Chapter 57

3.5K 133 44
                                    

Victoria's Point of View

Pabalik-balik akong naglalakad sa salas. Hindi ako mapakali samantala itong pinsan kong si Penelope iritable na akong tinignan habang nakaupo sa sofa. "Puwede ba tumigil ka na nga riyan sa pabalik-balik mo? Nakakahilo ka na!" Hinila niya ako paupo sa sofa. Nandito kami sa loob ng condo niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano ba! Bitiwan mo nga ako? Alam mo kasalanan mo 'to e! Kung hindi ka ba naman kasi nagpahuli riyan sa mga tauhan ni Azen, e 'di, sana wala akong pinoproblema!" Inis kong sabi.

Napangisi siya sa sinabi ko. "Abah, Abah, Victoria, ikaw na nga 'tong tinulungan ko sisisihin mo pa ako? Ang sabihin mo palpak ka talagang gumawa ng mga plano. Pasalamat ka pa nga tinulungan kita. Ang hirap kayang magpanggap na ikaw." Inirap-irapan niya ako. "Isa pa, ang hirap kayang lumabas sa BAR na 'yon dahil nagkalat ang mga tauhan ni Azen don, tch!"

"E, ano nang gagawin natin ngayon?" Nang lalambot akong sumandal sa sofa. Sa ngayon kasi hindi pa ako ganoong mapaghihinalaan dahil sa mga alibi ko sa cctv. Pero paano kung makahanap nga talaga ng butas si Azen at malaman niyang ako talaga ang may pakana ng nangyari kay Macey? Mananagot talaga ako at idinawit ko pa talaga si Penelope rito.

"Go back to America. Magtago ka nalang muna ulit para hindi ka mapag-initan ni Azen." Duretsuhan niyang sabi na kinagulat ko.

"Gaga ka ba? Kaya nga ako bumalik dito sa Pilipinas para akitin si Azen para maging asawa ko na siya tapos pababalikin mo lang ulit ako roon?"

"Wow ha? As if namang maaakit sa 'yo si Azen? Ako nga, ni kuko ko noon ni hindi non nagustuhan e ikaw pa kaya e mas maganda ako sa 'yo?"

Kaagad ko siyang tinulak dahil sa pagmamayabang niya dahilan para malaglag siya sa sofa. "'Wag ka ngang sinungaling diyan! Flat chested ka kaya paano kang naging maganda non? Walang maganda sa 'yo. Hindi ka rin sexy. Leche, mabuti nalang din talaga at wala kang dibdib. Alam mo kung bakit? Dahil kung nagkataon hindi ko mapapalusutan 'yong pagkakakuha sa 'yo ron sa cctv, tch!"

"Ay, ang sama mo rin 'no? Matapos kitang tulungan lalaitin mo pa talata ako?" Umiirap-irap niyang sabi habang umaayos sa pag-kakaupo niya habang kinukuha niya ang cellphone niya dahil may nagtext sa kanya.





Penelope's Point of View

From: Azen Kang

Can we meet tonight? Seven oclock at Sunshine Hotel. I will wait for you there sweet heart.

Bigla nalang nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong makatanggap ng text mula kay Azen. Kinilig kaagad ako dahil sa nabasa ko tapos tinawag pa niya akong sweet heart, e ayon 'yong pagtawag niya sa akin dati nung mga panahong close pa kaming dalawa.

Di na ako nagdalawang isip na hindi sumang-ayon sa kanya. Baka natauhan lang siya at gusto na niya akong balikan. Di ko tuloy maiwasang 'di mapasigaw. Lalo na't niyayaya pa niya ako sa isang hotel kaya agad lumawak 'yong imagination ko dahil doon kami magkikita. Kailangan kong magpaganda at magpabango ng husto.

"Hoy! Anong nangyari? Bakit parang napapraning ka riyan?" Pagsita naman ni Victoria sa akin. Naisipan kong itago nalang sa kanya ang tungkol dito dahil baka mamaya magselos pa siya.

"Wala naman. May pupuntahan lang akong importante kaya mag-iisa ka na muna ngayon dito." Sabay bitbit ko sa mamahalin kong pouch.

"What? Mag-iisa ako rito? Wait, saan ka ba pupunta bakit 'di mo nalang ako isama?"

"Duh, may sarili akong lakad 'no. Bakit naman kita isasama? Bahala ka na muna riyan. Basta aalis ako 'wag na 'wag kang susunod sa akin." Pagbabanta ko pa at saka tuluyang umalis. Naiwanan siya roong nagmamaktol.


Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon