Chapter 50

3K 94 2
                                    

"I'm Ashily." Nakangiting pagpapakilala ng Ate ni Azen sa akin. Hindi lang siya kumindat kundi nakipagshake hands din siya sa akin at nakipagbeso.

"I don't think I need to introduce myself to her. Of course she knows me." Sabi naman ng Kuya ni Azen na si Professor Ezen.

Nang bigla akong hinigit ni Azen sa baywang ko na siya kong ikinagulat, "Mom, dad, she's my future wife." Muli niyang pagpapakilala sa akin.

Mas nadagdagan tuloy ang kaba sa dibdib ko nang sabihin niya 'yon. At halata naman ang pagtataka ng mga magulang ni Azen sa sinabi niya. Habol-habol ko lang siya ng tingin ngayon dahil umalis sila at palihim siyang kinausap ng mga magulang niya. Hindi yata nila ako nagustuhan kaya napayuko nalang ako.

"Hello, don't worry mabait sina Mom at Dad." Nang biglang may lumapit sa aking isang simpleng babae pero napakaganda niya. Pero sino ba ang tinutukoy niyang sina Mom at Dad daw niya? "Nga pala, I'm Lyka. Sister in law ako ni Azen. Masaya akong makilala ka." Nginitian niya ako at nagulat pa nga ako nang yakapin niya ako.

Nang maisip-isip ko kung sister in-law siya ni Azen, ibig sabihin asawa siya ni Professor Ezen. Isang lalaki at isang babae lang naman kasi ang ipinakilala ni Azen na mga kapatid niya sa akin kanina.

"Um, If you don't mind po asawa po kayo ni Professor Ezen?" Paniniguro ko. Mabilis siyang tumango at muli niya akong nginitian.

Napangiti naman din ako lalo't nakaaganan ko kaagad siya ng loob. Hindi ko inaasahang may asawa na pala si Professor Ezen. Nang lumapit na rin ang Ate ni Azen dito na si Ate Ashily na nakahawak sa braso ng kasama niyang lalaki.

"Macey, meet my husband, Mikaelson Lee." Pagpapakilala niya sa akin kaya kaagad siyang nakipagkamay.

"Nice meeting you, Macey. We glad to meet you here." Aniya.

"Ako rin po. Masaya po akong makita kayong lahat at makilala." Nakangiti kong sabi habang 'di ko maiwasang hindi mailang. Feeling ko kasi hindi ko mareach ang family ni Azen.

Nang biglang may dumating pang isang napakagandang babae suot ng kulay pulang-pula niyang kasuotan. Mahaba ang buhok niya, straight na straight at kulay itim. Mataray ang mga mata niya kung tumitig. Center of attraction siya dahil na rin kasi sa mga bodyguards niyang mga kasama na sobrang dami sa likuran niya.

"The bitch is coming." Biglang sabi ni Ate Ashily kay Ate Lyka kaya nagtataka ko silang pinagmasdang dalawa.

"Don't worry Macey mas pabor kami sa 'yo." Sabi naman ni Ate Lyka sa akin na mas lalo kong ipinagtaka.

"Tita Shimi~ Tito Dazu~" Maarteng pagkakasabi nang babaeng pinagbubulungan nina Ate Ashily at Ate Lyka. Papalapit na ito sa mga magulang ni Azen ngayon. Nakatingin lang kaming lahat sa kanila na 'di kalayuan sa kinatatayuan namin.

 Nakatingin lang kaming lahat sa kanila na 'di kalayuan sa kinatatayuan namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon