Chapter 85

1.8K 62 1
                                    

Azen's Point of View

Masayang nilalaro ni Macey ngayon si Caleb sa garden namin. Walang paglagyan ang kaligayahan niya dahil muli niyang nakakasama si Caleb. Napangiti ako dahil ang sarap nilang tignang mag-ina. Nandito ako sa salas ngayon at nakasilip ako sa bintana.

Hanggang sa may makita akong 'di katandaang babae na umaaligid at patingin-tingin kina Caleb at Macey kaya napakunot-noo ako. Maya-maya pa tinawagan ako ng body guard ko kaya agad ko itong sinagot. "Is this about the lady in the yard? Don't worry nakikita ko kayo. I will be there in one minute." Sagot ko sabay hang-up ko sa call at naglakad na ako papalabas.






Macey's Point of View

Nagtataka akong nakatitig ngayon kay Azen nang seryoso siyang lumabas ng pinto at naglalakad patungo ng gate. Hindi man lang niya kami tinitignang dalawa ni Caleb kaya nakakapagtaka 'yon para sa akin. Ngunit nang makita kong may babae sa gate at 'yon ang lalapitan niya, nagulat ako. "Anong ginagawa rito ng Mommy ni King?" Sambit ko.





Azen's Point of View

"What are you doing here?" Tanong ko sa Ina ni King nang makilala ko siya at
makalapit ako sa kanya. Nasa likuran ko lang ang mga Tres killers at Guardians ko.

"That lady!" Tinapunan niya ng tingin si Macey kaya nagsalubong ang mga kilay ko ng bahagya. "She is the reason why my husband is dead. I will make suffer her life!" Mabilis siyang bumunot ng baril at ikinasa niya 'yon. Agad niya 'yong itinutok sa kinatatayuan nina Macey at Caleb kaya kinabahan kaming lahat.

Nanlaki ang mga mata ko dahil anumang oras ay tatama 'yon sa mag-ina ko. Mabilis kong sinamsam ang baril niyang hawak. Inikot ko ang mga kamay niya at pinaga ko dahilan ng pagkakabitaw niya rito at kasabay non, siya ang tinadtaran ko ng putok ng bala dahilan para bumulagta siya sa daan.

"Azen!" Sigaw naman ni Macey kaya napatingin kami sa dereksyon niya. Gulat na gulat siyang nakatitig sa duguang Ina ni King. Halos yakapin niya ng husto si Caleb at binigay niya 'yon sa katulong namin. Nilapitan niya kami.  "A-Anong ginawa mo? Baka magalit nito ng husto si King..." Maluha-luha niyang sabi. Halos 'di siya makapaniwala sa nagawa ko.

"Baby, kung hindi ko ginawa 'yon kayo naman ni Caleb ang mapapahamak." Pagpapaliwanag ko.

"Pero Azen, malaking kapahamakan 'to. Senador siya. Paano kung makulong ka?" Nagkatitigan kaming dalawa at muli kong nailipat ang tingin sa senadora. Kunot-noo akong napatingin sa kawalan.





***

King's Point of View

"What did you say?" Napatayo ako sa kinauupuan ko habang hawak ko ng maigi ang cellphone ko.

["Sir, your mom is critical here in the hospital. Please come here imediately."] Sabi ng nurse sa kabilang linya nang pinutol ko naman ang call. Nagtataka kasi ako dahil sa pagkakaalam ko lumuwas ng ibang bansa si Mommy kaya paano siyang naging kritikal sa isang hospital dito
sa Pilipinas ngayon?

"Pinaglololoko ba ako non?" Nasambit ko nalang sa sarili ko pero minabuti ko pa ring pumunta para makasigurado ako. Mabilis kong narating ang private hospital nang magtaka ako kung bakit may mga media sa ibaba nito na tila ba parang may inaabangan sila. Mabilis akong bumaba ng kotse.

"Si Sir King!" Bigla akong pinalibutan ng mga reporters kung kaya't nagtataka ako. "Sir, your Mom is in the critical condition right now. Paano n'yo po nakakayanan ang mga ganitong problema sa pamilya ninyo?"

"Sir, totoo bang na depressed si Senador Sebastian kung kaya't nagbaril siya sa sarili niya?"

"Sir, sa tingin ninyo, bakit nandon sa tapat ng Kang Residence ang Mommy n'yo nung nagbaril siya sa sarili niya?"

