Chapter 8

3.5K 136 8
                                    

She's in heat now!

Sabi ni Zei,mararanasan niya iyun sa oras na matagpuan na niya ang kanyang mate!

Ngayon nga ay halos nagliliyab ang pakiramdam niya. Gustong-gusto ng katawan niya ilabas ang init na yun.

Capt.Aldrin Callias! He's our cure!

Pawisan na tinahak niya ang gitna ng kagubatan na tanging liwanag lang ng buwan ang kanyang panglaw. She's running and running and running hanggang maligo na siya sa sarili niyang pawis!

Humihingal na tumigil sya ng nasa dulo na pala siya ng kagubatan,isang mataas na bangin. Humampas ang malamig na hangin sa pawisan niyang mukha.

Kahit papaano in control na!

Ipinikit ng Prinsesa ang mga mata at ninamnam ang malamig na hangin. She's need to calm herself kung hindi baka isang iglap na sa harapan na siya ng bahay ng lalaking itinakda sa kanya at ayaw niyang magpadalos-dalos!

Sa mundong na kinaroroonan niya ngayon ay kailangan niyang mag-ingat sa bawat ikikilos niya hindi gaya sa mundong-Colai na kahit anong gusto niyang gawin magagawa niya kahit pa makapanakit pa siya ng kapwa niyang lobo!

Pero hindi sa mundong ito dahil paniguradong magsisisi ka!

He's like..he's our..weakness,princess.

Napamulat ng mga mata si Prinsesa Frenelyn. Kung ang kapitan na iyun ang magiging kahinaan niya siguro nga kailangan niyang maging handa.

Napahinto sa pagsubo ng yogurt si Prinsesa Frenelyn ng marinig ang binabalita mula sa flat screen TV niya na nasa salas.

"Patuloy pa rin sa pagtugis ang awtoridad kay Sgt.Leo Santos ng makatakas ito kahapon..ayon sa Captain ng Black Aces Troops na si Capt. Aldrin Callias. Hindi niya inaasahan na gagawin iyun ng dating kasamahan.." pagrereport ng lalaki sa balita.

Napatitig siya sa screen ng ipakita ang lalaking itinakda sa kanya habang iniinterview ito ng mga tagamedia.

Yung lalaking tumutok ng baril kay mate!

"Gusto mo bang manghuntin tayo? Namiss ko na yun eh," saad niya habang nakatitig sa larawan ng suspek.

Yes,mahal na prinsesa! Matagal na rin mula ng huli tayong manghunting ng lalapain!

Napangisi ang prinsesa. "Alright,let's get hunting that man..."

Uh,bubuhayin ba natin?

"Ibibigay natin siya kay Captain Callias," nakangiti niyang saad.

Woah,pumaparaan na ang prinsesa para lang magkita sila ulit!

Napailing ang prinsesa sa panunudyo nito.

Gumuhit ang isang matagumpay na ngiti sa mapupulang labi ni Prinsesa Frenelyn ng matunton ang pinagtataguan ng nakatakas na dating kasamahan ni Capt. Callias. Nasa isang liblib na lugar ito nagtatago sa maliit na kubo na nakatirik sa gitna ng kagubatan.

Gotcha!

Walang ingay na humakbang ang mga paa niya palapit sa kubo. Malalim na ang gabi at dinig na dinig niya ang malakas na paghilik ng natutulog na pobreng si Santos.

Pagkabukas niya ng pintuan,bilang isang sundalo malakas ang pakiramdam nito kaya agad na tinutukan siya nito ng baril.

Balbas sarado na ito pero hindi niya makakalimutan ang mukha ng lalaking nanutok ng baril sa kanyang mate!

"Sino ka?!" singhal nito sa kanya habang nakatutok pa rin sa kanya ang baril.

Nginisihan niya ito at kitang-kita niya ang pagdaan ng pagkamangha ng lalaki sa kanya.

Maya-maya ay napalitan ng ngisi ang pagkabigla ng lalaki. "Gusto mo bang makitulog? Matagal na rin na wala akong nakatabing babae eh," malisyoso nitong sabi.

Eh Gago pala talaga ang gunggong na to eh! Lapastanganan! Kill him now,mahal na prinsesa!

Pinaningkitan niya ng mga mata ang lalaki na ngayon ay kakakitaan na ng malisyosong tingin.

"You want to go in heaven,babe?" pananakay niya sa sinabi nito.

Lalo napangisi ang lalaki. "Why not,babe!"

Nginisihan niya ang lalaki mabilis na lumapit sa kanya ang lalaki pero bago pa man siya nitong hawakan nagpalit sa anyong lobo ang prinsesa.

Isang kulay Kahel na lobo.

Binasag ng malakas na sigaw at putok ng baril ang katahimikan ng gabi sa gubat na iyun.

He's not worth to live!

Sana matanggap siya ng lalaking itinakda sa kanya sa kabila ng ginawa niyang ito.

He's disrespect you,Mahal na prinsesa! Marapat lang siya mamatay!

Sana nga matanggap siya ni Aldrin.

Her mate.

Humihingal na tumigil ang prinsesa sa harapan ng talon.

Isang malaking kasalanan ang ginawa niya. Pinatay niya ang isang mahinang tao na yun na walang kalaban-laban.

Sana sinaktan na lang niya pero...hindi na dapat binubuhay pa ang isang sakim at salot na tulad ng lalaking iyun.

Naikuyom niya ng mariin ang mga palad na may bahid ng dugo.

Inangat niya iyun at pinagmasdan.

Dugo mula sa isang mahinang nilalang.

Naabuso ba niya ang pagiging lobo niya kaya niya napatay ang taong iyun?!

"Mahal na prinsesa,"untag sa kanya ng pamilyar na boses na iyun.

Lumuhod ito sa harapan niya at may masuyong ngiti sa mga labi nito. Hinaplos nito ang ibabaw ng ulo niya.

"Huwag kayong mag-alala. Walang perpekto nilalang sa mundo kahit ang isang tulad niyo,mahal na prinsesa,"masuyo nitong saad.

Pagod na idinantay niya ang ulo sa balikat ng dating panginoon.

"I'm tired.."anas niya sabay pikit ng mga mata niya.

TPOOWD Series 6 : FRENELYN E. FETZEIR byCallmeAngge(COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя