Chapter 36

3.3K 100 2
                                    

Thank you sa ranking guys 💕

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Thank you sa ranking guys 💕

----------------------------------------------------------

Napabuntong hininga ako nang maalala ko si Azen nung yakap niya ako kanina at kung paano niya ako binigyan ng comfort. Nakahiga na ako ngayon sa kama ko, sa bahay mismo namin ng mga Kuya ko pagkatapos niya akong ihatid dito.

Nang biglang magvibrate ang cellphone ko na binigay niya sa akin kanina. Sa pamamagitan daw nito ay malalaman niya kung nasaan ako palagi. Nilagyan niya ito ng gp's kaya madali niya akong mahahanap kapag nasa panganib ako.

Kinuha ko 'yon pero hindi ko siya sinagot. Napatitig lang ako nang makarecieved ako ng text message galing sa kanya. (From : Baby "Why you didn't pick up the phone? Are you now sleeping? Okay, see you tommorow. Good night.")

Muli akong napabuga ng hininga. Muli ko kasing naalala nang sabihin niya sa aking mahalin ko siya pero hindi pa ako ganong nakakasigurado sa nararamdaman ko para sa kanya.

Halo-halo ang emosyon ko ngayon. Lalo pa nang maalala ko ang 'di ko inaasahang pakikipagtalik sa kanya ng ganong kaaga. Hinimas ko tuloy ang tiyan ko. Oo nga't nalaman kong kay Azen ko unang naibigay ang pagkababae ko at nawala ang focus ko sa lalaking inaakala kong nakaone night stand ko pero ganon pa rin naman ang sitwasyon, may nangyari pa rin sa akin.

Mukhang mas mabigat pa nga 'to kasi kilala si Azen sa lipunan. Bakit si Azen pa? May kakayahan ang pamilya niya at magiging soon C.E.O siya ng Kang Group. Paano na 'yon? Matatanggap ba ako ng mga tao? Nang pamilya niya? Lubos akong nagpapaisip tungkol don.

"Maybe your different."

Naalala kong sinagot niya sa akin nang tanungin ko siya kung bakit ako ang nagustuhan niya. Pero ano nga bang kakaiba sa akin? Hindi ko talaga sukat akalaing magkakagusto siya sa isang katulad ko.

Kinabukasan...

Papasok pa lamang ako ng gate nang ipaling ko ang mukha ko. Ayoko na munang isipin 'yong nakakabigat sa loob ko. Hindi ako gaanong nakatulog kagabi dahil sa kakaisip pero kinakailangan kong maging focus sa pag-aaral ko. Kailangan kong makagraduate para matupad 'yong gusto ng mga kuya ko para sa akin. At para na rin makabawi sa kanila at maging inspirasyon ang mga namayapang mga magulang namin.

"Fighting Macey." Sabi ko sa sarili.

"Beshi!" Nang bigla naman akong mapahinto sa paglalakad nang dumating si Malou. Sinakbit niya ang mga kamay niya sa braso ko. "Saan ka nanggaling nung saturday huh? Nag-alala ko ng husto sa 'yo ah? Saan ka ba nagpunta?" Kita ko ang pag-aalala ng kaibigan ko sa akin pero nilihis ko ang tingin sa kanya. Ano ang sasabihin ko may kumidnap sa akin pagkatapos non may nangyari sa aming dalawa ni Azen? Hindi puwede.

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon