Chapter 43

348 7 1
                                    

Callie’s POV

“Ano ba yan Ayshan umupo ka nga saglit okay? Nahihilo na ako sayo eh” pano kasi kanina pa siya palakad lakad -________-

“Kinakabahan ako!” sabi niya habang pinipisil yung mga kamay niya.

“Bakit ka naman kakabahan eh magpapatali na nga sayo si Allen?” medyo kumalma yung itsura niya. Buti naman.

This is the day, ang araw na pinakahihintay ni Ayshan ang makasal siya sa lalaking pinakamamahal niya. He proposed right after niya akong iligtas, natakot daw kasi siya nun dahil baka huling araw na niya sa mundo yun kaya agad agad siyang nagpunta ng jewelry store para bumili ng ring at inayang magpakasal si Ayshan, sweet talaga ng asong yun :”>

 “Baka kasi .. Baka hindi siya sumipot?”-Ayshan.

“Gawin niya lang, papatayin ko siya” tumingin kami sa nagsalita at nakita ko si Artemyo na nakasuot ng blacksuit and I can say na lalo siyang gumwapo!!

“Hey what the hell are you doing here?!!” sigaw ni Ayshan!

 “Kukunin ko lang sayo si Callie” tumingin muna siya saken .. WAAAAAAAH!! I can feel it! I can feel na matutunaw na ako anytime!!

Shocks! Ano kayang feeling pag nagpropose saken si Artemyo? Engk! Wrong question! Paano pala siya magpopropose?!!

“No! She’ll stay here” pagmamatigas ni Ayshan. Yung isa naman biglang nagpoker face.

“Choose, Callie or Allen?” si Ayshan naman tatanggalin sana yung sapatos niya pero pinigilan ko na. alam ko na kung saan to aabot eh!!

 “Hep hep!! Ayshan ano ka ba, babalik din ako wait lang”-ako.

 “Hindi na” tinignan ko ng masama yung isa.

 “Go! Bilisan mo, si Kylie kanina ko pa din hinahanap wala pa!” tapos tumingin siya sa relos niya. “1 hour left” then she smiled.

 Baliw baliw din? kanina init ng ulo ngayon pangiti ngiti?!

 “Oo na, pag nakita ko siya papapuntahin ko siya dito okay? Relax lang kasi!” tinapik ko siya sa balikat saka lumabas ng kwarto kasama si Artemyo.

 “Oh anong problema?” tanong ko sa kaniya.

 “Malaki” napatingin ako sa kaniya tapos siya seryoso lang habang naglalakad.

 “Ano yun? Don’t tell me hindi sisipot si Allen sa kasal?”-ako.

“Hindi yun. Tsk. Just wait and see” bigla niya akong hinila. Halalala! Teka kinakabahan ako! Ano kayang problema? Don’t tell me bumalik yung Grade Six, ay Top Six para gumanti?! Shocks! Wala ba silang pahinga?!!

 Nasa hotel kami ngayon na malapit lang sa pagkakasalan nila Ayshan. Nakabihis na kami dahil sabi nga niya 1 hour na lang at mag start na yung kasal. Beach wedding ang peg nilang dalawa -_______-

 “Ano ba kasing-“ napahinto ako sa paglalakad at nakita ko …

 T__________________________________________________________T

 “Hi ate~ ^_^” tapos nagwewave siya saken!!

 “Ash!!” jusme naman tong batang to oh!!

 “Look what I did, isn’t it good?” napasapo ako sa noo ko.

 “It’s not baby. Hay! Tara na nga” paano naman kasi! Magtayo daw ba ng kastilyo sa gitna ng pagkakasalan nila Ayshan!! Nakaharang yun sa lalakaran nya. Ang kapatid ko talaga kahit kelan!!

 “Uy, paayos naman yan. Ayusin ko lang tong kulit na to” ring bearer kasi si Ash. -______-

 “Okay. Bilisan mo” pagkasabi niya nun bumalik kami sa room namin. Pinaliguan ko ulit si Ash buti na lang kamo at hindi masyadong nadumihan ang damit niya kung hindi walang magiging ring bearer!

My Valentine TragedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon