Chapter 29

3K 93 3
                                    

Kanina pa siya nakatayo sa labas ng bahay ni Eskovar pero hanggang ngayon hindi niya magawa humakbang dahil maraming bagay na gumugulo sa utak niya.

Ang makita ang dating kapitan ng SAF na si Capt.Blaz Fetzeir ay hindi na kapani-paniwala lalo na ang galing nito sa pakikipaglaban. Hindi siya makamove on sa husay ng dating kapitan bigla nga siya nanliit sa kakayahan niya bilang kapitan ng BAT.

Damn! Ngayon lang siya nagduda sa sarili niyang kakayahan!

P*tsa,Callias! Pambabae lang yan insecure na yan!..anang ng isip niya.

Marahas siya napabuga ng hangin. May isa pang bagay na gumugulo sa kanya. Ang salitang ginamit ng mag-ama.

Mahal na Hari?

Mahal kong prinsesa?

Damn it! Ganun din ang sinabi ni Zei,prinsesa ang tawag nito kay Eskovar?!

"Bakit nakatayo ka lang dyan?"

Agad na napukaw siya ng boses na yun. Mabilis na dinunggol siya ng kaba. Hell,hindi niya maiwasan kabahan kapag kaharap na niya ang ama ng dalaga.

Isipin mo na lang na nasa misyon ka kaya tatagan mo lang ang loob mo,Capt.Cally!

Palihim na humugot siya ng malalim na hininga.

"Magandang gabi,Sir.." magalang niyang pagbati rito.

Doon lang niya napansin ang mga tattoo nito sa braso paakyat sa may leegan nito.

Damn,sigurado bang ama ito ni Eskovar? Kasi kung titingnan parang hindi naman nagkakalayo ang edad nila at parang kapatid lang ito ng dalaga.

Napangisi ang dating kapitan. Humalukipkip ito. Nakakaintimidate ang tindig nito pati na rin ang pagtitig nito sa kanya. Sana lang hindi nito nahahalata na kinakabahan sya rito.

"Nandito ka para sa anong intensyon?" pagtatanong nito.

Tumikhim muna siya. "Sir.."

Ipinaling nito ang ulo pakanan. Heck! Mas lalo lang siya kinakabahan sa klase ng pagtitig nito sa kanya. Tumikhim muli siya.

Hindi siya naging sundalo para lang maging duwag.

Matapang na sinalubong niya ang mga mata nito.

"I'm in love with your daughter,Sir," deretsahan niyang sabi.

Naikuyom niya ang mga palad ng hindi agad nagreak ang ama ng iniibig niya.

Yeah,he's in love with his daughter!

Frenelyn Eskovar,I'm so fuvking in love with you!

Agad na pinigilan niya ang sarili na mapaatras ng humakbang ito palapit sa kanya.

Napaawang ang mga labi niya ng sapuhin ng isang kamay nito ang likod ng ulo niya at inilapit nito ang mukha sa kabila gilid ng ulo niya at bumulong ito.

"Siguruduhin mo lang na totoo yan nararamdaman mo para sa aking prinsesa dahil sa oras na malaman mo kung ano tunay na pagkatao niya at magbago ang pagtingin mo sa kanya,itong ulo mo hindi ako mangingimi na pasabugin yan,naiinitindihan mo ba,Capt.Aldrin Callias?" puno ng babala nitong bulong sa tapat ng tainga niya.

Shock man pero nagawa pa rin tumango ni Aldrin.

Tinapik-tapik nito ang balikat niya pagkaraan. Pakiramdam niya ng mga oras na yun hindi na siya humihinga dahiL sa tensyon.

"Yes,Sir...hindi ko sasaktan ang anak niyo," matatag niyang tugon.

Dumistansya ito at nginisihan siya. "Mabuti naman kung ganun..huwag mo akong bibiguin,mahal na prinsipe," anito.

Bago pa man siya makatugon nakalapit na pala sa kanila ang dalaga. Seryoso ang anyo nito.

"Ama..?" may pagdududa na tinitigan nito ang ama.

"What? Nag-uusap lang kami," depensa ng ama nito.

Bumaling naman sa kanya ang mata ng dalaga. Agad na nginitian niya ito.

"Frenelyn," sambit niya sa pangalan nito.

"Sige na,makikipagkita ako kay Zei kung okay na ang pabor na hiningi ko sa kanya,"untag ng ama ng dalaga.

Tinapik muli nito ang balikat niya at mahigpit na niyakap ang anak saka hinalikan ito sa nuo na kinasimangot ng huli.

"Tell him about the real you,my princess..doon natin malalaman na siya nga ang lalaking itinakda sayo," saad ng ama ng dalaga.

Bigla siya nacurious sa narinig.

Damn,may panibago na naman gugulo sa utak niya!

Masyadong misteryoso ang mag-ama!

Heck!

He want to know her,everything about her.

The real her!

Sana ang mga iyun ay ang magiging kasagutan sa mga katanungan na nasa isip niya.

Gustong-gusto na niya masagot ang mga iyun at matapos na ang pagdududa niya at tuluyan na siyang maging masaya na wala ng ibang iniisip pa patungkol sa dalaga .

Mahirap maging masaya kapaga ganitong ang dami mong katanungan at malaman tungkol sa isang tao na gusto mong makilala ng lubusan.

Sana sabihin na nito ang totoo..

TPOOWD Series 6 : FRENELYN E. FETZEIR byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now