Chapter 73

2.5K 81 20
                                    

Ipinunta ako ni Azen sa sementeryo kung saan nakahimlay ang labi ni Dorothy. Napakaganda ng libingan niya at may sarili pa itong bahay. Malinis at punong-puno ng bulaklak. Mukhang sariwa pa kaya pakiwari ko palagi niya itong dinadalaw.

Hindi ko maialis ang pagkakatitig ko sa napakaganda niyang litrato na nakadikit sa mismong puntod niya. Para akong nananalamin dahil nakikita ko ang sarili ko sa kanya. May pagkakatulad nga kaming dalawa. Kaya pala nagustuhan ako noon ni Azen.

"Ngayon lubos ko nang naiintindhan kung bakit ginamit mo ako noon." Napalingon siya sa akin nang mag-umpisa na akong magsalita. "Oo ako nga ang totoong ina ni Caleb, anak nga natin siyang dalawa, pero malinaw na sa akin ngayon na nakikita mo lang talaga ako noon kay Dorothy sa tuwing binubuo natin noon si Caleb, hindi ba?"

Nagsimula na akong mapaluha. Mas naging tahimik ngayon ang kapaligiran.

"Ngayon tanggap ko nang niloko mo lang talaga ako noon at ginamit, Azen. Si Dorothy talaga ang totoo mong minahal dati at hindi ako." Ngumiti ako ng bahagya sa kanya nang titigan ko siya habang umiiyak. Tahimik lang siya pero alam kong alam niyang totoo lahat ng mga sinasabi ko ngayon. Hindi niya magawang mangatwiran.

"Ngayong nakuha mo na si Caleb sa akin, wala na sigurong saysay pa kung magsasama tayo. Ayokong manatili sa inyo kasama ka dahil alam naman natin kung sino talaga ang totoo mong mahal. Handa akong ipaubaya sa 'yo si Caleb tutal, mas mabibigyan mo siya ng magandang kinabukasan kaysa sa akin." Patuloy na tumutulo ang mga luha ko.


"Basta aalagaan mo si Caleb ha? Mahal na mahal ko ang anak nating dalawa." Mas bumuhos ang mga luha ko at hindi ko alam kung paano ko ikakalma ang sarili ko. Siguro sa gagawin kong desisyon na 'to, ito ang tama. Tahimik pa rin siya habang 'di matinag ang pagkakatitig sa litrato ni Dorothy.

"Um, sige," Napahinga ako ng malalim habang nagpupunas ng luha. "Huling hiling ko lang sana sa 'yo na, kapag lumalaki na si Caleb at nagtatanong siya tungkol sa akin, si Dorothy ang ipakilala mong nagluwal sa kanya at hindi ako, katulad nang gusto mong mangyari noon. Ipunta mo siya rito."

Tumalikod na ako pero muli akong huminto. Nakita ko siyang nakatitig pa rin sa larawan ni Dorothy at hindi pa rin siya kumikibo. "Pinapatawad na nga pala kita sa ginawa mo sa akin noon kapalit ng paglutas mo sa kaso ng mga magulang ko. Maraming-maraming salamat dahil alam kong masaya na sina Papa at Mama ngayon dahil nakamit na nila ang katarungan na nararapat para sa kanila. Handa akong kalimutan ang lahat Azen dahil don. Paalam." Nagbigay galang ako sa kanya matapos kong sabihin 'yon.

Ilang saglit pa naglakad na nga ako palayo at tuluyan ko na siyang iniwan. Mas buhos ang mga luha ko pero sa tingin ko kailangan ko talaga 'tong gawin. Nakapagdesisyon na ako. Totoo namang mas mabibigyan niya ng magandang buhay ang anak namin kaysa sa akin kaya handa akong magpaubaya kahit masakit na malayo ako sa sarili kong anak.






Yu's Point of View

Natagpuan namin si Boss Azen sa isang pampribadong Bar kung saan una niya noong nakilala si Miss Ji. Mag-isa lang siya ngayon at halatang hango sa alak na pinagtataka naming Tres Killers. Lalo na nang makita naming parang kagagaling niya lang sa pag-iyak.

Mabuti nalang din at walang masamang nangyari sa kanya rito. "Boss? Nasaan si Miss Ji?" Tanong ko pero tumawa lang siya. Nagkatinginan tuloy kaming tatlo. Para kasing wala siya sa sarili niya kaya minabuti nalang namin siyang iuwi.

"Anong nangyari sa Young Master ninyo?" Pag-aalalang tanong ni Master Shimi, ang Mommy niya. "Nasaan si Macey?" Dugsong pa niya.

Nang bigla kaming hawiin ni Boss Azen. Nakaalalay kasi kami sa kanya, "Macey left me. She already left me." Biglang bunyag ni Boss kung kaya't nagkatinginan kaming lahat sa isa't-isa.

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Where stories live. Discover now