Chapter 13

3.3K 103 3
                                    

Itinutok niya ang hawak na baril sa isang malaking nilalang na kanina pa niyang hinahabol sa gitna ng kagubatan. Kahit madilim alam niyang isang mapanganib na hayop iyun kaya bago pa man makapanakit ito kailangan niya iyun mapaslang. Pigil ang hininga na inabangan niya ang pagsulpot ng subject niya. Mabilis na tumibok ang puso niya ng gumalaw ang mga sanga sa harapan niya na ilang hakbang lang ang layo mula sa kanya.

Nasa gitna siya ng kagubatan tila ba ang lugar na iyun ay nilaan para sa pagtatagpo nila ng malaking halimaw na yun!

Nang tuluyan makalabas iyun agad na kinilabit niya ang gatilyo ng baril niya. Hindi na nakahakbang pa palapit sa kanya..ang isang kulay Kahel na halimaw!

Napakalaki nito! Nakakamangha ang taglay ng kulay nito na tila isang malaking araw sa dapit-hapon!

Namamangha na nakipagtitigan siya sa malalaking mga mata nito. Those eyes are looks so familiar to him!

Ang pagkamangha niya ay napalitan ng pagkagulat at pagsisisi ng makita ang bigla pagbabago ng halimaw.

"Frenelyn!"

Napabalikwas si Aldrin mula sa panaginip na yun.

Marahas na napahilamos siya sa mukha. Damn,anong klaseng panaginip yun?!

He killed her!

Malakas na napamura sa isip si Aldrin. Agad na bumalik sa isip niya ang walang saplot na harapan ni Eskovar na hindi naman niya sinasadya na makita!

Agad na nag-init ang katawan niya pero napamura lang siya sa sarili.

"Damn!"pagwaksi niya sa imahe yun.

Eskovar is so fuvking hot and sexy!

Mariin na naikuyom ni Aldrin ang mga palad.

Ang weird lang na isang malaking halimaw si Eskovar?

Mas weird lang din na wala na ang bakas ng mga sugat sa likod ng dalaga?

Muli bumugso ang kuryusidad niya tungkol sa mga sugat ng dalaga sa likod.

Hindi siya makapaniwala wala ni peklat at marka na nagkasugat roon si Eskovar! Malinaw pa ang mga mata niya kaya imposibleng namamalikmata lang siya!

Hindi na nagawa pang makatulog ni Aldrin. Binagabag na siya ng napaginipan niya ang ang mga sugat na naglaho na lang bigla na parang bula.

He want to know kung paano iyun nangyari...pero sasagutin kaya siya ni Eskovar?

"Sheyt! What happen to me? Mula ng makilala ko ang babaeng yun! Para na kong mababaliw sa kanya," bulalas niya sa sarili.

Napukaw siya ng ingay mula sa labas ng bahay niya. Mabilis na kinuha niya ang baril na nasa ilalim lang ng unan niya.

Pinakiramdaman niya ang paligid. Madilim sa silid niya kaya walang ingay na lumapit siya sa bintana ng kwarto niya at sinipat ang madilim pang paligid.

Napahigpit ang hawak niya sa baril ng marinig muli ang ingay na yun. Pinakinggan niya iyun ng mabuti. Mabigat ang dating niyun..yabag.

Mabigat na yabag.

Agad na naalala niya ang napaginipan.

T*ngna! Imposible magkatotoo yun?!

Muli niyang pinakiramdaman ang paligid pero wala na siyang naririnig na kahit ano.

Saka lang siya nagpakawala ng marahas na hininga.

"Aldrin,itulog mo na lang yan," saad niya sa sarili.

Minsan talaga hindi maiwasan na maging paranoid ang isang tulad niya kung may matalas na pakiramdam ka. Kunting kaluskos lang panganib na agad ang pakiramdam niya roon.

Napabuga siya ng hangin at pabagsak na humiga sa kama niya at pinikit na ang mga mata.

Bigla nabuo ang magandang mukha ni Frenelyn sa isipan niya at gumuhit ang isang ngiti sa mga labi.

Iyun lang pala ang magpapatulog sa kanya!

Ang magandang mukha ni Frenelyn!

TPOOWD Series 6 : FRENELYN E. FETZEIR byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon