Chapter 26

3.2K 114 17
                                    

Ilang araw na mula ng huling nagkita sila ni Capt.Callias..nang huling pangahasan niyang halikan ito.

Napabuga ng hangin ang prinsesa. Umalis siya ng hindi nagpapaalam rito. She feel so ashamed what she did that night!

Sigurado kasi kokomprontahin siya ng binata sa ginawa niyang paghalik rito pagkatapos pinatulog pa niya ito!

Ewan ko ba bakit natitiklop ang mahal na prinsesa!

Nakikini-kinita ni Prinsesa Frenelyn na nakasimangot ang wolf niya. Muli siyang napabuga ng hangin. Aminado naman sya na naduwag siya!

Eh ano? Darating din naman sa punto na kailangan natin umamin sa kanya kung sino ka,mahal na prinsesa!

Nakagat ng prinsesa ang pang-ibaba labi niya. Tama ang wolf niya. Wala sa dugo at lahi niya ang karuwagan.

Saka may oras naman para dun,tama?

Tsk!

Inilibot ni Prinsesa Frenelyn ang mga mata sa kabuoan ng bahay ni Capt.Callias.

Nilalanghap ang amoy nito na naiwan sa silid nito.

Namimiss niya ito!

Nasa misyon siya ngayon,di ba? Eh kung puntahan kaya natin siya?

Napaisip ang dalaga roon.

Sige na! Masakit sa ulo sa kakaisip sa kanya eh!

"Gusto mo malaman kung nasaan si Capt.Callias?" untag ng heneral ng SAF.

Seryosong tumango siya rito habang nakahalukipkip sa inuupuan niya kaharap nito.

"Ah,okay..susubukan ko," agad na tugon ng heneral at mabilis na tinawagan ang kontak nito sa BAT.

Mabuti na lang anak ka ni Haring Blaz!

Pwede naman siya magpatulong kay Zei pero nahihiya na rin siya rito. Gusto niya siya naman ang kikilos ngayon tutal naman nakasalalay sa kanya ang kapalaran niya sa lalaking itinakda sa kanya.

Take a risk,ika nga!

"Ganun ba,salamat," pagtatapos ng heneral sa kausap nito sa kabilang linya.

Uh,tapos na pala siya makipag-usap,ano kaya sinabi?

Seryosong humarap sa kanya ang matandang heneral. Bigla siya tinubuan ng kung anong kaba sa dibdib.

Bakit kaya?!

"What?" naiinip na untag niya rito.

"Eskovar,nahostage ang team ni Capt.Callias," matiim nitong sabi.

No way! Si mate! Nasa panganib si mate!!!

Mabilis na tumayo ang prinsesa.

"Eskovar,saan ka pupunta?" habol ng matandang heneral.

Napakurap-kurap ang heneral ng harapin niya muli ito. Sigurado siya madilim ang anyo niya.

"Nasa panganib si Capt.Callias,pupuntahan ko siya," matiim niyang saad.

"May back up na na pinadala roon,Eskovar,baka mapahamak ka lang kung susugod ka ng mag-isa roon," may pangamba nitong sabi sa kanya.

Naikuyom niya ang mga palad. Nagulat ang heneral sa biglaan paglapit niya rito. Puno ng galit ang kanyang mga mata.

"Hindi ako papayag na may mangyari masama sa kanya,naiintindihan mo ba? Palibhasa hindi niyo alam kung ano siya buhay ko! Kaya wala kayong karapatan na pigilan ako na iligtas siya," puno ng diin ang bawat salita na sinasabi niya.

Halos mamutla ang matandang heneral sa inakto niyang iyun.

Eskovar....

Agad na natauhan ang prinsesa ng marinig ang boses na yun sa isip niya. Isang boses na ngayon lang niya narinig.

Hindi si Zei yun!

"Pasensya na,heneral.." mabilis na tinalikuran na niya ito.

Mariin na naipikit ni Frenelyn ang mata at sumandal sa likod ng pintuan pagkalabas niya ng opisina ng heneral.

Nakakaawa naman si Tanda! Tinakot mo!

"Kailangan natin iligtas si Aldrin," usal niya.

Mula sa kinatatayuan niyang sanga ng puno ay tinanaw niya ang kinaroroonan ng pinagkukutaan ng isang rebelde kung saan kitang-kita niya na nakagapos si Capt.Callias kasama ng iba pa. Mula sa bonfire ang siyang tanglaw ng mga ito habang paikot-ikot ang ilang taga-bantay roon na may hawak-hawak na mahahabang baril.

Naikuyom niya ang mga palad. Kitang-kita niya na tila nanghihina ang mate niya.

Mate!!!!

Puno ng galit para sa mga rebelde sa pagbihag nito sa mate niya. Huwag lang niya malaman na sinaktan ito dahiL sisiguruduhin niya na magiging madugo ang labanan!

Bago pa man makakilos si Frenelyn para simulan na ang pagligtas sa binata ng may pumigil sa braso niya.

"Mahal kong prinsesa," bungad nito sa kanya pagkalingon niya rito.

Nanlaki ang mga mata ng prinsesa ng makita ang ama na matagal na niyang pinangungulilaan at mayakap muli.

Masuyong ngiti ang pinukol nito sa kanya. Idinipa nito ang mga braso sa ere.

Mabilis pa sa hangin na sinugod niya ng yakap ang ama.

"Ama.."

Hinaplos nito ang likod ng ulo niya at pinatakan ng halik ang ibabaw ng buhok niya.

"I miss you,my princess.."puno ng pagmamahal nitong saad.

Agad na kumawala siya sa yakap ng ama ng matanto kung nasaan sila naroroon.

"Ama..nasa panganib po ang lalaking itinakda sakin,"saad niya na tila nagsusumbong sa ama.

Hinaplos nito ang pisngi niya.

"Huwag ka mag-alala,mahal kong prinsesa. Ililigtas natìn siya,"sabi ng Hari.

"Salamat,ama.."

"Gusto ko maging masaya ka,mahal kong prinsesa at iyun lamang ang tanging hangad namin ng iyong ina,"puno ng pagmamahal na saad ng Hari sa kanya.

"He's my happiness,ama.."

Nakangiti na tumango ang Hari at sabay nila nilingon ang kinaroroonan ng mga nangidnap sa grupo ng binata.

Ililigtas kita,mahal kong prinsipe.

TPOOWD Series 6 : FRENELYN E. FETZEIR byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now