Chapter 4

3.5K 151 9
                                    

"Bakit,Capt.Cally? Kanina ko pa napapansin na panay lingap mo?"sita ni Henry sa kanya ng makasakay sila sa military truck na nakaparada lang sa tagong liblib na di kalayuan sa hideout ng mga kalaban.

Napabuga ng hangin si Aldrin. Hindi nga din niya alam kung bakit bigla na lamang siya naligalig. Pakiramdam kasi niya may nakatitig sa kanya at ang nakapagtataka pa roon mabilis ang tibok ng puso niya!

Bilang isang sundalo matalas ang pakiramdam nila sa paligid pero iba ang pakiramdam niya sa pagkakataon ito. Isang pakiramdam na tila may hinahanap ang puso at sistema niya!

Tang*na!

Trauma lang 'to!

Agad na napalitan ng pagkadismaya at galit ng maalala ang ginawang pagtatraydor ng tatlo niyang kasamahan sa kanyang team.

Naikuyom niya ang mga palad na nakapatong sa ibabaw ng magkabila niyang tuhod.

"Susunod ako sa pagdadalhan kina Santos," tugon niya kay Henry na agad na nalukot ang mukha. Nalapatan na ng lunas ang sugatan nitong mukha.

"Hindi ako makapaniwala sa tatlo yun,lalo na kay Santos!" nangigigil nitong turan.

Dismayado naman na napailing ang ilang kasamahan nila na sugatan din. Mabuti na lang wala nabangas sa team niya.

Napatiim-bagang siya. Hinding-hindi niya mapapalagpas ang ginawa ng mga ito sa kanila. Pinagkatiwalaan niya at tinuring na kapatid pagkatapos ganito lang ang igaganti sa kanya!

"Ayaw ko muna makita ang mga yun lalo na yan si Santos! Baka hindi ako makapagpigil malinaw pa sa isip ko ang pagtutok ng baril niya sayo,Captain!" nanggigil nitong bulalas na tinapik ng mga kasamahan nila para sa pakikipagsimpatya sa nararamdaman nito.

"Mabuti na lang dumating ang SAF kung hindi lahat tayo natudas na," untag ng isa nilang kasamahan.

"Yung Eskovar! Yung misteryoso nilang sniper! Utang natin sa kanya ang buhay natin lahat!"magilas na saad ni Henry ng mabanggit ang Eskovar na yun.

Sa hindi malaman na dahilan bigla bumilis ang tibok ng puso niya. May epekto sa kanya ang Eskovar na yun!

Putsa! Ano ba nangyayari sa kanya? Bakit ba nakakaramdam siya ng hinding normal mula ng marinig niya ang pangalan na Eskovar na yun?! Hindi lang kuryusidad niya ang binuhay nito pati isip at sistema niya ang malala pa bumibilis ang tibok ng puso niya sa tuwing naririnig niya ang pangalan iyun!

"Shit..."anas niya.

Anp ba itong nangyayari sa kanya?

"Bakit,Captain?" lingon sa kanya ni Henry na siyang nakarinig sa pagmumura niya. Kunot ang nuo at may pagtataka sa mukha nito.

"Nothing.." iling niya sabay pikit ng mga mata niya. Hindi na siya tinanong pa ni Henry nakipagkwentuhan na lang ito sa mga kasamahan niya habang siya naman ay abala sa pagkalma sa sarili.

Damn it,Callias! What's wrong with you?!

Hindi mo nga kilaka ang Eskovar yun!

Saka lalaki yun,di ba?!

That's a bullsh*t!!!

Lubos na pinasalamatan ng komander nila ang SAF commander bago pa man makaalis ang mga ito sa headquarter nila agad na kinausap niya ang huli.

"Kung may pagkakataon na mapasalamatan ko ng personal si Eskovar hindi ko papakawalan ang pagkakataon yun,utang namin ng aking team ang buhay namin sa kanya," saad niya rito.

Hindi niya palalagpasin na hindi man lang siya makapagpasalamat sa misteryosong Eskovar na yun.

Ngumiti ang commander ng SAF. "Don't worry ipapaabot ko sa Heneral namin ang tungkol sa bagay na yan,si Heneral lang kasi ang nakakakilala sa kanya,"tugon nito.

Tumango siya at labis siya umaasa na mapagbibigyan siya ng Eskovar na yun.

Hindi niya alam kung Bakit hindi siya matatahimik na hindi ito mapasalamatan o..makita man lang ng personal?!

Sumaludo siya rito ng magpaalam na ito.

"Sana mapagbigyan tayo ng Eskovar na yun,sabihin mo agad sakin kapag pumayag siya na makita natin siya ha?" untag ni Henry na nasa tabi na pala niya habang hinahatid nila ng tanaw ang SAF sakay ng armored na sasakyan.

He heave a deep sighed.

"Sana nga...pero mukhang imposible," ayaw man niya maramdaman pero dismayado talaga siya.

"Tsk,ano kaya hitsura niya? Mala-robinhood ang peg eh!" pakwela nitong saad.

Napailing na lang si Aldrin sa sinabi ng kaibigan.

"Ano,captain?! Game mamaya sa inuman?"maya-maya sabi nito.

"Bukas na lang..susunod ako sa camp crame," aniya.

Gusto niya makaharap ang taong tinuring na niyang kapatid.

"Oo nga pala,sige..bawi ka bukas,Captain.."nauunawaan nitong sagot sa kanya.

Tumango na lang siya at agad na kinuha ang duffle bag niya para magpalit ng uniporme na natalsikan ng dugo bago niya puntahan ang pagkukulungan ng kasamahan nila.

Nakaharap niya ang mga dati na ngayon kasamahan,wala ang mga itong imik at nakayuko lang.

"Kami na ang bahala sa pamilya niyo..habang umuusad ang kaso niyo asahan niyo na maayos ang lagay nila," aniya na kinaangat ng mukha ng mga ito.

Dahil sa huli pa rin mananatili pa rin ang samahan nila pero nakakonekta na lamang sa mga pamilya nito. Ang samahan nila ay may lamat na at hindi na yun maaalis pa.

Nagpakawala ng malakas na buntong-hininga si Aldrin ng makalabas siya roon pero agad din natigilan ng makita may isang lalaki na nakaupo patagilid sa upuan ng Ducati bigbike niya. Mabilis ang hakbang na nilapitan niya ito at agad naman ito napatayo mula sa pagkakaupo.

Salubong ang kilay niya na tinitigan niya ito. Nginisihan naman siya nito. Isang palakaibigan na ngisi.

"Captain Aldrin Callias?" sambit nito sa pangalan niya.

"Ako nga.."titig na titig niyang tugon rito. "Hindi kita kilala," agad na dugtong niya sa pagtugon rito.

Ngayon lang niya ito nakita.

"Ako si Zei.." pakilala nito at naglahad ng kamay sa kanya. Tinanggap naman niya iyun kahit may pagtataka pa rin.

"Nais ko itong ibigay sayo," anito sa isang bote na kulay ginto na may takip na kulay kahel noon lang niya napansin na may hawak pala ito.

"Bakit ko naman tatanggapin yan? Hindi naman tayo magkakila," deretsahan niyang tugon rito.

Lumaki ang pagkakangisi nito tila ba hindi naoffend sa tahasan niyang pagtanggi sa binibigay nito.

"Malapit na kaibigan ako ni...Eskovar," anito na nakakuha ng atensyon niya at kinatigil niya.

TPOOWD Series 6 : FRENELYN E. FETZEIR byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now