Chapter 5

3.2K 127 3
                                    

Mula sa kinaroroonan ni Prinsesa Frenelyn ay walang kurap na pinagmamasdan niya ang bawat galaw at kilos ni Capt.Aldrin Callias. Naimbitahan ito at ng team nito sa simpleng selebrasyon ng SAF sa muling pagtagumpay ng misyon nila na lagi ginagawa ng heneral nila. Na napakahilig sa selebrasyon.

Magpakita kaya tayo sa kanya? I mean,kayo,mahal na prinsesa? Ngayon na ang magandang pagkakataon eh.

Ipinilig niya ang ulo ng may isang babae ang lumapit sa kapitan. Isa sa katrabaho nila.

Naningkit ang mga mata ng prinsesa.

Look oh! May umaagaw na sa mate natin!

Nalaman nila na wala itong nobya. Kinasiya niya iyun dahil hindi na niya kinailangan pang manakit ng iba.

Easy,wolf...

Naningkit muli ang mga mata niya ng tanggapin ng kapitan ang pakikipagkamay nito sa babae. Kilala niya ang babae. Lahat ata ng lalaki na nagtatarabaho sa HQ nilapitan na nito at ilan dun nakarelasyon pa nito.

Kung isa sa Mate niya ang bibiktimahin nito. Huh,ngayon pa lang may red spot na ito sa nuo. Napangisi si Eskovar. Inayos niya ang suot na salamin. She's wearing a simple flower dress. Kung titingnan,mapagkakamalan lang siya na isa sa ordinaryong empleyado roon. Hindi na sana niya pagbibigyan ang Heneral kung hindi lang niya nalaman ma inimbitahan ang mga ito ng commander nila.

Nanatili siya nakabantay sa bawat kilos ng babae at base sa nakikita niyang tugon ng kapitan ay nagiging gentleman lang ito sa babae.

Hmm...hate kaya niya yung gaya ng babaeng yan?

Napataas siya ng kilay ng makitang hinawakan ng babae ang braso ng kapitan sabay nang-aakit na tumatawa ito.

"Akala ko suplado ka,Captain..kasi kanina pagdating niyo seryoso ang datingan mo,ang sarap mo pala kausap!" Maligayang saad nito.

Napabuga ng hangin ang prinsesa.

Ang sarap niya sakmalin!

"Eskovar!"pagtawag sa kanya ng pamilyar na boses na yun.

Tinaasan niya ng kilay ang pagsulpot ng matandang heneral sa gilid niya.

"Uh,sorry! Napalakas ata sinabi ko.." anito sabay lingap sa paligid. Mabuti na lang nasa itaas bahagi siya at nasa ibaba ng hallway ang lahat.

Natatawang niyakap siya nito. Bakas ang tuwa sa mukha nito. "Ito ang unang beses na dumalo ka sa kasiyahan na pinadaos ko! Isang karangalan,Ms.Fetzeir,the legendary daughter of Capt.Blaz Fetzeir!"manghang-mangha nitong turan sa kanya.

Ito na raw kasi ang numero unong fan ng ama niya.

Mahina na siguro pandinig niya ang lakas ng boses eh!

"I'm happy that you are here,Hija.." mahina na ang tono nitong saad pagkaraan.

Isang tango ang tinugon niya rito.

"Ikaw ang dahilan kung bakit matagumpay na naman ang misyon ng SAF," magiliw nitong sabi pa.

"Siyangapala,nais ka pala personal na mapasalamatan ni Capt.Cally..kaso alam ko ang rule mo,kaya sinabi ko na baka imposible," inporma nito sa kanya.

Please,he's exception,right?!

Hinayon ng mga mata niya ang kinaroroonan ng kapitan. Nakikipagtawanan na ito sa babae.

Ugh! Ayoko ng nakikita ko ah!

Naningkit ang mga mata niya. Mukhang nadadala na ang babae sa pakikipag-usap sa mate niya! Nakayakap na ito sa braso ng kapitan!

"Tanda,"untag niya sa heneral.

Seryosong na hinarap niya ang nakangiting heneral.

"Ano yun,Hija?"agad nitong tugon sa kanya.

Muli niyang sinulyapan ang kinaroroonan ng kapitan.

He's mine!

"I need his 'thank you',So..tell him meet me in the rooftop," matiim niyang saad.

Gulat at hindi inaasahan ng heneral ang sinabi niyang iyun.

"Only him.."pahabol niyang saad sabay talikod na sa nagulantang na heneral.

Woah! This is it!

Nilukob ng excitement ang buong sistema ng prinsesa sa wakas na paghaharap nila ni Capt.Callias.

Natutuwa din siya na malaman na gusto siyang pasalamatan nito.

Sana nga lang hindi lamang pasasalamat ang gawin nito.

Ayaw niyang maging pilya pero gusto niya maattract din kaagad ito sa kanya.

Bagay sila ng kapitan.

Gwapo at maganda.

Sang-ayon ako dyan,mahal na prinsesa!

Napangisi siya at ng makarating sa rooftop. Nilanghap niya ang panggabi-hangin. Tiningala niya ang kalawakan na nakukumutan ng nagkikislapan mga bituin at ang bilog na bilog na buwan na siya lamang nagbibigay ng liwanag sa madilim na gabi.

Sa mundong-Colai gabi man nanatili ang kinang at kintab ng paligid. Pinangungulilaan na niyang masilayan muli ang mundong pinagmulan niya at sana nga maging mabilis lang ang lahat na ito ngayon natagpuan na niya ang lalaking itinakda sa kanya ng propesiya.

TPOOWD Series 6 : FRENELYN E. FETZEIR byCallmeAngge(COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora