Chapter 19

3.1K 109 3
                                    

Natatabunan ng malaking kuryusidad ang buong sistema ni Capt.Cally sa tunay na pagkatao ni Frenelyn Eskovar. Alam niya sa sarili niya na walang pagdududa na may kakaiba talaga sa dalaga..maliban sa ubod na ganda nito at ubod ng kamanghang-mangha babae ay may iba pa rito na nais niyang malaman.

Isa na roon ang katanungan kung bakit hindi niya malimutan ang napanaginipan niya. Isang lobo. May kinalaman ba iyun sa tunay na pagkatao ng dalaga?

Napamura siya sa kanyang sarili. Kalokohan lang ang gumugulo sa isip niya at hindi naman lahat ng panaginip ay totoo bagkus kabaliktaran pa nga yun.

Pero..coincidence lang ba ang nakita niyang painting ng isang lobo na nasa bahay nito? Ang lobong na nasa panaginip niya na pag-aari pa ng dalaga?!

Marahas siyang napabuga ng hangin.

"Malayo ata ang iniisip mo?"

Agad na napasulyap siya kay Eskovar. Kasulukuyan sila nasa isang paupahan apartment kung saan ilang metro lang ang layo ng target nila. Natagpuan nila si Erwin Ruzon sa isang bayan ng Sta.Maria,Bulacan.

"Uh,iniisip ko lang kung ano ang unang hakbang para makalapit sa target na hindi niya ko nakikilala," pagsisinungalin niya.

That's a big lie,Capt.Callias!

Matiim na tinitigan siya ng dalaga na tila binabasa ang iniisip niya. Bigla siya tuloy tinubuan ng kaba. P*tsa! Wala pang nagpapakaba sa kanya!

Maya-maya ay nakahinga siya ng maluwag ng ngumiti ang dalaga.

"Ang cute mo pala mag-isip...masyadong seryoso," anito na kinaawang ng mga labi niya.

Bigla tuloy siya nailang sa sinabi nito.

T*ngna,pwede bang kiligin ang lalaki?!

Palihim siyang napahugot ng hininga ng lumapit sa kanya ang dalaga. Nilukob ng kakaibang sensasyon ang amoy nito.

That,tangerine scent.

Bigla may naalala siya. Noong natagpuan nila wala ng buhay si Santos sa isang kagubatan.

Pero imposible naman na naroon ang dalaga saka wala naman binanggit ito na nandoon ito.

"May dala akong pangdisguise...magpapanggap kang electrician kapag nakapasok ka na sa inuupahan niya doon mo na siya huhulihin,ako na ang bahala sa makakakita," anito.

Tumango-tango sya. Namamangha habang nakikinig sa dalaga. Bawat salita na lumalabas sa mapupula nitong mga labi mahihimigan ang kasiguraduhan roon.

Napahinga siya ng malalim ng magtama ang mga mata nila ng dalaga. Hindi kaya atakehin na siya sa puso sa lakas ng kabog ng dibdib niya sa tuwing malapit sa kanya ang dalaga o kaya naman sa tuwing nakikita niya..damn,kahit iniisip lang niya ito. Naghuhurementado na ang tibok ng puso niya.

"Bukas ng umaga natin sisimulan," anito.

"Mamaya gabi papasukin ko ang inuupahan niya para sirain ang pinagkakabitan ng kuryente niya," anito.

Agad na nakadama siya ng pangamba sa plano nito.

"Ako na lang,Fren.."

Mabilis na umiling ang dalaga at humalukipkip ito. Now,she look so intimidating now!

Fuck,Callias! Gusto mo bang maoffend siya ?!

Tumikhim siya. "Uh,bothered lang ako baka...baka may makakakita sayo at...at ayaw kong mapahamak ka," aniya.

"Hmm,kung ganun salamat pero..we're partner,right? Hindi ko naman sinabi na ikaw lang ang kikilos satin dalawa," matiim nitong tugon.

Tumango siya sa sinabi nito. "Alright,I'm sorry..sana hindi kita naoffend,"napapahiyang saad niya.

Nagkibit ito ng balikat. "Don't worry,gusto ko na ganyan ka sakin," anito sabay ngiti sa kanya.

Lalong bumilis ang tibok ng puso niya sa sinabi nito.

P*tsa,Callias,close your mouth!

Umayos ka,nasa gitna kayo ng misyon at nakukuha mo pang magfeeling teenager dyan na nginitian ng crush niya!

Napabuga siya ng hangin. Wala na talagang malala na ang nararamdaman niya para sa dalaga.

Hulog na hulog na talaga siya. Kakakilala pa lang nila pero ito na agad na siya. Bumubulusok sa tindi ng nararamdaman niya para kay Eskovar!

Hayaan mo na,pangpainspired din yan sa trabaho,Captain!

TPOOWD Series 6 : FRENELYN E. FETZEIR byCallmeAngge(COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu