Chapter 15

3.1K 118 3
                                    

He's dying to ask her about what happen to her wound na bigla na lang nawala ng parang bula pero..sa huli,sino ba siya?

Paano kung mahimasukan niya ang pribado nitong buhay na kahit siya ay hindi niya hahayaan na may makielam.

Naikuyom niya ang mga palad habang hinihintay ang dalaga na kinuha siya ng maiinom at sinamantala niya iyun na ilibot ang mga mata sa buong kabahayan. Simple lang pero kapuna-puna ang kulay ng bawat sulok. Napangiti siya.

Sigurado siya paborito nito ang kulay kahel. Napahinto ang mga mata niya sa isang painting. Hindi inaalis ang mga mata na tumayo siya sa kinauupuan at malalaki ang hakbang na nilapitan niya iyun.

Napaawang ang kanyang mga labi habang titig na titig sa painting.

Ang halimaw sa panaginip niya!

"Painting yan ng isa sa kambal na anak ni Zei," pukaw sa kanya ni Eskovar.

Marahas siyang napabaling sa dalaga.

"Bakit?" agad na puna nito ng makita ang hitsura niya.

Kung sasabihin niya rito na kamukha ng nasa painting ang halimaw na napanaginipan niya baka hindi ito maniwala...at..at ang halimaw na yun ay naging ito!

Damn!

Nagkataon lang ba ito? May painting ito na kamukha ng nasa panaginip niya!

"Ayos ka lang?" muli nitong pagtatanong.

Napakurap-kurap siya. "Uh,Oo..pasensya na,na..namangha lang ako sa painting," pagdadahilan niya.

Agad na ngumiti ang dalaga. Napatitig siya sa dalaga ng masilayan ang napakaganda nitong ngiti nakaharap na ito sa painting.

"Mabuti naman nagustuhan mo siya...sigurado ako kung totoo lang siya magugustuhan ka rin niya,"saad nito habang nakatitig sa painting.

Ibinaling niya ang paningin sa painting. Naroon pa rin ang hindi pagkapaniwala sa nakikita.

"Sa...tingin mo,posible magkatotoo ang isang tulad niyan?" maingat niyang pagtatanong.

Sumulyap sa kanya ang dalaga at agad naman siya tumingin rito. Seryoso na ang anyo ng dalaga.

Tila may kung ano kaba siya naramdaman na hindi niya malaman kung bakit?

"Kung totoo siya at nabubuhay...anong gagawin mo? Matatakot ka ba sa kanya?" seryoso nitong pagtatanong sa kanya.

Hindi siya kaagad nakaimik agad na bumalik sa alaala niya ang napanaginipan.

Isang mahinang pagtawa ang pumukaw sa kanya. May pait na nakakubli sa pagtawa iyun ng dalaga na ngayon ay nakaharap na muli sa painting.

Bigla siya nakaramdam ng guilt. Damn,bakit ba apektadong-apektado siya?!

"Sigurado ako di ka niya magagawang saktan kaya kung maging totoo man siya huwag mo siyang sasaktan at hindi ka rin niyang sasaktan,"anas nito na matiim na nakatitig sa painting.

Naikuyom niya ang mga palad. Ramdam na ramdam niya ang pagpoprotekta nito roon kaya nakaramdam siya ng guilt dahil sinaktan niya iyun sa panaginip niya! At pati ito ay nasaktan niya!

Hell!

" Ano bang...klaseng nilalang ang nasa painting na yan?"pagtatanong niya.

Sigurado siya hindi halimaw ang tingin ng dalaga na nasa painting!

"Isa siyang lobo..isang napakaganda at magiting na mandirigmang lobo," nakangiti na nitong turan.

Pinakatitigan niya ang painting. Matayog ang pagkakatayo ng lobo sa tinutuntungan nitong malaking bato. Kasingkulay ng paglubog ng araw ang kulay ng balahibo nito.

Isang napakagandang lobo.

Isang mandirigmang lobo.

Napabaling siya sa dalaga. Kitang-kita sa mga mata nito ang paghanga na nasa painting.

Like her. A beautiful warrior.

Kabaliwan man isipin pero gusto niyang isipin na totoo nga ang napanaginipan niyang iyun at.. ang dalaga naman ay ang nilalang na yun.

Shit.

Ano ba itong mga pumapasok sa isip niya?!

Kasama ba talaga ang ganun kapag...in love ka?

Napatitig siya muli sa dalaga na sumulyap naman sa kanya. Nginitian siya nito at pinahinto niyun ang pagtibok ng puso niya.

Hinihiling niya na sana sa kanya lang ang ngiti nitong iyun.

Na siya lamang ang ngingitian nito at siya lamang ang magmamay-ari rito.

TPOOWD Series 6 : FRENELYN E. FETZEIR byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now