Chapter 41

3K 119 8
                                    

Pilit na kinakalma ni Aldrin ang sarili habang naghihintay sa balita kung nasa maayos ng kalagayan ang kasintahan. Hindi siya pinayagan ng ama nito na makita ang dalaga. Dose oras na mula ng dalhin ang dalaga sa tirahan ng mag-asawang Zei at Adeline. Si Adeline ang gumagamot sa kasintahan.

"Dinalhan kita ng maiinom kanina ka pang umaga hindi kumakain," pukaw sa kanya ni Valerie. Ang anak ni Zei.

Kung hindi lamang siya nag-aalala sa kasintahan malamang pinagunahan na siya ng pagkamangha sa pamilya ni Zei at lalo na si Zei ng malaman niya na isa pala dating panginoon ng mga lobo ito at tinalikuran nito iyun para sa pag-ibig nito kay Adeline;na isang taong tulad niya. Ang mga anak nito ay lahat mga lobo din!

"Kalahating araw na.." puno ng pangamba niyang usal.

"Mabagal ang paghilom ng sugat ng prinsesa kami mga lobo iyun ang aming kahinaan,"tugon ni Valerie.

Naikuyom niya ang mga palad. " Hindi ko naagapan. Hindi ko siya naprotektahan,"tiimbagang niyang usal.

"Magiging maayos din ang prinsesa,mahal na prinsipe," untag nito.

Mapait siyang ngumiti at umiling ."Prinsipe..hindi ako nararapat na maging prinsipe kung hindi ko man lang maprotektahan ang isang prinsesa,"mapait niyang saad.

"Ang mahalin at tanggapin ang isang tulad ni Prinsesa Frenelyn ay isa ng napalaking bagay sa kanya,Mahal na Prinsipe. Lahat naman tayo masasaktan gaya ng nangyari sa kanya ngayon marami man kaming kakayahan o kayang gawin masasaktan at mapapahamak pa rin naman kami. Kaya huwag mong sasabihin na hindi ka nararapat na maging prinsipe niya dahiL ikaw ang kalahating buhay ng mahal na prinsesa,"masuyong sabi nito sa kanya at sa mga narinig niyang iyun mas lalo lamang siya nahihiya sa sarili.

Agad siya nakaramdam ng kaba at guilt ng makita ang paglapit ng ama ni Eskovar. Hiyang-hiya siya rito at hindi niya talaga kayang tumingin rito ng hindi natatakot. Natatakot siya na baka hindi siya tanggapin nito para sa anak nito.

"Mahal na Hari," pagbati ni Valerie rito at agad din nagpaalam sa kanila.

Yeah,This man is a king! King of warrior!

Nanatili siyang nakayuko kahit na ramdam niya ang tensyon sa pagitan nila ng Hari.

"Kung hindi lang ikaw ang itinakda sa kanya baka pinatay na kita," mariin at puno ng panganib nitong saad pero sa huli napabuga ito ng marahas na hininga at ilan sandali natahimik bago nito binasag ang katahimikan."Ganyan ba ang sundalo? Huwag mo akong yukuan," mariin na saad nito na agad naman niya sinunod.

Buong tapang niyang sinalubong ang mga mata ng Hari. Naniningkit ang mga mata nito.

Pinairal na niya ang pagiging isang sundalo na walang inuurungan.

"You can choose now,Capt.Callias..You stay here without my princess and live your fuvking ownself or..you coming with her,sa totoong mundo niya na wala sinuman ang makakapanakit sa kanya at...doon kaya ko siyang protektahan,"wika nito bilang isang Hari at ama ng kasintahan.

He's already decide about that. Mukhang hindi pa iyun nabanggit ng kasintahan rito.

"Sir,we're already talk about that," simula niya habang taas-nuo na sinalubong ang mga mata ng Hari.

"I'm coming with her,Sir.."puno ng kasiguruduhan saad niya rito.

Maya-maya pa ay ngumisi ang Hari.

" Good.."

Nanatiling seryoso ang anyo na tumango bilang tugon rito.

"You're coming with me habang nagpapagaling pa siya rito. Hindi ko siya pwede iuwi sa ganun kalagayan," anito at ang ngisi nito ay nauwi sa pagngiwi. "My queen will kill me,big time..or worst baka magkaworld war II sa mundong-Colai,sa ating mundo,mahal na Prinsipe,"anito na kinamaang niya.

"Ano? Nagdadalawang-isip ka na ba,Capt.Callias?" sita nito sa pananahimik niya.

Shit!

"No,Sir..handa na kong..iwan ang mundong ito kahit anong oras para sa prinsesa niyo..sa mahal kong prinsesa,"pagsagot niya rito.

" Mabuti naman kung ganun,bibigyan kita ng isang araw para makapagpaalam ka sa mga kaibigan at katrabaho mo. Si Zei na ang bahala sa lahat,"anito .

Agad na naalala niya ang nangyari noon huling misyon niya. Wala kasi maalala ang mga kasamahan niya at si Henry kung sino ang tumulong sa kanila. Ang alam ng lahat bilang kapitan ng mga ito ang siyang nagligtas sa mga ito.

"Kung hindi niyo masasamain,Sir,may gusto sana akong tanungin," buong tapang niyang sabi rito.

"Sige," anito.

"Bakit..hindi maalala ng mga kasamahan ko ang tungkol sa pagtulong niyo samin ng gabing iyun?"

Agad na napangisi ang Hari. Inabot nito ang kanang balikat niya at tinapik-tapik iyun.

"Hindi man na ngayon isang panginoon si Zei. Mananatili pa rin ang kakayahan niya. Binura niya ang alaala ng mga kasamahan mo ng mga oras na iyun,mahal na Prinsipe,"nakangiti nitong tugon.

Manghang napaawang ang mga labi niya. Hindi siya makapaniwala na isang Zei ay talagang dating panginoon!

" Ayoko lang na malaman ng mga dati kong kakilala ang tungkol sa pagbabalik ko rito dahiL hindi rin naman ako magtatagal dito..saka gusto ko manatiling isa na lamang akong nakaraan,"dagdag nito.

"Nauunawaan ko,Sir..pero may gusto po sana akong hilingin na isang bagay,"pahabol niya.

" Sige,"pagtango nito.

"Gusto ko po sana malaman kung anong nangyari sa kanya..I saw the mark of whip on her back at alam kong may alam kayo tungkol roon," matapat niyang sabi rito.

Tumango-tango ang Hari. "Punishment..sa sarili niyang desisyon pagkatapos niyang patayin ang dati mong kaibigan," tugon ng Hari.

"She's done too much for me..hindi ako makapaniwala na ako pa ang itinakda sa kanya,she's sacrifice everything kahit masaktan siya para lang sakin," mapait niyang saad.

"Nauunawaan ko ang nararamdaman mo pero ganun lamang kami mga lobo..handa namin isakripisyo ang lahat para sa taong itinakda samin," saad ng Hari sabay tapik muli sa balikat niya.

"Maraming salamat,Sir..sa pagtanggap niyo sakin para sa anak niyo,"wika niya.

"Wala akong choice,ikaw ang future prince niya," kibit-balikat nito sabay ngisi sa kanya.

Napangisi na rin siya. Wala na ang kaba at takot para sa Hari.

We'll see you at our home,my princess..

TPOOWD Series 6 : FRENELYN E. FETZEIR byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now