TWELVE: Hali's Game (Part 1)

Start from the beginning
                                    

"Where's your car?" tanong ko.

"Ah, I was about to tell you that we won't be driving our own car today. Mag co-commute tayo sa lahat ng pupuntahan natin."

I stayed silent for a moment para hintayin ang punch line niya. Paano ba naman kasi? Siya? Isang Romano? Mag co-commute?

Kung ako ay okay lang sa akin. I lived alone during my college days and I taught my self a lot during that time. I'm pretty sure 'commuting' is one of them.

"Alam ko iyang tingin na yan, Blythe. I'm serious. I want to have a low key date with you," she clicked her tongue as if remembering something "I mean hang out with you."

I smiled as she said that. She's finally getting the right terms. "And by low key, you mean dragging me to some seriously crowded transpo vehicles and literally get in touch with strange people?"

I said that with a scrunched face. Nawala ang ngiti sa magandang mukha nito at tila pinagsisihan ang desisyon niya. Pero bago pa siya makasagot ay...

"I love it. Let's go," sabi ko.

Hinampas niya ako sa braso at bumalik ang ngiti niya. "Don't freak me out like that! Whew, I thought you're gonna ditch me or something," nagpakawala ito ng hininga na akala mo nabunutan ng tinik.

45 minutes later....

"What's taking it so long?" For the hundreth time, Hali asked.

Umikot ang mata ko at di makapaniwalang tumingin sa kanya. Namumula na ito dahil sa init at pinapaypay na niya ang mga kamay sa mukha.

I took off my cap at ginamit iyon para mapaypayan siya. Pareho kasi kaming walang dalang panyo.

"Sino ba kasi nagsabing mag commute tayo? Hindi ba ikaw?"

"Oo nga. Pero di ko in-expect na aabutan tayo ng rush hour kapag nag LRT," tila napapahiyang sagot niya.

Yep, nandito kami ngayon sa LRT EDSA station. We took a bus going to Pasay tapos bumaba kami dito sa EDSA. Medyo maayos pa kami kanina sa bus dahil aircon iyon at nakaupo pa kami. Pero nang makita niya ang pila sa baggage check ay nagsimula na siyang magreklamo. Na lalo pang tumindi nang malaman niyang kailangan pang pumila ulit para sa BEEP CARD.

Ngayon nga ay nandito na kami sa platform at naghihintay ng tren. Seems like a good time to educate this privelege-non-commuting-and-very-important-person na kasama ko.

"I must tell you that once the train gets here, you need to act fast. Kahit hindi pa bumubukas ang pintuan ay dapat handa ka nang sumampa sa loob kasi kapag babagal bagal ka, mapag iiwanan ka. Understood?" Masinsin kong pagkakasabi sa kanya.

Tumango tango naman ito. "How come you know—"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil pumito na si manong guard indicating that the train's approaching. Impit na napatili si Hali at ewan ko kung dahil sa kaba iyon o excitement.

Napatawa ako ng malakas nang pinusisyon niya ang katawan na akala mo tatakbo. She even act like she's cracking her neck.

Napapatingin ang mga tao sa aming dalawa dahil, one: Hali is being weird with her ready-to-run stance; two: ang lakas ng tawa ko dahil sa hitsura niya; and three: we totally stand out in this crowd. Di sa pagmamayabang pero bihira ka nga naman kasing makakita ng dalawang blue-eyed girls sa ganitong klaseng lugar.

The train finally stopped and the moment the doors opened, Hali ran inside like a freaking athlete. Mabuti nalang at malalaki rin ang hakbang kong nakapasok sa tren.

Wala na agad maupuan kaya I roamed my eyes para hanapin kung nasaan si Hali nang walang anu-ano ay biglang umandar ang tren. Wala akong nakapitan kaya naramdaman ko nalang ang sarili kong papatumba na.

I FOUND A GIRL (gxg) [COMPLETED]Where stories live. Discover now