KABANATA 7 - BREAK THE WALL

30.7K 709 35
                                    

KABANATA 7
BREAK THE WALL


Deo

PAGKATAPOS KONG KUMUHA ng wheel chair ni Lara ay bumalik agad ako dahil wala siyang kasama. Pero nang makita kong bukas ang pinto ng room niya ay agad kong binitawan ang wheel chair at agad akong tumakbo papasok ng kwarto. Napakuyom ako at napamura ng paulit-ulit ng makita ko na wala si Lara sa higaan niya.

Agad akong tumakbo sa labas habang nilabas ko ang phone ko at tinawagan sila Wilson. Ilang beses kong pinindot ang elevator pero halos masipa ko ito dahil matagal pa bago bumukas, kaya agad akong tumakbo para dumaan sa hagdan.

Mabilis akong bumaba sa hagdan habang narinig ko na ang pagsagot ni Wilson sa tawag ko.

"Wilson, nand'yan pa ba kayo sa labas ng hospital? Si Lara, damn! May kumuha sa kanya."

"Don't worry, Deo. Safe na si Lara.. Mabuti na lang at nandito pa kami sa labas ng hospital."

Nakahinga ako ng maluwag at napadiin ang hawak ko sa cellphone ko.

"Hawak niyo ba ang tumangay sa kanya?"

"Yes, kinulong namin sa trunk ang gag*."

"Good. Hintayin niyo ako at ako ang puputol sa sungay ng assh*le na 'yan."

Binaba ko na ang tawag at tinakbo ko ang pagitan ng hagdan at ang exit ng hospital. Paglabas ko ay hinanap ng mata ko kung nasaan sila Wilson at nang makita ko na nasa malapit na puno ang kotse kaya napahinga ako ng malalim at mabilis na tinawid ang pagitan nila.

"Nasaan si Lara?"

Tinuro niya ang backseat kaya agad akong lumapit doon at binuksan ang pinto. Pagbukas ko ay nakita ko si Lara na nakatali ang mga kamay na kinasalubong ng kilay ko.

"What the fuck! Bakit niyo siya tinali?"

Bumaling ako kela Wilson na binibigay ko ng matalim na tingin. Nagtaas ng dalawang kamay si Wilson at ngumisi.

"Ginawa lang namin ang nararapat. Baka mamaya ay pugutan mo pa kami ng ulo sa gagawin niya sa amin."

Nagtaka ako at pumasok sa loob ng kotse, sa backseat. Agad kong hinawakan sa balikat si Lara kaya napaangat siya ng mukha. Nakita ko na namumula ang mga pisngi niya at parang lasing ang mukha niya. Pinalo ko ng mahina ang pisngi niya para magising, habang nag-aalala na tinignan ko siya..

"Hey, are you okay? May ginawa ba sa 'yo ang kumuha sa 'yo?"

"A-ang init..." bulong niya. .

Napakuno't-noo ako at agad kong kinuha ang mga kamay niya para alisin ang tali niya. Nang maalis ko ay nabigla ako ng hawakan niya ang dulo ng suot niyang hospital gown at ambang itataas para siguro hubarin, pero agad ko siyang napigilan.

"Lara, ano bang nangyayari sa 'yo?"

Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay nagulat ako ng kapain niya ang mukha ko at nang makapa niya ay walang anu-ano ay lumapit sa akin ang mukha niya at hinalikan ako.

Agad ko siyang hinawakan sa baywang para pigilan, pero tang-in*! Bakit ang sarap niyang humalik?

Napatingin ako kela Wilson ng malakas nilang sinara ang pinto. Napangisi ako at agad kong pinigilan si Lara, dahil baka mamaya kung saan pa mauwi.

"Lara, stop..."

Agad kong hinawakan ang mga kamay niya para hindi na siya maglikot at agad kong nilayo ang labi ko sa kanya.

"D-deo.."

Shit. Pati boses niya ay puno ng pagmamakaawa habang ngumunguso siya. Kinuha ko muli ang panyo na pinantali sa kanya nila Wilson, at tinali ko muli ang mga kamay niya.

Deorico Alesano FORD SERIES 4 (COMPLETED) UnderEditingWhere stories live. Discover now