KABANATA 15 - DON'T DO THAT AGAIN

31.2K 697 22
                                    

KABANATA 15
DON'T DO THAT AGAIN

NARRATOR's POV

PARA MATULUNGAN ANG anak. Tumawag si Dimitri sa kaibigan niya na si Damon Vega. Ang source niya palagi sa mga taong nais niyang ipahanap.

"Yes, Ford?"

"Vega, favor."

"Sure, ano ba 'yon?"

Napangisi si Dimitri habang hindi makapaniwala na sa pangalawang pagkakataon ay kakailanganin niya muli ang tulong ni Vega.

"Gusto kong ipahanap ang nobya ng anak ko. Si Lara Evangelista."

"Evangelista? Ang anak ni Armando Evangelista na may ari ng company ng mga gamot."

"Paano mo nakilala si Mr. Evangelista?" nagtataka si Dimitri dahil hindi niya akalain na kilala ni Vega ang ama ni Lara.

"Well, kilala ang company niya dahil sa kanya lahat kumukuha ng gamot na dinadala sa merkado. Pero Ford, delikado ang pinasok ni Mr. Armando. Nabalitaan ko na nakipag-deal siya para maglabas ng pinagbabawal na gamot para sa illegal sindicate na si Jonson Reyes."

Biglang natigilan si Dimitri sa sinabing pangalan ni Damon.

"Jonson Reyes? 'Yung panganay na anak ni Carol Reyes?"

"Yes."

Natahimik si Dimitri dahil si Jonson Reyes ang bata na noon ay ginawa niyang paing para sa ina nitong si Carol.

"Hindi ko ata nabalitaan na isang sindicate si Jonson?" tanong niya kay Damon na napahalakhak.

"Dahil nag-iba siya ng pangalan."

"Anong pangalan?"

"Nate Santos."

Napatango si Dimitri habang napapatapik ang mga daliri niya sa lamesa. Nasa library siya para maayos niyang makausap si Damon.

"Thanks sa info, Vega."

"Alam mo naman na hindi ako humihingi ng 'thank you' lang.."

Napangisi siya at humalukipkip habang nakasandal ng upo sa swivel chair....

"Of course.. Asahan mo na lang sa bank account mo. Basta ipadala mo agad sa akin ang information kung nasaan ang nobya ng anak ko."

"Sure.."

Ngumiti si Dimitri at binaba na ang tawag. Nilapag niya ang phone sa table at pumikit upang umidlip habang hinihintay ang information na ipapadala ni Damon.

-

Lara

NARARAMDAMAN KO ANG lamig ng hangin maging ang paghampas ng tubig. At wala ring masyadong ingay kaya gumaang ang pakiramdam ko. Kahit na hindi ko nakikita ang lugar kung saan kami nagpunta ni Dad ay alam ko na narito kami malapit sa dagat. Naapakan ng paa ko ang buhangin na tumatama sa mga paa ko dahil suot ko lamang ay flat sandals.

"Mabuti at napasyal kayo rito, Armando. Matagal na rin mula ng huli niyong dalaw rito sa Siargao daku island."

"Belinda, hindi kami narito para mamasyal.. Narito kami ng anak ko para saglit na manirahan habang inaayos ko pa ang papeles ni Lara."

"Ito na ba si Lara? Pero bakit tila hindi na siya nakakakita?"

Napayuko ako sa tanong na iyon ni Aling Belinda, mamamayan rito at isa sa nangangalaga ng Daku Island. Kung noon ay wala lamang sa akin ang tanong kung bakit ako nabulag, pero ngayon ay sumasakit ang puso ko kapag nababangit ngayon ito. Naaalala ko lamang ang panloloko ni Deo. Naaalala ko lamang ang katangahan ko.

Deorico Alesano FORD SERIES 4 (COMPLETED) UnderEditingWhere stories live. Discover now