Chapter 25

2.9K 100 3
                                    

Naalipungatan si Aldrin ng may sumisipa sa paanan niya. Agad na nasapo niya ang batok ng umalis sa pagkakasandal niya sa malamig na pader. Mabilis na rumihistro ang nangyari ng nakaraan gabi.

Nang makita niyang palutang-lutang sa ilog ang dalaga na tanging pang-ilalim lang ang suot. Aaminin niyang mabilis siyang nakaramdam ng pag-iinit ng katawan ng makita ang ganun anyo ng dalaga.

P*tsa! Ganun kaganda ang katawan ni Eskovar!

Napaawang ang mga labi niya ng sumunod na eksena. Nang halikan siya ng dalaga at...

Napahimas siya sa kanyang batok. Alam niyang pinatulog siya ng dalaga. Hindi niya alam kung bakit nito iyun ginawa?

Agad na sinamaan niya ng tingin ang sumisipa pa rin sa paa niya.

"Ano?!" singhal niya rito.

"Anyare sayo kagabi? Bakit bagsak ka ng dalhin ka dito ng amazonang yun?" nakangisi nitong sagot.

Naningkit ang mga mata niya rito.

"Pakielam mo ba?" singhal niya rito at padarag na tumayo.

"Siyangapala,may pinapasabi siya," pahabol nito habang pinapagpagan niya ang pantalon.

"Ano?"malamig na saad niya.

"Mauuna na raw siya umalis,parating naman na daw ang susundo satin," anito na kinatigil niya.

Damn! Umalis na ito?!

Pero bakit?

Agad na nakaramdam ng inis si Aldrin. They are partner bakit kailangan mag-iwanan?!

Hey,Capt.Callias,nakalimutan mo na ba? Tapos na ang misyon niyo ibig sabihin hindi na kayo partner!

Agad na naikuyom niya ang mga palad.

Kahit na! Ni hindi man lang nagpaalam sa kanya!

Baka naman nahiya dahil nagkiss kayo?!

Napaawang ang mga labi niya sa sinaad ng isip niya.

"Boss!!!"nagmamadali paglapit sa kanya ni Henry.

Napukaw siya ng makitang si Henry ang tumawag sa kanya.

"Ayos lang kayo,boss?" sita nito sa kanya.

Tumikhim siya at seryosong tumango.

"Oo..sino nagpapunta sa inyo rito?" agad na pagtatanong niya.

Confidential ang mission nila kaya bakit ito ang sumundo sa kanila kahit na ba nahuli na ang target.

"Utos ng heneral ng SAF," tugon nito.

Wala na siyang question dun kung ang heneral ng SAF ang nag-utos malamang mula yun kay Eskovar.

Gusto niyang mapailing,tila boss ng heneral na yun ang dalaga!

Yeah,gaya na lang kung paano ka niya dominahin at iwan sa ere pagkatapos kang halikan!

"Boss?"pagtawag ni Henry sa kanya.

Wala sa mood na nilingon niya ito. May pag-aalangan kasi ito.

"What?"mahinahon naman niyang tugon rito.

"Uh,aalis na,boss.."tugon nito na may pagtataka na sa mukha nito. Tinuro ang dala sasakyan ng mga ito.

Humugot siya ng malalim na hininga at tumango rito.

"Let's go," yakag na niya rito na agad naman sumunod sa kanya.

Magkikita pa rin naman sila ng dalaga.

Si Zei ang naabutan niya ng huminto ang bigbike niya sa tapat ng bahay ng dalaga sinasara nito ang pintuan.

"Ikaw pala,Captain!" agad na pagbati nito sa kanya."Wala si Prinsesa Frenelyn," agad na dugtong nito.

Prinsesa? Napaangat ang isang kilay niya sa sinabi nitong prinsesa.

Tumawa ito ng mahina na tila nabasa ang nasa isip niya. "Nasa mission siya ngayon," anito na kinapukaw niya.

"Ganun ba,"dismayadong na niyang turan.

Ni hindi man lang nito nabanggit sa kanya na may misyon pa pala ito at ni hindi rin man lang nagpaalam sa kanya.

Sinulyapan niya ang bahay saka siya nagpakawala ng buntong-hininga.

"Sige,mauna na ko," paalam na niya kay Zei na mataman lang nakatitig sa kanya.

Bago pa man siya makatalikod rito nagsalita ito.

"Naniniwala ka ba sa isang lobo?"usal nito na kinatigil niya.

Agad na napalingon siya rito. Zei is now in serious mode.

"Ikaw ba?" balik-tanong niya rito pagkaraan.

Unti-unti ngumisi ang mga labi nito.

"Oo naman..lalo na kung ako yun," anito sabay tawa sa huli.

Nagsalubong ang mga kilay niya muli niya naalala ang napanaginipan niya..at ang nakita niya ng gabing iyun!

"Zei," untag niya rito.

"Ano yun,mahal na prinsipe?" anito.

Binalewala niya ang tinawag nito sa kanya dahiL may isa lang siya gustong sabihin rito.

"May nakita akong isang..lobo..kulay kahel na lobo," matiim niyang sabi rito.

"Talaga," tugon nito na tila pinaniniwalaan ang sinabi niya.

Sana lang hindi nito iniisip na nababaliw na siya!

"Kung nakita mo na siya..kung ganun,dapat ng sabihin sayo ng prinsesa ang totoo," mahiwaga nitong saad.

"Huh?"nalilito niyang turan.

Tinapik nito ang balikat niya na nakalapit na pala sa kanya.

"Para mapaamin mo siya,sabihin mo sa kanya ang tunay mong nararamdaman para sa kanya,iyun ang magiging udyok sa prinsesa para ibunyag ang tunay niyang pagkatao sayo,mahal na prinsipe," anito sa seryosong tono.

Naguguluhan na napamaang siya sa mga narinig niya kay Zei. Bago pa man siyang makareak nagpaalam na ito at marahil inaabsorb pa niya ang mga sinabi nito hindi na niya nagawa pang makapagsalita.

Ano raw?

Aminin ang nararamdaman niya sa prinsesa?

Si Frenelyn ba ang tinutukoy nito?

Literal na prinsesa ba?

Ah fuck!

That weird guy,Zei, call him a Mahal na Prinsipe!

Magtapat ka na raw,Capt.Aldrin Callias!

Para umamin sa tunay na pagkatao ni..Prinsesa Frenelyn?

Kanina pa din niya naririnig na tinatawag siyang mahal na prinsipe ni Zei?

Lalo na siya naguguluhan at lalo lang din siya gustong makita ang dalaga upang matuldukan na ang pagdududa niya rito.

Pero paano niya makikita ang dalaga na sa palagay niya ay umiiwas na ito sa kanya.

Alam niya iyun.

Pagkatapos ng gabing iyun at ng napag-usapan nila naging mailap na ito sa kanya. Hindi na ito makatingin sa kanya ng deretso.

Damn.

He miss her so much.

Gustong-gusto na niya ito makitang muli!

TPOOWD Series 6 : FRENELYN E. FETZEIR byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now