Chapter 37

2.9K 111 4
                                    

Agad na gumuhit sa mga labi ni Aldrin ang isang ngiti ng masilayan ang pinakamamahal niyang prinsesa na si Frenelyn. Mahimbing ito natutulog pa. Nakadapa ito at bahagya pang nakaawang ang mga labi nito. Hindi na niya napigilan pa ang sarili na ilapat ang mga labi niya rito. Ang ilang beses na nangyari sa kanila ng dalaga nang nakaraan gabi ay isang bagay na hindi kailanman mabubura sa isip niya.

"Morning,"malat ang boses na pagbati nito sa kanya.

"Morning,my princess.." agad na tugon niya. Hinapit niya ito padikit sa kanya at agad naman ito umayos ng pwesto. Patagilid na niyakap din siya nito. Pinatakan niya ng halik ang nuo nito. Ayaw niya bumangon. Gusto niya ganito lang sila. Yakap niya buong maghapon ang kasintahan.

"Magli-leave ako,gusto ko makasama ka kahit ilang araw lang,hmm..gusto kita dalhin sa mga lugar na tayo lang,"untag niya.

Nag-angat ng mukha ang dalaga. " Hindi ko alam na romantiko ka pala?"nakangisi nitong tugon.

Tumawa siya ng mahina. "Hindi naman talaga..kaya lang dahil tunay na isang prinsesa ang nobya ko marapat lang na magpaimpress ako," mayabang niyang tugon rito.

Ito naman ang tumawa ng mahina. "Ayos lang sakin kung sa Luneta Park lang basta kasama ko ang prinsipe ko,"masuyo nitong saad.

Masuyo niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok nito na tumatakip sa mukha nito at mariin na pinatakan ng halik ang nuo nito.

" I love you so much,my princess Frenelyn,"madamdamin niyang saad.

"Mahal din kita,prinsipe ko," agad na tugon nito.

Hindi niya naiwasan mapangiwi sa inaddress ng dalaga sa kanya.

"Uhm,I know you are princess..mean I'm your prince,rigth..is that..for a lifetime?"aniya.

Napatitig sa kanya ang dalaga. May kung ano siya nakitang pangamba sa mga mata nito.

"Kung...gugustuhin mo," anito sabay baba ng mga mata sa kanya. Agad naman niya itinaas ang mukha nito gamit ang hintuturo niya na nasa ilalim ng baba nito.

"Hey..I'm your mate..ako ang itinakda sayo..ibig sabihin nun sakin pahabambuhay na yun..na makakasama kita," aniya.

Nakagat nito ang pang-ibaba labi. "Paano kung hilingin ko na iwan mo ang mundong ito at sumama sakin sa kung saan ang totoong mundo ko? Aldrin,may...naghihintay sa pagbabalik ko sa mundo na pinagmulan ko,ang mundong-Colai..ang distrito na kinabibilangan ko..ang aking ina at si ama.." saad nito. "Kasama ka man o hindi..kailangan ko bumalik para sa kanila..bilang prinsesa nila," dugtong nito.

Nahimigan niya ang pangamba sa tono nito.

Ilang sandali namagitan ang katahimikan sa pagitan nila ng dalaga.

Niyakap niya ang dalaga. Ramdam niya ang pangamba nito sa maaaring desisyon niya.

"Hindi ko kaya na malayo sayo,Frenelyn,iisipin ko pa lang na magkakahiwalay tayo para na kong mababaliw..I can't..I can't live without you,my princess.."

Nag-angat muli ng paningin sa kanya ng dalaga.

"I'm coming with you,then..sasama ako sa mundo na pinagmulan mo,"seryoso niyang sabi.

"A-are you sure?"hindi makapaniwala nitong tanong.

Sinapo niya ang kabilang pisngi ng dalaga. "I'm your mate..iniwan mo ang mundo mo para sakin at alam kong hindi madali sayo na iwan sila roon para lang sakin..kung kaya mong isakripisyo sila. Kaya ko din magsakripisyo para sayo,"aniya na kinagalak ng dalaga.

Mariin na hinalikan siya ng dalaga. Tumatawang tinugon naman niya ang halik nito.

Bakit pa siya magpapaiwan gayun alam niya nasa bisig na niya ang kalahati ng buhay niya.

Sasama siya kung saan ito magiging masaya. Siya naman ngayon ang magsasakripisyo sa kanilang dalawa.

Wala siyang ibang nais kundi maging masaya ito kapiling siya at kapiling ang mundo na pinagmulan nito.

TPOOWD Series 6 : FRENELYN E. FETZEIR byCallmeAngge(COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant