Chapter 23

3.4K 128 5
                                    

"Idadamay ko ang kaibigan mo? Tss, saan naman Malou?" Simpleng niyang sagot. Nakasuksok ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon niya.

"Azen Kang, you know what I mean." Seryo ko namang tugon. Hindi niya ako sinagot kundi nakatitig lang siya sa akin. "Alam kong may kinalaman ka sa pagkamatay ng Tito ko. Nabibilang siya sa Gang ninyo kaya pakiusap lang kung gagamitin mo si Macey laban sa akin nakikiusap ako wala siyang kaalam-alam dito. Inosente siya. 'Wag mong idamay ang ibang tao. Pinatay mo na nga ang Tito ko 'di ba?"

Nang bigla niya akong tinawanan. "Nagpapatawa ka ba? Sa tingin ko tama ang sinabi ng kaibigan mo. 'Wag ka namang manghusga, lalo na sa labas na pang-anyo ng pagkatao ko, Malou."

"Azen, I knew you." Tumigil na siya sa pagtawa. Tinitigan niya na ako ngayon ng nakangisi. "Hindi ka lang sikat dahil sa yaman na mayroon ang pamilya mo, kundi mas higit pa kitang kilala kaysa doon. The soon C.E.O of the Kang Group at kilala ka rin bilang Young Devil Boss ng F.O.L. Ikaw ang may pinakamalaking teretoryo sa buong mundo at sinasakupang grupo. Kilala ka bilang mapanlinlang na tao. Mahilig kang makipagdeal at para sa 'yo lahat ng bagay dito sa mundo ay marapat lang na may kapalit kapag may naitulong ka sa kanila. At higit sa lahat isa kang killer. Wala kang awang pumaslang ng mga tao!"

Bigla siyang pumalakpak habang nakatingin lang ako sa kanya ng masama. "Your so smart. Pinahanga mo ako ron." Aniya. Nakangiti siya habang napalunok naman ako. Hindi ko kasi inaasahang masasabi ko lahat nang 'yon sa harapan niya. "Well, since kilalang-kilala mo na ako hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Malou."

Hindi ko mahulaan kung ano ang ibig niyang sabihin don. Pero dapat na siguro akong kabahan ngayon lalo pa doon sa ginawang kasalanan ng Tito ko sa grupo niya. Sigurado akong iisa-isahin niyang patayin ang buong angkan namin at mukhang idadamay pa niya ang kaibigan ko kahit wala namang alam si Macey sa mga nangyari.

"I like your Best friend."

Nanlaki ang mga mata ko. "A-Anong sinabi mo?" Pagtataka ko. 'Yon lang ba ang gusto niyang sabihin? Hindi man lang niya ako pagbabantaan? Pero anong sinabi niya? Gusto niya si Macey?

"Gusto mong ulitin ko?" Nagcross arms siya habang tulala pa rin akong nakatingin sa kanya. "I like Macey." Pero bigla akong napanganga matapos niya 'yong sabihin. Bakit naman sa dinami-dami ng babae bakit ang best friend ko pa ang natipuhan niya?

"Niloloko mo ba ako? Isang simpleng babae lang ang best friend ko. Walang ibang alam 'yon dito sa mundo kundi gusto niya lang makapagtapos ng pag-aaral para makatulong siya sa mga kuya niya. Inosente 'yon sa lahat ng bagay kaya nakikiusap ako sa 'yo kung gagawin mo lang siyang laruan maawa ka naman kung mayroon ka non."

"Ang sakit mo naman magsalita?"

"Bakit? Nasasaktan ka ba? Sa pagkakakilala ko sa 'yo hindi ka nadadapuan non. Ngayon alam ko na kung bakit bigla nalang nagpaalam dito sa mundo si Shaxa. Alam kong walang ibang makakagawa non kundi ikaw lang. Pinatay mo ba siya? Anong ginawa niya sa 'yo para gawin mo sa kanya 'yon?"

Nagkibit balikat lang siya sa hinaba-haba ng mga sinabi ko.

"'Wag mo nang itanggi. Sino ba ang isusunod mo sa amin dito sa Asia? Ako ba? Tapos idadamay mo pa si Macey?" Natawa siya ng mahina. Mukhang natutuwa pa siya sa mga sinasabi ko sa kanya. Napakunot-noo nalang ako.

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Where stories live. Discover now