Chapter 28

386 10 10
                                    

Hep hep! Edited! hahaha. Kanina kasi walang pic ngayon meron na! Thank you sa aking kambal na si ladyvengeance23 ^__________^. Siya ang nag edit ng pic ni Allen and CLAP CLAP for that!! Yehey! Ui Guys, mind reading der two stories! Worth it basahin! Yung isa ON HOLD eh. Try to read it! ^__________^V. Mas kinikilig ako sa THE DARE OF LOVE.  ohmy :"""""""""">

**********************************************************************************************************

Sofie’s POV

“sweety may bisita ka” anong oras na ba? Pagtingin ko sa wall clock ko eh 10:00 am pa lang.

“Sino daw po?” umupo ako sa kama saka nagkusot ng mata. Umpisa na ng bakasyon, mabuti na to at hindi ko sila makikita, wala kasi akong mukhang maihaharap after ng nangyari. T^T.

“Si Allen. Mag-ayos ka na tapos harapin mo siya, ok?” tumango na lang ako kay mommy saka siya lumabas. Si ALLEN, si ALLEN lang ang kaya kong harapin na ibang tao. Ewan ko ba pero hindi ako nahihiya sa kaniya unlike kina May.

After kasi ng nangyari siya yung laging pumupunta dito sa bahay para i check kung ok ako. Kulang na nga lang eh dito siya tumira.

Pumasok muna ako ng banyo saka nag toothbrush at naghilamos. Nagpalit na din ako ng damit, nakakahiya naman kung nakapantulog pa ako.

“Allen anong ginagawa mo dito ng ganito kaaga?” umupo ako sa tabi niya. Ang aga aga pa naman kasi.

“Anong maaga? Alas diyes na maaga pa ba yan? Tirik na tirik na ang sikat ng araw” maaga pa kaya!

“Makasalita ng tirik wagas? Hahahaha!” hinawakan niya ako sa kamay dahilan para mapatigil ako sa pagtawa.

“Buti naman tumatawa ka na” hindi ko nga din alam eh, pag kasama ko si Allen nakukuha kong tumawa.

“Eh pano kasi ikaw” komportable ako pag kasama ko siya. hay anu be yen!!

“Ang sabihin mo lang baliw ka na”-Allen.

“Nagpunta ka lang ba dito para asarin ako ha?”

“Hindi ha. baliw” sabay pitik sa noo.

“Aray ha!” hinampas ko nga siya sa braso niya. ang sama sama kasi!!

“Aba gumaganti ka na ha?” tapos hinawakan niya yung dalawa kong kamay gamit ang isa niyang kamay! Edi siya na malakas.

“Hoy Jacob!! Anong gagawin mo! Abnormal ka talaga!!” pano kasi naka grin siya!! ayoko ng iniisip niya!!

“Ah ganun tinawag mo pa akong Jacob? Yari ka talaga sa ken!!”

“AY PUTEK JACOB!! UMAYOS KA-HAHAHAHA! ANO BA-HAHAHAHA!! TUMIGIL KA NA-HAHAHA. OO NA OO NA TITIGIL-HAHA TITIGIL NA AKO JACOB!! AY ALLEN PALA!! HAHAHAHA” pasaway na lalaki to ang lakas mangiliti!!! Napahiga na nga ako dito sa sofa !!

“Hindi ko marinig eh. Ano??” at patuloy lang siya sa pagkiliti sa akin.

“WAAAAAAAAH!! TAMA NA ALLEN!! OH AYAN NA ALLEN!! HAHAHAHAAHAHA!!!”

Ding dong!!

“TEKA MAY NAGDOORBELL!! HAHAHAHAHA!!” Papatayin ba ako neto sa kiliti? Tuwang tuwa pa siya eh!! Tatayo na sana ako kaso biglang lumabas si Mommy mula sa kitchen.

“Ako na sweety.” At tuwang tuwa siya sa nakikita niya. ano ba mommy mamamatay na ako dito!!

“Bwahahahaha!! Wala kang lusot!” waaaaaaah!! Sinasapian si Allen!! Hahahaha

“TAMA NA!! PLEASE!! TAMA NA! HAHAHAHAHAHAHAHA!!” buti naman tumigil na siya. pero hindi niya pa din binibitiwan yung mga kamay ko. ang init!! Pawis na pawis ako!!

My Valentine TragedyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora