KABANATA 25 - KING GUNNER

29.3K 629 9
                                    

KABANATA 25
KING GUNNER

Lara

At dahil hindi naman matutuloy pa muna ang wedding namin sa isla, kaya nagbakasyon nalang kami sa isla at umattend sa one week preparation wedding ni Seige at Magnolia. Talaga nga na napakadali lang para sa kanila kahit na biglaang pagpapakasal. Nilarawan sa akin ni Deo ang kasal nila Seige, at base sa paglalarawan nya ay maganda at naging bongga ang kasal. Nagprisinta din ako na tumugtog sa kasal nila at masaya ako dahil nagustuhan nila.

"Wow! Ate, ang sexy mo kahit buntis."

Nahihiya na hinatak ko pa ang cardigan na suot ko para takpan ang suot kong bikini. Hindi ko kagustuhan ang pagsuot ng bikini pero kasi nahihiya akong tanggihan si Bettina. Lalo pa't baka magtampo sya.

"Haha.. Nakakahiya na isuot ko pa ito, Bettina."

"Naku Ate, ayos lang 'yan. Dapat ay masubukan mong magbikini bago ka pa man manganak. Tsaka ayos lang 'yan, nasa beach ka naman."

Ngumiti ako na natatawa ngunit sa loob-loob ko ay nais ko nang lumubog sa lupa sa kahihiyan oras na lumabas ako ng nakaganito. Mabuti at may cardigan ako na suot, kaya medyo natatakpan pa ang katawan ko. Pero kitang-kita naman ang tiyan ko na malaki. Hindi ko matakpan.

Inalalayan na ako ni Bettina na lumabas sa C.r at lumabas kami ng cottage para puntahan sila Deo na naliligo na.

"Diko! Look! Ang sexy ni Ate!" hiyaw pa ni Bettina na kinayuko ko kahit na hindi ko alam kung ano ba ang reaksyon ng mga taong nakakakita sa ayos ko ngayon, lalo na ni Deo.

"What the! Bakit pinagsuot mo ng ganyan si Lara? Hindi mo nakikita na buntis sya? Baka mamaya ay lamigin sya."

Napaidtad ako sa galit na si Deo, hanggang sa maramdaman ko na may tumakip na towel sa harap ko na binalot.

"Diko, hindi naman masama pag nagbikini parin si Ate. Ang oa mo."

"Geez!"

"Deo, ayos lang, wag mo nang pagalitan ang kapatid mo."

Nahawakan ko ang braso nya at pinigil sa pamamagitan ng pagpisil ko sa braso nya.

"Halika nga at magpalit ka."

Inakay nya ako pero hindi ako nagpahila. Ngumuso ako at yumuko.

"Bakit, pangit ba ako kapag suot ko ang ganito? Hindi ba ako sexy?"

Narinig ko ang pagsinghap nya at agad na hinawakan ako sa mukha bago iangat ang mukha ko.

"No, it's not that. I mean you are really great.. Pero inaalala ko lang na baka lamigin ka, lalo't buntis ka at malapit ka nang manganak."

"Sige na, wag ka nang tumutol. Nakasuot naman ako ng cardigan e."

"Aist. Okay, okay, but don't take off that cardigan?"

Ngumiti ako at tumango. Inalalayan nya ako habang rinig ko ang mabibigat nyang hininga tila ba hindi parin sya sang-ayon sa suot ko.

"Nasaan sila?"

"Nasa tubig na.. Maupo ka muna rito at kukunin ko ang sun block." aniya at inalalayan akong maupo sa tila tela.

Nang makaupo ako ay iniwanan nya ako. Ramdam ko na nasa lilim ako. Pinagalaw ko ang mga paa ko at naramdaman ko ang buhangin na kinangiti ko.

"Ate, sunod nalang kayo ni Diko sa tubig."

Ngumiti ako kay Bettina kahit hindi ko alam kung nasaan sya. Tumango ako rito at narinig ko na ang papalayo nitong yapak.

Deorico Alesano FORD SERIES 4 (COMPLETED) UnderEditingWhere stories live. Discover now