Chapter 81

2.3K 64 8
                                    

Pinagmamasdan lang ng lahat ngayon si Azen na natutulog sa hospital bed. Matapos ang pangyayari kanina hindi nagustuhan ng pamilya at mga ka-Gang niya ang sinapit niya. Masyado siyang maraming natamong sugat. Halos mabalot siya ngayon ng mga benda sa braso at band aid sa mukha.

Napalalim ng hininga ang Mommy niya kasabay ng pagtingin sa dereksyon ko. Tinabihan niya ako habang nakaupo sa bench. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Hija, we are very thankful for saving our son. Hindi mo lang alam kung gaano mo nailigtas ang buhay ng libo-libong tao sa F.O.L ganon na rin kami. Walang katumbas ang pasasalamat na maibibigay namin sa 'yo." Sabi niya.

Naluluha naman akong tumingin sa kanya. May naglalaro kasi sa isipan ko kanina pa. "May gusto lang po sana akong malaman."

Seryoso silang nagkatinginan ni tito Dazu. "Sige, ano 'yon, Hija?"

Napayuko ako. "Ang sabi po kasi sa akin ng Daddy ni King..." Naihinto ko ang sinasabi ko. Napalunok ako. "Si Azen daw po ang pumatay sa mga magulang ko." Bunyag ko.

Muli silang nagkatinginang mag-asawa matapos ko 'yong itanong. Tumabi si Tito Dazu sa kinauupuan namin. "Hija, I'm sorry kung hindi namin nasabi sa 'yo ang katotohanan pero... nandon din si Azen, at kami, nung mga panahong pinatay ang mga magulang mo sa harapan mo nung araw na 'yon. Kung hindi mo kami natatandaan... marahil ay nawalan ka ng alaala at natrauma ka sa pangyayari mula nung bata ka pa."

Naguguluhan ko silang tinignan. "Hindi ko po kayo naiintindihan."

Bumuntong hininga si Tita Shimi. "Limang taong gulang palang kayo noon ni Azen nang makilala namin ang pamilya n'yo sa isang hindi inaasahang pangyayari. Malaki ang pagkakautang ng mga magulang mo noon sa nagngangalang si Santiago Sebastian kung saan hina-hunting niya ang mga magulang mo dahil hindi sila nakakapagbayad sa utan nila. Hindi pa namin alam noon na iisa silang dalawa ni Death Snake."

Hindi ko maialis ang mga pagtitig ko sa kanya dahil sa kuwento niya. "Nilapitan kami ng Mama at Papa mo noon para makahingi ng proteksyon laban kay Santiago. Hindi namin sila tinanggihan. Napatira kayo sa amin ng higit isang araw kaya naging magkalaro kayo noon ni Azen."

Muli akong napaisip dahil hindi ko sukat akalaing naging magkalaro pa pala kami noon ni Azen. Pero wala akong natatandaan sa mga sinasabi niya. "Pero dumating ang araw na habang naglalaro kayong dalawa noon ni Azen sa bakuran bigla kang pinadukot ni Santiago kaya naalarma noon ang mga magulang mo. Azen try to save your life kaya pati siya noon nadawit sa pagdukot sa 'yo."

Hindi ako makapaniwala sa mga nalalaman ko ngayon kaya napatitig ako ngayon kay Azen na natutulog pa rin hanggang ngayon.  "Nagkaroon ng engkwentro nang matagpuan namin kung saan kayo noon ni Azen dinala. At dahil mahal na mahal ka ng Mama at Papa mo hindi nila napigilang hindi ka lapitan nang makita ka nila. Hindi nila alintana kung mapahamak sila pero nangyari ang dapat mangyari. Pinatay ni Santiago ang mga magulang mo sa harapan ninyong dalawa ni Azen."

Napapailing-iling ako habang napapaluha dahil sa mga nalaman ko. "Huli na kami ng mangyari ang bagay na 'yon. Ngayon, isang trauma ang nangyari sa 'yo dahilan kung bakit hindi mo kami maala-alang lahat."

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa labis kong pagluha. "Matapos ang pangyayaring 'yon dinala ka namin sa doctor kasama ang mga kuya mo. Sa pagkakataong 'yon gusto namin kayong ampunin dahil wala na kayong ni isang mga kamag-anak. Pero nang muli namin kayong bisitahin sa hospital wala na kayong tatlo nila Max at Ming. Isang papel na lamang noon ang nakita namin sa lamesa na naglalaman ng pasasalamat. Bukod don, ayaw ng mga kuya mo na makaabala pa sa amin."

Napaiyak ako ng husto dahil sa mga nalaman ko. Bigla ko tuloy naalala ang ang mga magulang ko. "Nung araw na muli ka naming makita kasama si Azen doon sa Party kung saan nakilala mo rin sina Penelope at Victoria, pinagpanggap kaming lahat ni Azen na hindi ka namin kilala. Kung ano man ang dahilan niya, sa palagay namin, 'yon ay si Dorothy, kailan lang namin napagtanto."

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon