Chapter 13

4.4K 152 26
                                    

Ilang minuto rin bago ko tuluyang napakalma si Macey. Nang bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin minabuti ko siyang kargahin na pang bride kahit pa ako ang may natamong sugat.

Hindi siya nagreklamo sa ginawa ko bagkus sumandal pa siya sa dibdib ko at ipinikit niya ang mga mata niya.






***
Macey's Point of View

"Azen!" Sigaw kong malakas nang magising ako. Nagtataka kong nilibot ang napakalaking kuwarto na kinalalagyan ko ngayon. Hindi ko alam na nakatulog pala ako sa dibdib ni Azen kanina.

Pero nang mapatingin ako rito sa katabi ko sa kama, nandito rin pala si Azen na natutulog habang may bandage sa braso niya. Nakadapa siya at nakahubad ng damit.

Dahan-dahan kong hinipo ang natamo niyang sugat. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong naluluha. Naaalala ko rin kasi siguro kung paano niya ako protektahan kanina laban sa mga kalalakihan na 'yon. Hindi ko sila kilala pero sinisigurado kong ako ang pakay nila.

Mula sa natamo niyang sugat nailipat ko ang mga pagtitig ko sa mukha niya. Pakiramdam ko matagal ko na siyang nakilala kaya hinimas kong dahan-dahan ang mukha niya nang bigla siyang magising kaya napalihis agad ako ng tingin.

"Baby, you're awake. Are you feeling better now?" Maamo niyang tanong sa akin.

Naupo siya at hinawakan ako sa magkabila kong balikat. Pakiramdam ko tuloy ay may kung anong kuryente ang dumadaloy sa aming dalawa ngayon. Pero mas lalo akong nailang nang bumaba ang mga pagtitig ko sa hubad niyang pang-itaas na katawan.

"Baby..." Muli niyang tawag sa akin at hinawakan niya ang baba ko. Pinihit niya ang mukha ko paharap sa kanya kaya muling nagtagpo ang titigan naming dalawa. Alam kong pinagmumulahan na ako ngayon ng mukha kaya pilit kong iniiwas ang mga pagtitig ko sa kanya. "Baby, why?"

Nang bigla yatang kumirot ang sugat niya sa braso kaya agad akong nag-alala. "M-Masakit ba 'yong sugat mo? Ayos ka lang ba?" Hinawakan ko 'yon.

"I think I'm okay now." Bigla siyang ngumiti kaya parang nahihiwatigan ko kung anong ibig sabihin niya ron kaya napabitaw ako sa kanya. Nagkunwari lang naman siyang masakit ang braso niya.

"Umh, n-nasaan ba tayo?" Pag-iiba ko nalang sa usapan namin. Pinagmasdan ko ang kabuan nitong napakalaki at napakagandang kuwarto. Sobrang linis. Maraming libro at dekorasyon. Pinaghalong kulay black at white ang theme.

"Does my room is beautiful?" May pagngiti niyang sabi na siya kong kinagulat.

"K-Kuwarto mo 'to?"

"Yeah."

Mabilis akong umalis sa kama nang malaman kong kuwarto niya 'to. Tumayo lang ako sa bandang sulok pero nakaharap pa rin naman ako sa kanya. Napayuko nalang ako habang napapaisip.

Hindi ko pa nga nalulutas iyong nauna kong problema tapos nandito na naman ako sa isang kuwarto ng isang lalaki. Hindi maaari 'to. Nang bigla ko siyang nakita na natatawa at nanlaki naman ang mga mata ko nang mapansin kong hindi na ako nakasuot ng school uniform.

"Nasaan ang uniform ko? Sinong nagpalit sa akin nito? M-May nangyari ba?" Sunod sunod kong tanong habang nag-aalala.

"Baby, don't worry, 'yong mga katulong namin ang nagpalit sa 'yo ng damit kanina. Wala akong nakita at wala akong nahawakan o ano pa man kaya stop thinking bad, okay?"

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon