kaming mag-ina ng seat belt na hindi naman kasikipan.

"Deo, hindi ba naglalaway si King?"

"Hindi naman. Don't worry, ako na ang magpupunas kapag naglaway sya."

Napangiti ako dahil ibang-iba na talaga si Deo.. Hindi ko akalain na marunong syang magpalit ng pampers, magpaligo kay King, magpakain, at kumilik. Sinabi nya sa akin na tinuruan sya ni Tita.

"Oh, anong iniisip mo at napapangiti ka?" tanong nya.

"Wala. Sobrang saya ko lang dahil ramdam ko kung gaano mo ako inaalagaan at ang anak natin."

Naramdaman ko ang pagkuha nya sa kamay ko na nakahawak sa pang-upo ni King.. Mahigpit nyang hinawakan iyon at dinala sa labi nya para halikan.

"Aalagaan ko kayo dahil obligasyon ko iyon bilang soon to be husband mo at ama ni King.. At kahit na oras na makakita ka na ay patuloy parin iyon.. Kayo na ang buhay ko at hindi ko kayo ipagpapalit kanino man."

Kinilig ako sa sinabi nya at lalong napangiti.. Hanggang ngayon ay napakalakas ng impact sa akin ng bawat matatamis na salita na binibitawan nya.

"Salamat, Deo."

"Welcome, babe." aniya at pinagsiklop ang kamay namin na kinangiti ko ng lihim.

-

Pagdating sa maynila ay dumeretso daw kami sa sikat na hospital kung saan nagtatrabaho ang kaibigan ng katriplet nyang si Drake.

Sya na ang kumilik kay King Gunner habang ako ay nakakapit sa braso nya habang sinasabi nya ang mga nadadaanan namin.

"Nurse, nandito ba si Doctor Andrew?" tanong nya at huminto kami.

"Yes, Sir.. May appointment po ba kayo?" bakas sa boses ng nurse na para itong kinikilig kaya napahigpit ang hawak ko sa braso ni Deo dahil naiinis ako.

"Wala, nirecommend lang si Doc Andrew sa akin ng kapatid ko."

"Ganun ba, Sir.. Paano ba 'yan, hindi kasi pwedeng iharap sa inyo si Doc hangga't wala kayong appointment?  Pero kung gusto mo ay ibigay mo nalang ang name at number mo para matawagan kita kapag nakausap ko na si Doc."

"No need." tugon ni Deo, "Babe, kilikin mo muna si Baby King at tatawagan ko si Drake."

Kaya naman bumitaw ako sa braso nya at nang ipahawak nya sa akin si King ay kinilik ko ito at inayos sa braso ko.

Deorico Alesano FORD SERIES 4 (COMPLETED) UnderEditingWhere stories live. Discover now