Chapter 91

500 25 0
                                    

Pero hindi na ako nakapagpigil pa sa pagmamayabang niyang 'yon. Nang lapitan ko siya agad ko siyang binigyan ng isang malakas na suntok dahilan ng pagkakabagsak niya sa semento na ikinagulat ng lahat. Sinundan ko pa 'yon ng pagkakasakal sa kanya. "Sa tingin mo ba talaga bulag ako sa lahat ng mga pinaggagagawa mo ha?" Mapanlinlang ko siyang nginitian.


Nilapitan ako ngayon ng dalawa kong bodyguards na palihim kong inutusan noon para sundan siya at alamin ang lahat ng mga pinaplano niya laban sa akin. Sumenyas ako sa mga ito na ipakita nila ang nilalaman ng brown envelope nilang hawak.

Agad nanlaki ang mga mata ni King. Nakikita niya ngayon sa mga litrato ang mga nakabulagta niyang mga inutusang tao. "Ayan lang naman ang sinapit ng pinagmamalaki mong mga utusan para siraan ako sa publiko." Halos 'di siya makapagsalita ngayon.

"They're both in comatose. Paano na ngayon 'yong plano mong siraan ako sa lahat? Isang napakalaki nong kapalpakan King." Ilang beses siyang napalunok sa sinabi ko. Hindi yata siya makapaniwala na nabulilyaso ko ang masama niyang binabalak laban sa akin. 


"Hindi na rin magsasalita ang mga 'yan dahil ako na mismo ang kumausap sa kanila. Sana bago mo plinano 'to naisip mong mas matalino akong gumawa ng plano kaysa sa 'yo. E 'di, sana hindi ka napapahiya sa mga tauhan mo." Binitiwan ko na siya at tumabi ako sa mga inutusan kong bodyguards ko. "Pero alam mo bang may kagimbal-gimbal pa akong ipaaalam sa 'yo na siguradong ikakapanalo ko sa pustahan nating 'to?"

"Anong pinagsasabi mo?" Siya naman ngayon ang nagpipigil ng galit habang nakatingin sa akin.

"Here you go." Kinuha ko ang iba pang litrato na nasa loob ng brown envelope at ipinakita ko 'yon sa kanya. Ngayon ay nakangiti ko siyang pinagmamasdan habang mas lumaki naman ang mga mata niya. Ang nasa litrato ngayon na nakikita niya ay ang kanyang ina na kasama ang step-father niyang si Death Snake na kahalubilo ang ilan pang drug sindicate habang nag-uusap-usap sila sa isang exclusive building.

"Wala kang kaalam-alam 'di ba na sangkot din ang Mommy mo sa bentahan ng drugs doon sa Taiwan patungo rito sa Pilipinas kasama ang napakawalang kuwenta mong ama-amahan na si Sebastian Santiago na nagtatago sa pangalang Death Snake? Pinaglihiman ka nila King." Mapang-asar kong sabi.

"H-Hindi totoo 'yan." Mabilis niyang sagot. Naluluha na siya ngayon.

"Tch, isang tuso ka rin pala talaga kung ganon." Itinapon ko 'yon sa harapan niya kaya gulat siya roong nakatingin ngayon. "Sige, titigan mong mabuti 'yang mga 'yan. Kung binabalak mo akong siraan sa publiko, kayang-kaya ko ring siraan ang Mommy mo at pababagsakin ko ang lahat ng ari-arian na mayroon kayo. Now, tell me kung sino ang mabubulok sa atin sa bilangguan once na kumalat ang baho ng pinakamamahal mong ina?" Halos 'di siya makapagsalita.

"Idagdag mo pa na papatayin kita ngayon. Hindi ba't masaya 'yon?" Seryoso ko siyang tinitigan. 


Nang makita kong namilog ang kamao niya alam kong susugurin niya ako. Ilang segundo pa nga pinaulanan niya akong ng mga pag-atake nang mabilis siyang nananakbo papalapit sa akin. At dahil maliksi ang mga mata ko at nababasa ko ang bawat kilos niya, hindi niya ako mapatamaan kahit isa. "Ayan lang ba talaga ang kaya mong gawin? Hindi mo ako mapapatay niyan. " Pang-aasar ko.


"Mapapatay kita!" Galit na galit niyang sabi.

"Then do it." Patuloy siyang sumusugod sa akin pero talagang hindi niya ako mapatamaan.

Hanggang sa napagpasyahan kong ako na mismo ang tumapos sa kayabangan niyang 'yon. Nang mahawakan ko ang braso niya mabilis ko iyong pinalipit dahilan para magawa ko siyang maiangat at maibalibag ko siya ng malakas sa semento dahilan ng pamimilipit niya ngayon. Hindi pa ako nakontento binunot ko ang kutsilyong nasa bulsa ng polo ni Crop at binabalak kong putulin ang mga daliri niya sa paa tutal nandaya rin naman siya kanina.

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora