Chapter 32

328 8 26
                                    

Sofie’s POV

“Ms. Mercado?” nawala ang lahat ng nasa isip ko ng bigla akong tinawag ni Allen.

“Po-po?” dahan dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo ko.

“Are you okay?” halatang nag-aalala siya.

“Uhm. Yes Sir ok lang po ako.” Tumingin ako sa board kung saan nakasulat ang isang equation. “Sasagutan ko po ba yan?” tanong ko habang nakaturo sa board.

“Yes” naglakad ako papunta sa harap. Ng magkatapat kami eh may sinabi siya sa akin kaso mahina lang.

“ok ka lang ba talaga amo?” ewan ko ba pero natutuwa ako pag yan ang tawag niya sa akin. tumango na lang ako bilang sagot ko.

Dahil nga sa bawal ang student-teacher relationship sa universtiy namin eh lihim lang yung relasyon namin. Siyempre may nakakaalam din at yun yung mga kasama namin sa bakasyon. Hindi ko sinasabi sa kanila yung problema ko, kahit kay Allen. Ayokong pati sila eh mamroblema, kahit na mga kaibigan ko sila eh gusto ko ako lang ang tutulong sa pamilya ko.

“Tara kain tayo! Namiss ko kayo eh, treat ko”-Josh. Tapos na yung klase namin.

“Pass muna ako Josh” binilisan kong ayusin yung gamit ko. Kelangan ko pang maghanap ng trabaho. Naramdaman kong yumakap siya sa likod ko.

“Bakit naman My Callie? Ngayon na nga lang tayo magkakasama ulit eh. Tagal ko kasing hindi pumasok”Josh

“Ahm ano kasi eh ... may .. may gagawin pa ako. Kaya sorry talaga, di bale next time babawi ako. Ako ang manlilibre, ok?” tinanggal na niya yung pagkakayakap sa akin kaya humarap na ako sa pintuan.

GULP

O-oh!! Si Allen, ang sama ng tingin sa amin ni Josh. Naku po patay!! Hindi niya pala alam na bestfriend ko ang kolokoy na to.

“SIge una na ako ha!! byeeeee!!!” bago pa man sila makapagsalita eh lumabas na ako at hinarap si Allen na nababalutan ng ITIM na AURA.

“Kung makayakap sayo wagas ha” tapos nagsimula na siyang maglakad! Waaah!! Ano ba yan.

“Ui All-Sir! Wait lang” pero parang wala siyang naririnig at patuloy lang sa paglalakad. Grabe! Ang laki ng hakbang niya. Parang kay Artemyo lang >.>

“Siiiiiiiiiiiir!!! Wait lang po!!!” kahit na pinatitinginan na kami ng ilang estudyante dito eh wala akong pakielam. Si Allen kasi ayaw akong pansinin >3<

Tuloy lang siya sa paglalakad at ako naman sa pagsunod. Waaaah!! Hindi niya talaga ako pinapansin. Hindi ko namalayan na andito pala kami sa may tapat ng faculty room.

“Allen!” hinawakan ko siya sa braso kasi papasok siya sa loob. Ano ba naman to!!

“Sir Allen” tapos humarap siya sa akin, sa ibang direksyon siya nakatingin.

“SIR ALLEN, ano PO bang problema at hindi mo PO ako pinapansin??!”

“You know kung bakit ako nagkakaganito MS. MERCADO” tapos tumingin siya sa mga mata ko.

“Okay. Kung about to sa nakita mo sa room wala yun! Si Josh eh bestfriend ko siya at ganun talaga kami sa isa’t-isa. Tsaka matagal kaming hindi nagkita kaya ganun”

“Sweet?  Psh. If I know may gusto sayo ang taong yun kaya ganun siya. Tsaka hindi mo pa ba nasasabi sa kaniya na may boyfriend ka?” inis niyang sabi sa akin.

“Gaya nga ng sabi ko matagal kaming hindi nagkita kaya hindi ko nasabi sa kaniya. Matagal siyang hindi pumasok. And totoo yun, may gusto nga siya sa akin pero dati na yun. Wala na yun at alam niyang kaibigan lang ang turing ko sa kaniya”

My Valentine TragedyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin