Chapter 38

3.2K 117 19
                                    

Humugot na hininga si Prinsesa Frenelyn at gumuhit ang isang ngiti sa mga labi niya na nilapat ang kabila niyang pisngi sa likuran ni Aldrin. Nakaangkas siya sa motor nito. Nag-aya kasi magstroll ang binata at nagustuhan naman niya ang paglilibot nila gamit ang sasakyan nito.

Dinama niya ang hangin na tumatama sa kanya. Napapaligiran sila ng nagtataasan puno at sa kabilang dako naman tanaw ang karagatan na ang araw ay malapit ng lumubog sa likod ng malawak na karagatan.

"You okay?!" lingon sa kanya ng binata. Ipinatong niya ang baba sa balikat nito. Wala silang suot na helmet tutal naman wala naman sisita sa kanila kaya inalis na nila.

"Ayos lang ako!"medyo malakas niyang tugon dahil sa ingay ng motor nito.

Mabilis na pinatakan siya ng halik sa mga labi niya ng binata.

Napapangiti na isinandig niya muli ang pisngi sa balikat nito. Papadilim na at pabalik na sila sa pinanggalingan nila ng may maulinigan siya.

Agad na umalarma ang wolf niya.

"Parang awa niyo na! Ibalik niyo na ko samin!" nagmamakaawang boses ng isang babae.

"Aldrin.." kinuha niya ang atensyon ng binata na agad naman lumingon sa kanya at pinabagal ang pagpapatakbo nito sa motor.

"Hmm?"

"Ihinto mo muna," utos niya rito at agad naman siya nito sinunod. Inihinto nito sa gilid ng kalsada ang motor nito at bumaling sa kanya ang binata.

"What's wrong?"may pagtataka nitong tanong.

"Pakawalan niyo na ko!!" humahagulgol na sabi ng babae.

"Tumahimik ka! Hindi ka makakauwi hanggat hindi namin nakukuha ang gusto namin!" asik ng boses ng lalaki.

Humagulhol ang babae.

"May kidnapping malapit lang dito," saad niya sabay baba sa motor nito.

"Huh? Paano mo nalaman?" agad na pagbaba rin ni Aldrin.

Hinarap niya ang binata.

"Pupuntahan ko,tumawag ka na pwede tumulong satin," utos niya rito.

"Sandali! Maghihiwalay tayo?" agad na paghablot nito sa braso niya.

Agad na nakabawi ang binata sa inakto nito ng matanto iyun.

"Pasensya na,nakalimutan ko..prinsesa ka pala ng mga lobo," anito.

Bumuga siya ng hangin. "Lobo man ako o hindi..trust me,I'll take care of myself..babalikan kita rito kapag nahanap ko na kung saan saktong location sila," aniya.

"Damn,hindi ako mapapakali nito,pero sige..I know you can take care of yourself," untag ng binata.

Nginitian niya ang binata at mabilis na hinalikan ito sa mga labi nito.

"Please,mag-iingat ka..balikan mo ko pero kapag di ka pa bumalik ng kalahating oras,susunod ako," mariin nitong saad.

"Alright,Captain!" saludo niya rito.

"I'm serious,Eskovar!" mariin nitong sabi.

Natatawang tinalikuran na niya ito.

Let's go to hunt again,princess!

TPOOWD Series 6 : FRENELYN E. FETZEIR byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now