Chapter 25

3.8K 106 5
                                    

Kinabukasan, nanlaki ang mga mata ko nang sa paggising ko magkatapat na ang mukha naming dalawa ni Azen. Pareho kaming nakatagilid at magkaharap sa isa't-isa. Nakayakap ako sa kanya kaya naman nakangiti siya sa akin habang ako naman nakatitig lang ako sa kanya.

Nang bigla akong matauhan sa pusisyon na mayroon kami kaya naman nagmadali agad akong bumangon. "I-I'm sorry. Sorry." Paghingi ko ng paumanhin.

Bumangon na rin siya. "Bakit ka nagso-sorry?" Tanong niya habang napapangiti.

"Ha? Uh, wala. Wala naman. Sige, cr lang ako." Sabay takbo ko sa banyo ng hindi siya nililingon. Pagkapasok ko sa loob ng napakalaki niyang banyo napasandal ako sa likuran ng pintuan habang nakahawak sa dibdib ko. Ang lakas na naman ng tibok nito.

Nang mapapikit ako mukha pa rin niya na nakangiti sa akin ang nakikita ko habang magkayakap kami. "Ano ka ba Macey?" Sabi ko sa sarili.






Azen's Point of View

Mas lumawak ang mga ngiti ko dahil sa pangyayari. Napakaganda ng gising ko ngayon at dahil 'yon kay Macey. Naisipan ko nang tumawag sa mga katulong namin na nasa kitchen para malaman ko kung naipaghanda na ba nila kami ng breakfast at sinabi nga nilang kanina pa tapos at kami na lang ni Macey ang hinihintay don.

Nang lumabas na si Macey sa cr kaya naman ibinaba ko na ang call. Tumingin ako sa kanya ng deretso habang siya nakayuko at 'di makatingin sa akin ng deretso. Kita ko ring namimilipit na iyong mga daliri niya sa paa at bahagyang pinagmumulahan ng mukha.

"So, your done. The breakfast is ready. Let's go?" Wika ko at tumango naman siya.

Pagkababa namin patungo ng kusina nakita naming nakapalibot na ang lahat sa lamesa. Ang mga Guardians, Tres killers at mga katulong. Tumayo silang lahat nang makita nila kami at yumuko bilang paggalang lalo na sa akin.

Pinaghila naman ng upuan ni Adamson si Macey at magkatabi kaming naupo. Medyo awkward nga lang dahil ngiting-ngiti na naman sina Crop, Yu at Adamson na sa pakiwari ko may kalokohan na namang namumuo sa isipan ng tatlong 'to.






***

Macey's Point of View

Nandito na ako ngayon sa campus at kagaya kahapon hindi ulit kami magkasabay pumasok ni Azen para hindi halatang natutulog ako sa bahay niya. Tumingin ako sa kanan at kaliwa ko habang papasok ng gate. Pero pagharap ko sa bandang deretso kinutusan lang naman ako ng nag-iisa kong pinakamatalik na kaibigan.

"Ouch!" Sabay hawak ko sa ulo.

"Oy, bruha ka. Saan ka natutulog kapag gabi ha? Ano 'yong kasinungaling camping ang sinabi mo kina Kuya Ming at Kuya Max? Grabe ka Beshi. 'Wag mo sa aking sabihin na..." Napahinto siya sa sinasabi niya at hininaan ang boses. "nagsasama na kayong dalawa ni Azen?"

"A-Ano?" Gulat ko naman sa sinabi niya. Paano siyang naghinala sa akin ng ganon? Patay na. Sa itsura palang niya tinitignan na niya ako mula ulo hanggang paa at tila sinasaliksik ang buo kong pagkatao.

"Ano? Tatanggi ka pa? Tandaan mo, I'm your best friend. Wala akong hindi nalalaman patungkol sa nangyayari sa 'yo. Naaamoy kita Beshi kaya 'wag mo ng itago."

"Hays, Beshi, puwede ba hinaan mo lang 'yong boses mo? Baka may makarinig sa 'yo." Panay ang tingin ko sa buong kapaligiran. Papaiyak na ako ngayon dahil sa sobrang talino ng best friend kong 'to. Ang lakas din ng pang-amoy niya.

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Where stories live. Discover now