Chapter 14

3.5K 125 7
                                    

Sana man lang sumilip tayo saglit kagabi kay Mate!

Napailing si Prinsesa Frenelyn sa panay reklamo ng wolf niya. Kung hindi lang niya nakontrol ang init ng katawan niya malamang nga pinasok na nila si Capt. Cally pero gising ito. Naging alerto ito ng marinig sila ng wolf niya.

I'm sure may hawak yun baril habang pinapakiramdaman tayo!

Napabuga naman ng hangin ang prinsesa. Nabitin sa ere ang pagsubo niya sana sa kinakain na orange fruit ng marinig ang ingay ng motor.

Si Mate!

Agad na tinungo niya ang salas niya at hinintay na kumatok ang binata.

"Captain," bungad bati niya rito.

Agad na ngumiti ito sa kanya. "Frenelyn," anito.

Tumawa siya ng mahina. "Ayaw mo kong tawagin Eskovar?"

Napangisi ito. "Why,maganda naman ang tunay mong pangalan,Frenelyn.."

Muli siyang tumawa ng mahina. Sa mundong-Colai. Iilan beses pa lang siya tumatawa nangyayari lang yun kapag nasasaksihan niya ang pagtatalo ng Hari at Reyna na laging talunan sa huli ang ama.

Madalas lang makikita ng kadistrito niya ang pagngisi niya. Isang ngisi na puno ng panganib.

Pero ngayon nagtagpo na sila ng lalaking itinakda sa kanya kusa na lamang iyun nangyayari gaya ngayon.

Saka lang niya natanto na nakatitig pala sa kanya ang binata. Nginisihan niya ito.

"Bakit? Maganda din ba ang may-ari ng pangalan?" panunudyo niya rito.

Gumanti ito ng ngisi sa kanya. "Yes,you are beautiful," anito.

Hormones Alert!

"Anyway,napadaan ka?" pagbukas niya ng ibang usapan ng maramdaman ang pagsiklab na naman ng init sa mga ugat niya.

"Uh,gusto lang kita kamustahin,Frenelyn," seryoso na nitong sabi.

Oh no! Huwag na sana niya itanong!

Tumango-tango siya. "Halika,pasok ka.." agad na sabi niya.

Sumunod naman ito sa kanya at umupo sa mahabang sofa at siya naman sa katapat na sofa na pang-isahan.

"Galing ako sa puntod ni Santos..pasiyam niya kasi ngayon," wika nito sabay pakawala ng malungkot na buntong-hininga.

Uh okay..

"Kinalulungkot ko ang nangyari sa kanya," saad niya. Hindi niya matitigan ang mukha ng binata dahil mababanaag roon ang lungkot sa pagkawala ng isang kaibigan.

Naikuyom niya ang palad na nakapatong sa armrest ng sofa. Alam niyang pinagbayaran na niya ang nagawang pagkitil sa buhay ng lalaking iyun pero hindi pa rin maiwasan na makaramdam siyang muli ng guilt lalo na ngayon nakikita niya ang lungkot at panghihinayang sa anyo ng mate niya.

"Sa tagal na pinagsamahan namin ni Santos..sobrang nanghinayang taLaga ako sa kanya," bakas ang lungkot sa tono nito.

"Napakabuti mong kaibigan,Aldrin..kahit na muntik ka na niyang patayin..isa pa rin kaibigan ang turing mo sa kanya," matiim niyang saad.

"He's like my brother to me,frenelyn...lahat ng team ko sa BAT,kapatid ang turing ko," matiim rin nitong tugon sa kanya.

Napaiwas ng mga mata ang dalaga.

Stop that,mahal na prinsesa! Nagpabayaran mo na yun!

Muli niya ibinalik ang paningin sa binata na matiim na nakatitig pa rin sa kanya.

Base sa pagtitig nito tila may gusto itong sabihin o itanong sa kanya.

Nginitian niya ito. "May orange juice ako,ikukuha kita.."pag-iwas niya sa nais nitong gawin.

He want to ask something to us!

Yes..at kailangan maidivert lang para di na niya maisip itanong!

Alam niyang hindi niya matatakbuhan ang ginawa niyang kasalanan. Malalaman at malalaman din nito sa huli ang ginawa. Wala siyang balak na ilihim iyun rito pero hindi sa ngayon lalo pa nga at nagsisimula na ang pagiging malapit nila sa isa't-isa ng binata.

Napabuntong-hininga siya.

Napahigpit ang hawak niya sa hawakan ng petsil na may laman ng orange juice.

"Mapapatawad din niya tayo,"saad niya habang nagsasalin ng inumin sa dalawang baso.

TPOOWD Series 6 : FRENELYN E. FETZEIR byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now