Chapter 35

359 9 12
                                    

Hello!!  Ang update ngayon eh wala munang CALLEN/CAIDAN LOVETEAM, isama na natin yung AJ  LOVETEAM at KYTHEM. LOL. Ang shonget gumawa ng loveteam ni ChamCham. O siya eto muna ha? kasi para hindi lang sa tatlo umiikot ang story. ^__________^v. Yung mga loveteam na nabanggit ay kung meron mang sumususporta sa kanila kaya ko nilagay. This time, it’s MK Loveteam. Alam na! HAHAHA. Hope you enjoy guys ^_______________^V.

 Dedicated sa mahal ko! Ayan may message na mahal! Hahahaha!! Tapos yung pic sa gilid ang epic lang. =_______=

******************************************************************************************

May’s POV

From: Kuya

Bunso, uwi ka kagad after ng klase mo. May pupuntahan tayo.

Wow.  Saan naman kaya kami pupunta neto ni Kuya? Himala at lalabas siya ng bahay ng kasama ako. Don’t get me wrong close naman kami niyan pero minsan lang kami lumabas together.

“Bulaga!!”

“Ay bakla kaaaa!!!” sabay hampas sa braso. Grabe! Si Ken lang pala!! >///>

“Hindi nga ako bakla, ilang beses ko bang sasabihin sayo” sabay pout. Waaaah! Ang cute niya. Ay erase erase!!

“Sorry sorry, nagulat kasi ako eh tsaka teka nga bakit ka ba andito? Diba may practice kayo ng basketball?” nilagay ko yung mga libro ko sa locker. Varsity kasi yang si Ken pero tamad pumunta ng mga practice.

“Miss kasi kita eh, tsaka ako? Magpapractice?? No need. ^_____^”  ohno!! Ngumiti na naman siya, agad kong iniwas yung tingin ko sa kaniya at tinuon ang pansin sa mga libro. Nakakainis kasi pag ngumingiti yang si Ken eh. Ewan ko ba pero bumibiilis tibok ng puso ko >.<

“Tara, sabay na tayong pumasok my lady” tapos nagbow pa siya. Susme! Buti walang gaanong estudyante dito kung hindi pinagtitinginan na naman kami.

“Ano ka ba, umayos ka nga” nauna na ako sa kaniyang maglakad. Halaaaa nanginginig yung tuhod ko tapos hindi ako mapakali.

“Ouch!!” bigla akong napaupo kasi may nabunggo ako. Aray ko po ang pwet koT^T.

“May!!” naramdaman kong inalalayan akong tumayo ni Ken, sa pagdampi pa lang ng balat niya sa akin may naramdaman na akong kuryente. WAAAAAAAAAH!!

“O-ok lang ako” ng sinubukan kong maglakad eh muntik na akong ma-out of balance at buti na lang nakaalalay sa akin si Ken. Ang paa ko ang sakit T^T.

“Sorry miss. Hindi ko –“

“Sa susunod kasi tumingin ka sa dinaraanan mo! tignan mong nangyari sa kaniya napilayan pa ata to! Pano pag hindi na to nakalakad? Pano pag kinasala na kami ha? hindi siya makakapaglakad papuntang altar dahil sa pilay niya! ano yun ikakasal kami ng naka wheelchair siya? hindi mo ba alam na iniingatan ko ang babaeng to?! Tapos ang lakas ng loob mong banggain siya! mabuti pa umalis ka na sa harap ko at baka hindi kita matantya” yung lalaking nakabunggo sa akin takot na takot!!

“Ui Ken ano ka ba” bulong ko sa kaniya. Nagsorry ulit yung nakabunggo sa akin saka tumakbo papalayo. Si Ken naman bigla akong binuhat!!

“Ken ibaba mo ko nakakahiya!” nasa dulong corridor kami tapos bawat madaanan naming room eh tumitingin sa amin yung mga estudyante dun. Nakakahiya talaga!

“Wala akong pakielam sa kanila, ikaw lang inaalala ko”

Dubdub Dubdub

Hindi na ako nagsalita at yumuko na lang ako. Yung pagkakasabi niya nun seryoso pero hindi galit. Tipong mararamdaman mo na galing sa puso niya talaga, ano ba yan Ken hindi dapat eh. Pero sa ginagawa mo lalo lang akong nahuhulog sa iyo. Hindi nagtagal eh nasa loob na kami ng clinic.

My Valentine TragedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon