Chapter 20

3.2K 110 5
                                    

Mataman na pinagmanasdan ni Prinsesa Frenelyn ang nahihimbing na si Erwin Ruzon. Wala itong kamalay-malay na naroroon siya sa maliit at masikip nitong kwarto tanging ilaw sa poste sa labas ang liwanag ng silid nito. Nagkalat ang mga marurumi nitong pinagsuutan at mga bote ng beer at mga upos na sigarilyo.

Sinulyapan niya ang isang baril na nakapatong sa maliit na mesa na nasa gilid lang ng hinihigaan nito.

Maliban doon,iyun lang ang armas na meron ang lalaki.

Pero ayoko ng naaamoy ko sa kanya!

Isang pinagbabawal na gamot ang nalalanghap nila ng kanyang lobo. Marahil mula iyun sa sindikato na kinabibilangan nito na pinagkukuhanan ng lalaki.

For real,kadugo ba talaga yan ni Mate?

Well,isa siya sa mga taong nagpapahirap sa mundong ito.

Nang magawa na niya ang misyon niya sa pagsira ng pinagkakabitan ng kuryente nito ay agad na tinungo niya ang nakitang kagubatan.

She's in heat now,anyway. Hindi nakakatulong na magkasama sila ng mate niya sa iisang bubong.

Napaangil ang kulay Kahel na lobo habang mabilis na tinatahak ang pasikot-sikot na pagkakatayo ng mga puno.

Kanina pang hindi mapakali si Aldrin. Pasadong alas doz na ng madaling araw pero wala pa rin ang dalaga.

Fuck! Sana man lang sinamahan na lang niya ito!

Paroo't-parito siya sa maliit na sala. Hindi naman niya ito matawagan dahiL una pa lang na magkasama sila hindi niya ito kakitaan na may hawak na aparato. Malamang,bilang isang sniper. Earpiece lang ang gamit nito! For her safety kaysa sa celpon na maaari may makatrack rito!

Marahas siyang napahilamos sa mukha.

"Nasaan ka na ba?" usal niya at panay silip sa bintana na nasa gilid lang ng pintuan.

Kapag hindi pa siya dumating after 15mins. Susundan na niya ito!

Panay ang bukas-sara ng mga palad niya habang hinihintay ang paglipas ng minuto.

Sheyt! Bakit parang ambagal ng oras?!

Napakislot siya ng makarinig ng kaluskos. Agad siya naging alerto sa paligid. Pinakiramdaman niya ang paligid. Napaangat siya ng mukha ng matantong na tila may naglalakad sa bubungan ng silid nila!

Agad na napahawak siya sa baril na nakasuksok lang sa likuran niya. Walang ingay na sinundan niya ang bawat pag-apak niyun sa bubungan.

P*tsa,hindi siya naniniwala na may aswang talaga?!

Hoy,Aldrin Callias! Baka pusa lang yan!

Huminto ang ingay na yun sa may likuran na ng bahay. Maingat na sumilip siya sa maliit na bintana at pilit na sinisilip ng mga mata ang itaas bahagi ng bubungan.

Muntik na siyang mapamura ng malakas ng bigla na lamang may lumundag at kahit nagulat siya sigurado siya sa nakita niya!

Kahit may kadiliman sa likuran ng bahay hindi nakatakas sa liwanag ng isang ilaw ng poste na di kalayuan kahit pupundi-pundi alam niyang hindi siya namamalikmata lamang!

Sheyt,ang lobo nasa panaginip niya!

Hindi niya alam kung gaano siya katagal nakatulala sa labas ng bintana hanggang sa mapukaw siya ng may magsalita sa likuran niya.

"Anong..ginagawa mo diyan?"

Marahas siyang napapihit paharap sa dalaga. Mataman ito nakatitig sa kanya.

"Frenelyn! B-buti nakabalik ka na,susundan na sana kita kasi ang tagal mong bumalik..nag-aalala na tuloy ako sayo baka napaano ka na," sunod-sunod niyang litanya pilit na kinakalma ang sarili mula sa pagkakagilalas.

"Ganun ba,pasensya na..medyo nahirapan akong pasukin yung silid niya kaya natagalan ako," tugon nito na matiim pa rin ang pagkakatitig sa kanya.

Hindi niya alam pero sa klase ng pagkakatitig sa kanya ng dalaga tila may alam ito na hindi niya sinasabi. Tumikhim siya para mawala ang tensyon sa buong katawan niya.

"Kung ganun..wala na pala ako dapat ipag-aalala..sa..sa susunod dapat magkasama na tayo,we're partner ,right?" aniya.

Tumango agad ang dalaga at ngayon ay may ngiti na sa mga labi.

"Let's sleep now..para mapaghandaan natin ang sunod na hakbang kung maaga tayong magigising," anito.

Nginitian niya ang dalaga kahit na sa likod niyun ang kaba at pagkukunwari na wala siya nakitang kakaiba ng gabing iyun.

"Alright,Goodnight,Frenelyn.." aniya.

"Goodnight,Aldrin," tugon nito.

He saw us!!!!

Oo..nakita niya tayo,tugon ng prinsesa sa wolf niya.

Napaupo siya sa gilid ng kama pagkapasok niya sa silid na iyun.

Napasuklay siya sa kanyang mahabang buhok na kumawala sa pagkakapusod pagkatapos niyang mag-anyong lobo.

Nakagat ng prinsesa ang pang-ibaba labi.

Bakit ang hina ng senses natin pagdating sa kanya?!

Uh,Siguro..dahil siya ang kahinaan natin!

"His expression on his face..katulad iyun ng ekspresyon ng mukha niya ng makita niya ang painting natin sa bahay," sawika niya.

May..nasisense ako..Hindi kaya may nalalaman siya tungkol sa pagkatao natin?

"Paano?"

Si Zei! Baka may hindi pa siya sinasabi satin na baka may koneksyon iba ang mate natin satin! Isa na roon na baka may idea na siya tungkol satin!

Naipikit ng prinsesa ang kanyang mga mata at pabagsak na napahiga sa kama.

Awtomatikong dumantay ang isang palad ng prinsesa sa dibdib niya sa tapat ng puso niya na ubod ng bilis ang pagtibok niyun.

"I....I..i-i'm scared," usal niya habang mariin pa rin nakapikit.

Oh no...

Naikuyom ni Prinsesa Frenelyn ang mga palad.

Aaminin niya nakakaramdam na siya ng takot. Mula ng nagiging malapit na sila ni Aldrin unti-unti na niya iyun nararamdaman.

Paano kung katakutan talaga siya nito?

Ano ang gagawin niya?

May magagawa ba ang isang tulad niya kung hindi siya tatanggapin ng lalaking itinakda sa kanya?

Babalik ba siya sa mundong-Colai na isang talunan?

No,hindi siya magpapaapekto sa damdamin iyun. Oo,masasaktan siya pero alam niyang nandyan ang kanyang ama at ina at ang kinabibilangan niyang distrito.

Hindi man niya kasama pagbalik niya sa mundong-Colai. Nagpapasalamat pa rin naman siya kung sakali man na nakasama niya ito kahit sa maikling panahon lamang.

Pero,mahal na prinsesa..masyado pang maaga isipin yan kung yan nga mangyayari hindi ba?

Siguro nga at hindi naman niya hawak ang isip ni Aldrin..ang emosyon nito.

Ibinagsak niya ang katawan sa kama.

"Sana kasingbilis din maghilom ang sakit na iyun gaya ng kasingbilis ng paghilom ng sugat natin.."

TPOOWD Series 6 : FRENELYN E. FETZEIR byCallmeAngge(COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang