KABANATA 13 - IMBITASYON

30.4K 700 11
                                    

KABANATA 13
IMBITASYON


SOMEONE's POV

NAPATITIG AKO SA imbitasyon na inabot sa akin ni Kios. Imbitasyon mula kay Deo..

"Para saan naman ang imbitasyon na ito?" tumingin ako kay Kios na nakiba't balikat tila walang nalalaman sa pinadalang imbitasyon ni Deo.

"Ang nakakapagtaka, bakit ako ang binigyan niya ng imbitasyon? Maging si Saphire."

Binuga ko ang usok na nagmumula sa hinihithit kong sigarilyo. Napaisip rin ako doon at napangisi rin kalaunan.

"Pumunta ka, Kios. At tila magiging maganda ang mangyayari sa party niya."

Ngumisi si Kios at tumingin kela Gin at King. Tila iisa lang ang naiisip namin at iyon ang oras para magbigay muli ng panibagong surpresa kay Deo.

"Boss! Boss!"

Agad na bumaling ang paningin namin sa humahangos na si Otap. Pawisan at tila namumutla na hindi ko alam kung ano ang dahilan.

"Bakit?" pinagpatuloy ko ang paghithit ng sigarilyo habang nakatingin kay Otap.

"Si Ford, nandito!"

Agad na nabitawan ko ang sigarilyo at napatayo ako sa sinabi niya.. Agad na sinenyasan ko sila Kios na magtago dahil ayokong masira ang plano namin.. Maganda na maging palaisipan parin kay Deo kung sino nga ba ang kalaban niya, para madali ko na lang siyang mapapabagsak.

Muli akong naupo sa sofa at hinintay si Ford. Pumasok ito kasama ni Saphire. Kaya tinignan ko si Saphire ng matalim habang sinesenyasan siya kung bakit narito si Deo.

"Steven, bakit tila hindi ka na-surpresa ng makita mo ang kapatid mo?" seryosong tanong na pamungad ni Deo.

Tumayo ako at iniba ko ang reaksyon ko na may gulat at halong saya.

"P-Paanong buhay pala siya? Kacey, buhay ka talaga?" nakita ko ang pagngisi ni Saphire na lihim kong kinahalakhak. Madali lang naman na um-acting, basta 'wag lang makahalata ang ford na ito.

"Yes, she's alive.."

Agad akong lumapit kay Saphire at niyakap siya na para bang nangungulilang kapatid.

"Bakit siya narito at kasama mo?" bulong ko na tinitiyak ko na hindi aabot sa pandinig ni Deo.

"Hindi ko alam. Ang sabi niya ay gusto niya na siya mismo ang magdadala sa akin sa 'yo."

Bumitaw ako ng yakap at tumingin kay Deo na seryoso lang habang pinagmasdan kami. Ngumiti ako at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang balikat niya at tinapik-tapik.

"Paano mo siya nakita? At paanong nangyari na buhay siya?"

"Tanungin mo siya. Siya ang nakakaalam ng lahat." Parang wala lang sa kanya ang sinasabi niya dahil busy na rin ang mga mata niya na nililibot ang tingin sa buong paligid ng bahay ko.

Tumingin ako kay Saphire at sinenyasan siya na pukawin ang atensyon ni Deo. Dahil kapag nabuking kami ay tiyak na magkakandaleche-leche ang plano ko.

"Ah, Kuya, may kumuha kasi sa akin nung naaksidente ako at tinulungan ako na magpagaling sa loob ng tatlong taon. At nagka-amnesia rin ako kaya hindi agad ako nakauwi agad sa inyo. Pero nang manumbalik ang alaala ko ay si Deo agad ang pinuntahan ko."

Napatingin si Deo kay Saphire ng hawakan siya sa braso. Ngumisi ako ng palihim dahil d'yan magaling si Saphire at tila kaya parin niya na mauto si Deo.

"Ah, gano'n pala ang nangyari..." sabi ko habang nagkatinginan kami ni Saphire na ngumisi sa akin.

Tumingin ako kay Deo na napatingin sa akin kaya ngumiti ako.

Deorico Alesano FORD SERIES 4 (COMPLETED) UnderEditingWhere stories live. Discover now