Sinusundan ako ng mga reporters habang papasok na naglalakad sa loob. Hindi ko sila sinasagot pero napahinto ako sa huling narinig ko. "Anong sinabi mo? Sa Kang Residence?" Nilingon ko ang reporter na nagsabi non.

"Sir, wala ho ba kayong alam sa pangyayari?" Tanong pa ng isa pang reporter pero hinawi ko sila at mabilis kong hinanap ang hospital room kung saan nandon daw si Mommy.

"Sir, nasa ICU po sa ngayon si Senador Sebastian." Hayag ng nurse sa akin na nasa information kaya mas kinabahan ako.

"Anong nangyari sa kanya? Sabihin mo sa akin!" Napataas na ang tono ko.

"Sir, pumunta na lamang ho kayo sa ICU. Nandon po ang doctor ng Mommy ninyo."

Mabilis akong umakyat sa sinasabing ICU. Kinakabahan akong nag-iisip habang nagmamadaling umakyat. Si Mommy na lang ang natitira sa akin kung kaya't hindi ko kakayanin kung pati siya ay mawawala sa akin. "Mom! Mom!" Sigaw ko. Nasa bandang kanan ng third floor ang ICU.

"Sir, this way po." Sabi nung nurse na sumalubong sa akin. "Kailangan n'yo po munang magsuot ng hospital gown at mask." Mabilis kong kinuha at sinuot ang binigay nila sa akin saka ako nagmadaling pumasok sa loob ng ICU.

Pero bigla nalang akong naluha nang makita ko ang kalagayan ng Mommy ko. "Mom? Mom? What happened? Mom, wake up!" Hinawakan ko ang kamay niya. Kritikal ang lagay niya.

"Doc, ano pong nangyari sa kanya? Hindi siya dapat nandito. Nasa america dapat siya!" Di ko mapigilang 'di sumigaw.

"Sir, I'm sorry pero hindi rin namin alam kung anong totoong nangyari. Pero nandito rin ang mga nagdala sa kanya rito sa hospital, sila nalang po ang kausapin ninyo." Naguguluhan akong tumingin sa doctor na nasa harapan ko.

Maya-maya pa hinawi niya ang kurtina na nasa tapat lang namin. Pero labis akong napakunot-noo nang makita kong nasa loob nito ay sina Macey at Azen. "What the f*ck are you two doing here?" Mabilis kong kwenelyuhan si Azen habang nagkatinginan naman silang dalawa ni Macey.

"King, I'm so sorry." Ani Macey.

Nailipat ko ang mga nanlilisik kong mga tingin sa kanya. "For what was that sorry ha? May kinalaman ba kayo sa sitwasyon ng Mommy ko ngayon?" Hahawakan ko sana siya sa braso pero inunahan ako ni Azen. Hinawi niya si Macey papunta sa likuran niya.

"Don't you dare na hawakan siya. Kung ano man ang nangyari sa Mommy mo kasalanan niya 'yon. 'Wag mo kaming sisihin!"

Susuntukin ko sana siya dahil sa maangas niyang pananalita pero mabilis niya 'yong nailagan. "Makipaglaban ka ng naaayon sa lugar hindi 'yong dito ka mag-i-scandalo." Aniya. Muli ko ulit sana siyang susuntukin pero muli niya 'yong nailagan matapos ay hinawi niya ako kaya napasubsob ako sa sahig.

"Like what I said, Mommy mo ang may kasalanan kung bakit kritikal siya ngayon. Gusto niyang barilin ang mag-ina ko. Do you think hahayaan kong mangyari 'yon?" Wala akong nagawa kundi ang titigan na lang siya ng masama dahil wala akong laban sa kanya. "Baby, let's get out of here." Hinila niya si Macey papalabas.

Habang naiwanan naman akong galit na galit dito. Gustong gusto ko na siyang patayin dahil alam kong may kinalaman siya sa pangyayari kay Mommy. "Humanda ka, we're not done yet." Bulong ko sa hangin habang naitikom ko ang kamao ko.






(Book 4) of Campus Prince meets Gangster PrincessWritten by MsjovjovdPanda2018 All Rights Reserved3rd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 4) of Campus Prince meets Gangster Princess
Written by MsjovjovdPanda
2018 All Rights Reserved
3rd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

Strong Parental Guidance

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon