SIMULA

48.9K 947 17
                                    

SIMULA

LARA

MARCH 10, 2014 at Music Museum

NAPUNO NG MALAKAS na palakpakan ang buong music museum ng matapos ako sa pagtugtog. Napangiti ako at ang sarap sa pakiramdam dahil sa wakas nagawa ko rin ang inaasam ko. Nagawa ko na makatungtong rito at ito na tiyak ang simula ng aking pangarap.

Nag-bow ako at tumalikod na upang bumaba ng stage at magpunta sa backstage. Panay ang bati sa akin ng mga kapwa ko musikero na tiyak na meron sa amin ang matutupad ang pangarap na makilala dahil sa angking talento.

Niligpit ko na ang aking master piece kung tawagin ko. Ito 'yung bagay na mas mahal ko pa sa lahat ng bagay. Hinaplos-haplos ko ito na tila isang mamahaling bagay sa buong mundo. Wala itong katumbas na kahit ano. Dahil ito lang naman ang regalo sa akin ni Lolo bago siya mawala.

Maingat na sinukbit ko ang strap ng bag ng violin sa aking balikat at lumabas na ako upang umuwi na. Dahil kinabukasan pa naman sasabihin kung ako ba ay makakasama sa mga magpe-perform sa ibang bansa. At sana ngayong birthday ko ay matupad ang hiling ko na makasama para ipadala sa ibang bansa.

Sumakay ako sa kotse na tinakas ko lang kay Dad. At kapag nalaman niya na dito ako pupunta ay tiyak na hindi niya ako papayagan. Alam ko na masyado pa akong bata para mag-maneho, pero nineteen years old na ako kaya kaya ko naman na dahil tinuruan ako ni Lolo noon ng palihim.

In-start ko na ang engine ng sasakyan ng makasakay ako ng kotse. Napangiti ako at umayos ng upo bago paandarin ito. Binuksan ko ang music player at napasabay ako sa kanta dahil favorite song ko pa ang nag-play.

Napatingin ako bigla sa bag ko kung saan nagmumula ang tunog ng cellphone ko ng mag-ring iyon.

Inabot ko ang bag ko na nilagay ko sa upuan sa front seat habang nakatingin sa daan. Nang maabot ko ay ginamit ko ang isang kamay para kunin sa loob ang cellphone ko. Nang makuha ko ay nabigla ako ng dumulas iyon sa kamay ko. Sa paanan ko ito bumagsak kaya wala akong choice kundi yumuko at abutin ang cellphone ko.

Nang maabot ko ito ay umayos ako ng upo at tumingin sa daan. Pero bigla akong nataranta ng makita ang isang tuta na biglang tumawid kaya agad kong naliko ang sasakyan.

Pero sa hindi ko inaasahan. May babae na patawid sa pedestrian kaya hindi ko na na kontrol ang kotse kaya napapikit ako at naramdaman ko na lang ang pagsalpok ko.

Nanlalabo ang mga mata ko at ramdam ko ang pagtulo ng dugo mula sa aking mukha. Naririnig ko ang bawat sigawan pero hindi ko na alam ang nangyari ng kainin na ako ng kadiliman.

-

A month later...

DEO

MAY BABAENG KUMANDONG sa akin na kinangisi ko. Hinawakan ko ang kanyang baywang at hinawakan ko siya sa mukha. Agad siyang humalik sa akin kaya lalo akong napangisi at mas masahol na halik ang tinugon ko sa kanya.

"Damn. Get a room, Ford!" kantyaw ni Cole.

Ngumisi ako at bumitaw ng halik sa babaeng nakakandong sa akin. Hindi ko ito kilala. At dahil siya ang kumandong at naunang humalik kaya pinagbigyan ko lang siya.

Tumayo ang babae at hinawakan ako sa kamay upang ayain sa nais niyang puntahan namin. Nagsigawan ang barkada ko na kinangisi ko lalo at kinuha ko ang baso ng alak ko at nilagok iyon ng deretso.

