Chapter 23

2.9K 108 3
                                    

Umiiksi na ang pasensya ni Aldrin sa katigasan ng ulo ni Erwin Ruzon kahit anong tanong niya rito at pagbabanta ayaw nitong makipagtulungan sa kanila.

"Sinabi ko na nga sa inyo na wala na kong konektado sa kanila! Kaya nga ako nandito dahiL nagtatago ako sa kanila pagkatapos kong itakas ang pinagbentahan ng delivery nila sakin sa isang Chinese ,"naiirita na rin nito turan sa kanila.

Mariin na naikuyom ni Aldrin ang mga palad. Kunti na lang tatama na yun sa pagmumukha ng lalaki.

" Alam mo kung saan ang hideout nila iyun ang gusto ko malaman,Erwin,"mariin at may babala na sa boses niya.

"Hindi ko alam!" angil nito sa kanya.

Doon na sumambulat ang inis niya para rito. Nabuwal ito sa damuhan ng suntukin niya ito.

"Puta! Bakit mo ako sinuntok?! Nagsasabi naman ako ng totoo ah!" galit nitong singhal sa kanya na hindi na nagtangka pang tumayo mula sa pagkakasalampak nito sa damuhan.

Tiim-bagang na tinitigan niya ito. "Inuulit ko saan matatagpuan ang Jack Syndicate?" tiimbagang niyang usal.

Nginisihan siya nito bago pa man muli umigkas ang kamao niya may baril ng tumutok sa nuo nito.

Napabaling siya sa dalaga. Kay Eskovar. Madilim ang mga mata nito na nakatitig sa lalaki na ngayon ay namumutla na.

"Isang tanong,isang sagot..kapag di ka umamin,pasasabugin ko yang maliit mong utak," mapanganib nitong saad.

Napatitig na lamang si Aldrin sa dalaga. Napakapanganib ng anyo nito.

She's really a badass!

"Saan.matatagpuan.ang.Jack.Syndicate?" mabagal at puno ng diin nitong sambit sa katanungan iyun.

Idiniin nito ang baril sa nuo ng lalaki na kinasinghap ng huli.

"S-sige! S-sasabihin ko na! " puno na ng takot nitong turan.

"Saan?" seryoso pa rin turan ng dalaga.

Napalunok ang lalaki. "S-sa...Quezon province,sa..sa isang isla roon doon ang hideout nila," pag-amin na nito.

Saka lang binaba ni Eskovar ang baril nito at nakangiti ng bumaling sa kanya ang dalaga.

"Mission accomplished," anito.

Napangisi na lang siya. Alam nilang pareho na tapos na ang misyon nila. Ang ugok lang naman ang target nila at alamin kung saan matatagpuan ang sindikato iyun at bahala na ang Nakakataas na opisyal ang sunod na kikilos.

"Bukas na lang natin siya dalhin sa HQ gabi na rin kasi," suhestyon niya rito.

Tumango naman ito. "Mabuti pa nga,masyado ng mahaba ang araw na ito kaya pahinga muna tayo rito," sang-ayon nito.

"Babae mo ba yan?" bigla sabad ni Erwin sa kanila.

Naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito.

Ngumisi ito sa kanya. "Maganda..kaso nakakatak--"hindi na naituloy pa nito ang sasabihin ng bigla na lamang ito nakatulog.

Maang na napatitig siya sa bilis na ginawa ng dalaga.

" Nakuha pa niyang mang-asar,"anito at nakangiti na sinulyapan siya.

"Hmm,labas lang ako..parang kasi maganda magpahangin dun sa may ilog," paalam nito at agad na tinalikuran siya.

Napakurap-kurap na lang siya.

Grabe,habang tumatagal na nakakasama niya ang dalaga mas...mas lumalalim ang..

Sheyt!

Naiinlove na ba talaga siya sa dalaga?!

Sabihin mo in love ka na talaga noong una pa lang kayo nagkita,Capt.Aldrin Callias!

Minsan nakakatakot ang isang gaya nito. Hindi lamang iyun nakakaramdam siya ng insecurities.

Oo..dahil pakiramdam niya mas malakas ito sa kanya.

Na hindi lamang ito tipikal na babae na kayang-kaya siyang patumbahin.

Lahat na iyun ay papunta na sa pagdududa niya sa tunay nitong pagkatao.

Oo..ilan beses na ba nangyari na inisip niya na baka nga totoo ang panaginip niyang iyun?

Na...hindi naman talaga isang tao ang dalaga?

TPOOWD Series 6 : FRENELYN E. FETZEIR byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now