Chapter 1

919 16 6
                                    

Nakakainis.Nakakainis,bakit pa ngayon nangyari to?Wala siyang awa,di man lang niya pinatapos yung date namin bago niya ginawa yun! Ang tagal kong naghanda dito,grabe lang,pinauwi ko pa yung bestfriend ko galing sa Paris para lang ayusan ako! Aba,ako nagbayad ng ticket niya papunta dito sa Pinas.Ano na lang sasabihin ko pag tinanong niya ako about sa date ko?

*calling MaggiePots

"Ay tokwa ni James!" napreno kong bigla yung kotse ko,naku pag nagkataon na may kotse sa likod ko malamang nandun na ko sa northern part ng Philippines!! 

"Hala kang bata ka,anong sasabihin ko dito. ahem ahem.. Ahm pot,surprise! break na kami.bwahahaha" ay teka,ang panget naman ata non,baka batukan ako nun. aguuuuuuuy.. Y.Y

"Ahmmmm. pot?"

(Hay salamat naman pot at sinagot mo,bat ang tagal mong sagutin.....Teka! Asan ka?Asan si James?Anong ginagawa niyo?Pinigilan ka ba nyang sagutin yung tawag ko kasi may ginagawa kayo?Pot bakit?bakiiiiiiiiiiiiiiiiit????)

"Hoy pot,ano bang pinagsasabi mo dyan?para kang timang.hahaha"

(Eh bat nga ang tagal mong sagutin?Asan ka na ba ha?)

"Ah...... ano kasi pot ano.... ahmmmmm..." hala anong sasabihin ko,pag sinabi ko namang niloko ako ni James baka hindi na yun sikatan ng araw..

(Ano?Nautal ka na dyan.pinutol ba ni James yung dila mo?Ay teka,I smell something fishy.alam ko na)Nagseryoso bigla yung boses niya

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!! alam na nya?pano?tinext kaya siya ni James?I'm dead,ay hindi pala,HE'S DEAAAAAAAAAAAD!!  \(*_*)/

(Ano tama ba ako?Hindi ka na kasi nagsalita dyan)lalo pang sumeryoso boses nya.major major serious. 

"Ahm p-pot,a-ano b-ba yung s-something f-fishy na yun?h-he he" pinagpapawisan na ko ng malagkit dito,tinutok ko na saken lahat ng aircon dito sa kotse.

(MASYADO KA PANG KINIKILIG SA DATE NIYOOOOOOOOO!!! BWAHAHAHAHA. TAMA AKO DIBA?HAHAHAHAHAHAHA.)

Muntik ko ng ibato sa labas yung cp ko! Tama bang sumigaw???Nabingi ata ako..

"So pot kelangan sumisigaw talaga???Ang sakit sa tenga" Nakahing na ko ng maluwag. Wew! buti na lang iba mag-isip tong pot pot ko.hahaha

(EH BAKIT BA?KINIKILIG AKO EH! NAKU POT,AKO YATA NAG-AYOS SAYO KAYA NAINLOVE LALO SAYO SI JAMES! HAHAHAHA. I'M SO GREAT.I'M PROUD OF MYSELF.HAHAHAHA. hay naku pot,bukas mo na lang ikwento ang buoooooooooong pangyayari sa date niyo ok?hahaha. ako'y magbu-beauty rest na.punta ako sa bahay mo bukas,K? Goodnight pot.muah muah tsup tsup, hahahahaha)

"Hyper mo pot ha.hahaha. o sige kwento ko sayo bukas.Nyt din."

In-off ko na yung phone ko.Ano kayang sasabihin ko sa kanya bukas?Haaaaaaaaaaaay.Wala pa ako sa mood umuwi.Nag drive lang ako ng nag drive. Nagstop ako sa isang park,tutal wala ng tao dito kaya ako na lang mag-isa.Emo?Teka ayusin ko yung bangs ko,hahaha.Baliw ka na Callie.. tsk tsk.

Naglakad ako papuntang swing.Umupo na din ako saka dinuyan yung sarili ko.Emo nga db?          (//.-) yan may bangs na.hahahaha.Tumingin tingin muna ako sa paligid. Wala na talagang tao.Haaaaaaaay..Naalala ko na naman yung nagnyari kanina.

"James,bakit?bakit mo nagawa yun?" Hala,baliw na ko,kausapin daw ba yung sarili eh.tsk tsk.. 

tumingin ulit ako sa paligid ko,baka mamaya may tao magmuka akong timang dito. haha

"Ang sakit kaya. *sob*  kala ko pa naman happy ending na tayo. *sob* kala ko magpopropose ka na saken kanina,yun pala *sob* last date na natin yun. Gumastos pa naman ako ng malaki *sob*  para sa date natin." umiiyak na ko,kung kanina nakakaya ko pang tumawa,ngayon hindi na,kasi naman nabigla ako kanina,ngayon lang nagsi sink in,. Sobrang sakit pala. 

ARF! ARF!

"Ay asong tumahol sa dyosang katulad ko!!" Grabe! nakakagulat naman tong asong to.. muntik na kong mamatay dito ha. Halaaaa. ang cute niya.. Hihihi. Aso na lang kaya syotain ko?hahaha. Baliw na talaga ako.. Hahawakan ko sana siya kaso..

"CLUEDO! COME HERE!"

Ano ba yan,hahawakan ko lang si cluedo tinawag na.tssss. sungit. Ayaw lumapit ni cluedo.bwahahaha. kaw kaya lumapit dito.tsk tsk.

"Cluedo,mukang masungit yung amo mo.pinapakaen ka ba nya?hehe.Ako nga pala si Callie,friends na tayo ha?hihi"

"Don't touch my pet. -_-"

"Sungit.tignan mo ngang ayaw lumapit sayo nung pet mo eh." Sungit neto,kala mo naman nanakawin yung aso nya.. 

"Pano kasi hinahawakan mo siya"

"Ang sungit neto. oh.ayan na yung aso mo" grabe. nakaka BV sya! buti nga nacutan ako sa aso nya.Naglakad na ko papuntang kotse,nawalan na ko ng ganang magmoment eh. May masamang hangin kasi. tsk tsk. hmmmmp.

"Sa susunod,wag kang iiyak mag-isa.Nagmumuka kang baliw."

Napahinto ako sa sinabi niya,nakita niya ako?Nakakahiya.Tama naman siya eh,muka akong baliw sa ginagawa ko,pero sino ba siya para mangelam saken?Hindi ko siya kilala. Bwiset.

"Oo nga,muka nga akong baliw" humarap ako sa kanya. "Eh ano namang pakielam mo?Ano bang alam mo?wala naman di ba?kaya pwede ba,wag kang magsalita dyan na kala mo close tayo!' Ok.dami kong sinabi.

Lumakad na siya hila-hila yung tali ni cluedo. Nilagpasan niya ako saka ulit nagsalita.

"Sayo.wala akong alam sayo,pero ang alam ko..........

..... di lang ikaw yung nasasaktan ngayon"

****************************************************************************************************************

 Halalalalala. nasasaktan din daw si Mystery guy ngayon. May karamay si Callie. Emo din sya?hahaha. Help me to pick cast for this story. wala kasi akong maisip eh. comment lang kayo ha :) Feel free.. 

ciao <3

My Valentine TragedyWhere stories live. Discover now