"Paano ba 'yan? Mag-e-enjoy muna ako. Kayo muna rito." paalam ko sa mga gunggong na nag-tanguan.

"Pagkatapos kami naman. . ." nakangising hirit ni Gin.

"Sure." nag-apiran kami at hinawakan ko na sa baywang ang babae. Inakay ko na ito habang ramdam ko ang hilo ko sa dami na nainom ko.

Hindi pa kami nakakalayo ng may humarang sa dinaraanan namin. Napaangat ko ng tingin at nakita ko si Steven.

"Nagawa mo pang makipag-landian. Kamamatay pa lang kapatid ko, Ford. Wala ka ba talagang galang sa kapatid ko?" Sabi niya.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo.. Masama bang mag-enjoy? Kesa naman mabaliw na lang ako sa pagluluksa sa kanya." Tugon ko.

Nakita ko ang galit sa kanyang mukha at sumalubong sa akin ang kamao niya na kinatumba ko.

Pinahid ko ang dugo sa gilid ng labi ko habang nakaupo pa rin ako sa sahig. Tili ng tili ang babaeng kasama ko na kinatilig ng tainga ko. Hinawi ko ito ng hahawakan sana niya ako para gabayan.

"Kung sana hindi naging kayo, edi sana buhay pa hanggang ngayon ang kapatid ko! Kung hindi dahil sa pesteng pag-aya mo ng date sa kanya, edi sana kasama pa namin siya! Sana hindi ka na lang dumating sa buhay ng kapatid ko! Sana ay ikaw na lang ang namatay!"

Bumangon ako mula sa pagkakasalampak sa sahig. Nagkaroon na ng agaw atensyon ang harapan namin ni Steven.

"Sana nga! Sana nga ako na lang ang namatay! Sana ako na lang ang nasa posisyon ni Kacey ngayon! Wala akong kwenta! Kaya nga 'di ba narito ako!"

"Dati ka nang ganyan, Deo. Nung kayo pa lang ng kapatid ko ay mahilig ka na sa babae. May bago pa nga ba ngayon?" natawa siya at tinignan ako tila ba may sakit ako na nakakahawa, "pagsisisihan mo ito, Ford."

Iyon lamang ang huling sinabi niya at umalis na siya sa harap ko. Humawi ang mga tao upang makaraan siya.

Napakuyom ako ng kamay at hinawi ko ang kamay ng babae. Walang anu-ano ay naglakad ako para umalis ng bar.

Memorial Park...

Kacey Tan.
Died: March 10, 2014.

KINABUKASAN, NAGAWA KONG dumalaw sa puntod niya kahit hindi ko pa kaya. Nilapag ko ang bulaklak sa ibabaw ng kanyang puntod. Hinaplos ko ang kanyang lapida at nakita ko ang patak ng aking luha na tumulo doon.

Isang buwan na rin ang nakakalipas, pero nandito pa din sa puso ko ang sakit. Ang sakit dahil iniwan niya ako. Sa mismong anniversary pa namin siya nawala. Ang sakit-sakit!

"Bakit mo ako iniwan? Sabi mo ay walang iwanan? Sabi mo ay habang buhay tayong magsasama! Bakit, Kacey? Bakit iniwan mo agad ako? Alam mo ba na para na rin akong patay dahil wala ka na? Pinipilit ko lang na magpakasaya, pero hindi pa rin pala sapat iyon. Hindi ko na nga ata maibabangon pa ang sarili ko sa sakit na binigay mo."

Napapikit ako at napakuyom ng kamay. Hindi ko pa rin tanggap. Isang bangungot ang lahat. Lalo pa't namatay siya na dala-dala ang anak namin. Handa na sana akong mag-propose pero hindi na nangyari, dahil nabalitaan ko na lang ang nangyaring car accident na siya ang naging biktima.

Copyrights 2017 © MinieMendz

Deorico Alesano FORD SERIES 4 (COMPLETED) UnderEditingWhere stories live. Discover now