Chapter 74

2.4K 69 2
                                    

"Maraming salamat sa tulong mo." Nagbigay galang ako sa lalaking tumulong sa akin kanina. Nandito pa rin kami sa labas ng Bar. "Pero pasensiya ka na dahil hindi ko kayang maibalik sa ngayon 'yong ibinigay mong pera sa Manager ng Bar." Aniko.

Pinagmamasdan niya akong mabuti ngayon kaya napayuko ako. "Money is not important to me. Your reputation is important." Matapos niya 'yong sabihin  bigla ko nalang naalala si Azen nang minsan niya rin noon iyong sinabi sa akin.

Napalihis ako ng tingin sa kanya, "Maraming salamat. Aalis na po ako." Sabay yuko ko sa kanya.

"How about having a dinner with me para maging kabayaran lang nang naitulong ko sa 'yo papayag ka ba?" Muli ko siyang nilingon pero nag-aalinlangan ako dahil baka katulad lang din siya ng ibang mga lalaki na nakilala ko. Matapos akong pakitaan ng kagandahang loob gagamitin lang din pala ako.

"Um, don't worry hindi ako masamang tao kagaya ng iniisip mo. Kung gusto mo tumawag ka pa ng pulis at magpasama ka sa kanila habang kumakain tayo sa labas. Ayos ba 'yon sa 'yo?" Napapaisip pa rin ako sa sinasabi niya. "By the way, hindi pa nga pala ako nagpapakilala sa 'yo. I'm King Sebastian, son of the Senador Sebastian."

Napatitig ako sa kanya matapos niyang magpakilala. Kaya pala ganon na lang siya kung magtapon ng pera. Anak siya ng isang senador. Sigurado akong may kaya siya sa buhay. "Well, if you feel threatened to me, I won't let the name of my mother compromise dahil lang sa kalokohan ko 'di ba?" May point siya kaya tumango ako.

Inalalayan niya akong pumasok sa loob ng kotse pero nasa pintuan pa lang ako nandilim na ang paningin ko. Dahil din siguro sa sobrang puyat at pagod ko pero binalewala ko 'yon. "Hey, are you okay?" Tanong sa akin ni King at tumango naman ako. Magkatabi kaming dalawa pero maya-maya lang tuluyan nang nandilim ang paningin ko.

***

Isang napakagandang kuwarto ang bumungad sa akin nang magising ako. Malambot at napakalaking kama ang kinalalagyan ko ngayon. Napakalaki ng kuwarto at mukhang mayaman ang nakatira rito. Pero naalala kong si King Sebastian nga pala ang huli kong nakasama kagabi.

"Hey, your awake." May pagngiti niyang sabi nang mapatingin ako sa kanya na kakapasok lang dito sa loob ng kuwarto. Nilapitan niya ako at may mga kasama siyang mga katulong at may mga pagkain at damit silang dala. "Iwanan n'yo muna kami." Utos niya sa mga katulong dahilan para kaming dalawa na lang ang matira rito.






King's Point of View

Pagkaalis ng mga katulong namin nginitian ko si Macey nang mapatitig ako sa kanya. Sadyang napakaganda niya talaga sa paningin ko. "It's better kung kumain ka na muna. I'll prepare breakfast for you." Pinaghandaan ko siya ng makakain sa kama niya kaya napapatitig siya sa akin pero hindi ko 'yon pinansin. "Humigop ka na muna ng mainit na kape para mahimasmasan ka." Ani ko habang nakangiti.

Tumikhim siya ng mainit na kape. "King, gusto ko sanang magpasalamat sa kabaitan mo sa akin. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa 'yo."

Napangiti ako lalo dahil sa sinabi niya. "No. Don't mind about that. Magpagaling ka muna." Tumango siya atsaka niya ako nginitian ng bahagya. "By the way, who's Azen and Caleb?" Tanong ko. Nagtataka naman niya akong tinignan. "Kaano-ano mo sila? Ilang beses mo kasi silang binabanggit while your sleeping." Dugsong ko pa. Napalihis siya ng tingin sa akin.

"Um, 'wag mo nalang sigurong isipin 'yong tinanong ko. Go on, kumain ka na." Iniba ko nalang ang usapan dahil mukhang may mapait siyang karanasan sa mga taong 'yon kaya hinayaan ko nalang. "Pero may balak ka naman sigurong magpakilala sa akin 'di ba?" Tanong ko pa.

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Where stories live. Discover now