KABANATA 10 - KACEY

29.5K 717 17
                                    

KABANATA 10
KACEY

Lara

NANG MAIHIGA AKO ni Deo sa aking kama ay agad akong tumalikod sa gawi niya at nagkumot ako. Niyakap ko ang sarili ko habang bumubuhos muli ang luha ko sa tuwing naaalala ko ang kamuntikan ng pagka-rape sa akin. Pumikit ako at napatakip ng tenga ko ng umalingawngaw parin ang mga boses ng mga hayop na iyon na nagtatawanan habang nais nilang pagpasa-pasahan ako.

"Lara.."

Inis ako kay Deo. Hindi pala, galit ako sa kanya. Kung sana ay hindi na lang niya ako dinala doon, kung iiwan lang din naman niya ako. Kamuntikan na naman akong mapahamak ng dahil sa kanya.

"Leave me alone, Deo."

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim at naramdaman ko ang paglayo ng yapak niya kaya napakapit ako sa unan habang tahimik na umiiyak.

Narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto hudyat na lumabas na siya. Doon na ako napahagulgol dahil hanggang ngayon ay nanginginig parin ako sa takot.

Naupo ako ng maramdaman ko ang pagsampa sa akin ni Saver. Niyakap ko siya at hinaplos ang balahibo niya.

"I miss you, Saver. Sorry kung hindi na kita naisasama.. Pero sana pala ay palagi kitang kasama, dahil kapag wala ka ay palagi akong nasa panganib."

Umiiyak rin ang ungol niya tila ba dinadamayan ako. Mabuti na lang at narito si Saver, at least kahit papaano ay gumaang ang loob ko.

"Lara, nasa labas si Gwapo. Bakit ba ayaw mong labasin?"

Hindi ko pinansin ang sinasabi ni Ate Lourdes. Lumipas ang ilang araw mula sa nangyaring insidente sa bar. At ilang araw na rin akong hindi lumalabas at hindi hinahayaan na makausap si Deo.

Alam ko na ilang beses na siyang pumupunta rito para makausap ako, pero sinasabi ko lang kay Ate Lourdes na ayokong makausap ito.

"May nangyari ba nung huling labas niyo? Parang naging stranger na muli kayo sa isa't-isa. Kawawa naman si Gwapo, naaarawan na palagi dahil lagi lang nasa labas ng bahay mo."

Napahinto ako sa paghaplos sa balahibo ni Saver dahil sa pangongonsensya ni Ate Lourdes. Nakarinig ako ng malakas na patak ng ulan sa labas na kinatigil ko.

"Hala! Naku, naarawan si Gwapo, tapos ngayon ay umuulan pa."

Dahil sa sinabi niya ay napatayo ako mula sa pagkakaupo sa kama. Binaba ko sa kama si Saver at nalaman ko na lang na naglalakad ako palabas ng kwarto. Kahit nagmamadali ako ay bilang na bilang hakbang ko para hindi ako matisod.

"Lara, payong." agad na binigay sa akin ni Ate Lourdes ang payong. Hindi ko man lang namalayan na nakasunod pala siya. Kinapa ko ang bukasan ng payong at nang bumukas ay agad akong naglakad palabas ng bahay. Tumatalsik sa paa ko ang tubig na binabagsak ng ulan, pero hindi ko iniinda iyon dahil mas nag-aalala ako kay Deo na baka magkasakit.

Pagbukas ko ng gate ay hindi ko maramdaman kung narito pa rin ba siya, dahil ang malakas lang na ulan ang naririnig ko.

"Deo? Nand'yan ka pa ba?"

Wala akong natanggap na tugon kaya napahinga ako ng malalim. Tila pumasok na siya sa loob ng bahay niya. Nanatili lamang ako sa labas ng gate habang damang-dama ko ang pagkabasa ng paa ko.

"Pinapatawad mo na ba ako?"

Bigla akong nagulat ng marinig ko ang boses niyang nanginginig.

"Nabasa ka ba ng ulan? Tara sa loob, baka magkasakit ka.."

"Sagutin mo muna ako. Pinapatawad mo na ba ako?"

Napahigpit ang hawak ko sa payong at dahan-dahan akong tumango. Nabitawan ko bigla ang payong ng hapitin niya ako sa baywang at yakapin. Hindi ko alam na nasa harap ko na pala siya. Mahigpit niya akong niyakap habang nababasa na ako ng ulan at siya ay basang-basa na.

Deorico Alesano FORD SERIES 4 (COMPLETED) UnderEditingNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