Chapter 64

2.5K 82 8
                                    

Buong puwersa akong itinulak ni Azen pahiga sa kama kung saan kami nagcheck-in sa isa sa mga pagmamay-ari niyang Hotel na siyang ikinatakot ko ng husto. Lalo pa nang sapilitan niya akong paghahalikan at sirain niya ang pang-itaas kong suot.

"Azen!" Tinutulak ko siya pero sadyang napakalakas talaga niya. "Azen, please, ano bang nangyayari sa 'yo?!" Hinahampas ko siya pero mukhang wala naman 'yong talab sa kanya. "Azen, please! Tumigil ka na!" Muli kong pagmamakaawa.

"Hindi! Just give me a favor. Bigyan mo lang ako ng anak at titigil na ako!" At muli niya akong pinaghahalikan kasabay ng paggapos sa mga kamay ko kaya naluluha akong nanlalaban.

"Azen, please, 'wag sa ganitong paraan! Bitawan mo ako!"

"I told you no! We're keep doing this until we can have a baby!" Pero nanlaki na lamang ang mga mata ko nang matunton niya ang hiyas ko. Sapilitan niya akong pwenersa dahilan para mapaiyak ako.

"Wag!!!" Buong pwersa kong sigaw.

Hanggang sa matapos ang pangyayari sa aming dalawa nang hindi ko inaasahan. Napaluha na lang ako nang balikan ko ang mga sandaling sapilitan niya akong pinilit makipagtalik sa kanya kanina. Naguguluhan ako ngayon. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya matapos niyang malaman na hindi ako buntis kanina.

"Ihahatid na kita sa inyo." Sabi pa niya habang nagsusuot ng pang-itaas niyang saplot.

Tulala naman akong nakatitig sa kawalan. Nakahiga pa ako hanggang ngayon sa kama habang namimilipit ang mga kamao ko sa hinanakit. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit kinakailangan 'tong gawin ni Azen sa akin. Napwersa ako at sobra akong nasaktan. Nagbabago siya sa tuwing anak niya ang pinag-uusapan. Pinunasan ko ang mga luha ko. May inililihim siya sa akin at nararamdaman ko 'yon.

Pero hindi na mahalaga 'yon sa ngayon. Ang importante, nalaman niyang hindi ako nagdadalang tao. Nagsinungaling ako dahil nalaman ko ang totoo niyang pagkatao kaya mas gugustuhin ko pang ilihim ang tungkol sa pagbubuntis ko.

Bago pa man ako magpa-eksamin sa sinasabi niyang doctor, nagpaeksamin na ako sa iba kaya kanina tinakot ko ang doctor niya na magpapakamatay ako kung sakaling aaminin niya sa harapan ni Azen na nagdadalang tao ako.

"Baby, we should do this everyday. Get me? Excited na akong magkaanak sa 'yo at excited na rin akong maikasal tayo." Paglalambing niya. Muli na namang nagbago ang kilos niya. Niyakap niya ako patalikod habang sa kaloob-looban ko parang sinasaksak niya ako.

Hanggang sa maghiwalay kaming dalawa ng daan. Tulala lang akong naglalakad habang nasa ulanan. Umiiyak. Samu't-sari ang galit sa isipan. Gulong-gulo at gustong tapusin ang mga nangyari sa pagitan naming dalawa.

Nang hindi ko inaasahang makasalubong ko ang best friend kong si Malou rito. "Macey?" Gulat na gulat siya habang nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa nararamdaman kong bibigay na ang katawan ko kaya napapikit na ako.






***

Shimi's Point of View

Nakita namin ang bunso naming anak na si Azen dito sa loob kuwarto niya ngayon. Nasa balcony siya at mag-isang umiinom kahit hating gabi na.

Mukhang wala pa siyang balak matulog at tila ba malalim ang iniisip habang nakatulala kaya hindi na naming natiis na hindi siya lapitan. "Anak," Ani Dazu.

"Mom, Dad," Halatang hango na siya sa alak kaya nagkatinginan kami ng Daddy niya.

"May dapat ka bang sabihin sa amin?" Sabi pa ni Dazu sa kanya.

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon