Chapter 18

3.3K 119 8
                                    

Agad na gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Prinsesa Frenelyn ng marinig ang ingay ng sasakyan ni Captain Callias.

He's here!!!

Kalmante lang ang prinsesa na hinintay ito habang nakaharap sa TV na mahina lang ang volume.

Kumatok ito at bumukas iyun pagkaraan.

"Frenelyn.."pagtawag nito sa pangalan niya.

Agad na tiningala niya ito. " Aldrin,"aniya at isinenyas ang single sofa na nasa kanan bahagi ng inuupuan niya.

Tumalima agad ito. Matiim at seryoso ang anyo nito.

"So..?" umpisa niya sa pananahimik nito.

Bumuga ito ng hangin na sinabayan ng paghilamos sa mukha nito.

Uh-oh! Mukhang negative ata,mahal na prinsesa!

Muli ito bumuga ng hangin. "Ikaw ang hahawak ng misyon sa paghuli sa Jack Syndicate...kay..Erwin Ruzon?"untag nito.

Humalukipkip siya at nagkibit ng balikat.

" Tinanggap ko ang misyon pero ikaw ang gusto kong makasama sa misyon yun,"matapat niyang saad rito na kinatitig nito sa kanya.

"I..ilang beses ko tinanggihan ang offer na maugnay sa kaso yun,Eskovar," anito sa seryosong anyo.

Tumango-tango ang prinsesa.

I said so!

"Oh well,mukhang ako lang mag-isa gagawa ng misyon,Alright,kung iyan ang desisyon mo," aniya na hindi pinahalata ang pagkadismaya.

Ayos lang yan,mahal na prinsesa ..Isama natin si Zei para hindi maulit!

She heave a deep sigh.

"Pero..nagbago ang isip ko."pahabol nito.

Napatigil siya sa biglang pagsasalita ng binata.

"Hindi ako papayag na mag-isa ka lang kikilos..they are syndicate,baby! Bakit mag-isa ka lang?" may inis na nitong turan.

Woah! Did you hear that?! He call you a BABY!

Nanatiling kalmante ang prinsesa sa kabila ng unting-unti pagningas ng apoy sa bawat himaymay ng ugat niya. "Masyadong bilib sakin ang matandang yun," aniya na nakangisi na niyang turan.

Nakatitig muli sa kanya ang binata.

"Masyado kang matapang...isa ka ngang warrior," usal nito na nakatitig pa rin sa kanya.

Nakipagtitigan siya sa mga mata ng lalaki na tila nagsalita lang ito sa sarili.

Uyy...compliment ba yun o..may something na?!

And we're in heat now!!!

"Mula kasi ako sa dugong mandirigma..sa pinagmulan kong mundo," usal niya.

"Anak ni Captain Blaz Feitzer at Sgt.Jeniper Eskovar..I'm so lucky to meet their daughter," anito na may kalakip na paghanga.

Nginisihan niya ang binata. "So? We're team now?"aniya.

Tumango ito. "We're partner,Eskovar," matiim nitong tugon.

Lover na next time!

"What?" natatawang untag ni Eskovar sa binata na nakamaang sa kanya.

"How did you do that? Hindi madali ang mahanap ang isang taong nagtatago," maang at mangha nitong tugon sa kanya.

Sinimulan na nila ang plano at sa tulong ni Zei at ang anak nitong si Valerie nalaman agad niya kung saan matatagpuan ang lalaking main subject nila na siyang makakapagturo kung saan matatagpuan ang mga kasamahan nitong sindikato.

"Hmm,may mga tumulong sakin para mahanap siya," aniya sabay duro sa larawan ng main subject nila nasa ibabaw ng center table niya.

"Nang..ganun kabilis?"may mahihimigan pagdududa sa tono nito.

Napangisi ang prinsesa. "Malalaman mo rin kung paano,Captain Cally..sa ngayon kailangan mo marinig ang plano ko," aniya.

"What is it?"agad na tugon nito.

Hmm,very professional!

"Ikaw ang huhuli sa kanya..magiging guide mo lang ako," aniya.

Nagsalubong ang mga kilay nito. "How come?"nagtataka nitong tanong.

She sighed. "Ayokong..hindi ako pasensyosang tao..kung lalaban siya..maaari kong...siyang..mapatay," marahan niyang usal.

"Ayos lang ba sayo?" untag niya sa pananahimik nito .

"I don't know but...you seem so scared to kill someone," komento nito.

Nag-iwas siya ng mga mata rito.

"Yeah,lalo pa at kadugo mo siya," mahina niyang saad.

"I don't mind..kung sasaktan mo siya ayos lang kasama mo naman ako," anito na kinabaling niya rito.

Oh he don't know what he saying!

"That's a plan,Aldrin," aniya na pinanindigan ang plano niyang iyun.

Tumango na ito pagkaraan.

"Okay,that's our plan.." sang-ayon na nito.

Good luck to us!

TPOOWD Series 6 : FRENELYN E. FETZEIR byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now