Chapter 68

2.4K 81 0
                                    

Macey's Point of View

Unti-unti akong nagigising nang marinig ko ang iyak ng anak ko. Inaaninagan ko pa ang kapaligiran dahil hindi ito pamilyar sa akin. Nanghihina pa ako. Pero kusa nalang akong napabangon nang bigla kong makita rito si Azen na karga si Caleb.

"P-Please, ibigay mo ang anak ko." Nagmakaawa agad ako sa harapan niya. Siya ang may kagagawan nito.

"Anak mo lang?" Sarkastiko niyang sabi. Imbes na ibigay niya sa akin, pinahawak niya 'yon sa isa sa mga Tres killers niya.

Kukuhain ko sana nang sapilitan si Caleb sa kanya pero bigla lang naman niya akong hinawakan ng mahigpit at tinulak niya ako pahiga sa kama. Agad siyang umibabaw sa akin at sapilitan niya akong pinaghahahalikan.

"Azen! Azen, please bitawan mo ako! 'Wag mong gawin sa akin 'to!" Pagpupumiglas ko nang bigla niya akong tigilan kasabay ng pagkakangisi niya.

"So, do you remember me now, huh?"

Binigyan ko siya ng isang malakas na sampal nang makabwelo ako. "Oo kilala kita! Kilalang-kilala." Mariin kong sabi.

Muli niya akong nginisian. "I knew it, you're lying."

"Napakasama mo Azen!" Bulyaw ko.

"How do you say that, baby?"

Tinitigan ko siya ng masama, "Alam ko na ang totoong pagkatao mo Azen. Isa kang killer!"

Imbes na magalit siya dahil sinigawan ko siya, nginitian pa niya ako na para bang wala siyang narinig. Parang balewala lang sa kanya ang lahat ng mga sinabi ko. "Hindi ko inaasahang aakusahan mo ako ng ganyan." May pagngiti niyang sabi.

"Puwes, ngayon, uulit-ulitin ko sa 'yo."

Tumango-tango siya. "Alam mo, hindi ko alam kung bakit ganon nalang katindi ang galit mo sa akin."

"Talaga? Hindi mo alam?" Tinitigan ko siya ng masama. "Para sabihin ko sa 'yo ginamit mo lang naman ako." Napakunot-noo ako. "Nung mga panahong may nangyayari sa ating dalawa, may girlfriend ka rin palang iba nang hindi ko nalalaman. For your information nabuntis mo ako at oo nilihim ko 'yon sa 'yo pero ano 'yong nalalaman kong may kahati ako bilang ina kay Caleb?! Ako ang nagluwal sa kanya kaya ako lang ang tunay niyang ina! Ako lang ang may karapatan sa kanya!"

Nguguluhan siyang tumingin sa akin. "How do you know all of this?"

"Wala ka ng pakialam!" Mabilis kong bulyaw. "Manloloko ka, Azen! Kukuhain ko na ang anak ko dahil ayokong malaman niya na isang killer ang ama niya!" Nagtangka akong kuhain si Caleb pero hinarangan niya ako.

"May karapatan din ako sa kanya dahil ako ang ama niya!" Pagmamatigas niya.

"No, Azen! Tinatanggalan kita ng karapatan sa kanya!"

"Sige, gawin mo, pero sa bahay kayo titira ni Caleb. Hindi mo siya puwedeng ilayo sa akin."

"I'm not stupid to make a deal with you!"

"No. You need to."

"Napakasama mo talaga! Hinding-hindi ako makakapayag sa gusto mo!"

"You can say all you want anything pero makikipagdeal ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo."

"Hindi nga sabi!"

"Then you can't get the child."

"Azen! Please, 'wag mong gawin 'to!" Kinuha niya si Caleb kay Yu na sa kasalukuyang umiiyak na ngayon. Sumusunod naman ako sa kanila nang mag-umpisa na silang maglakad papalayo. "Azen, please, nakikiusap ako, anak ko siya."

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon